Kung mayroon mang mas nagpapahirap sa akin sa pagluluksa ko sa pagkawala ni Papa, iyon ay yung pagdating ni Kuya Uno dito sa bahay. Bigla, nawalan ako ng privacy. Ni hindi ako makaiyak kapag kailangan ko. Bigla, nawalan ako ng ganang magstay sa bahay na pinagpaguran naming magkasama ni Sir Niccolo para maayos at mapaganda.Ngayon ko lang naranasang mastress nang ganito.
Ewan ko ba kasi kay Mama. Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang mga trip sa buhay eh. Anong sense na umalis alis sila dito kung magpapapunta rin pala ng kapalit na galing doon sa Bicol? At di bale sana kung isa sa mga matitino at magaganda o gwapo kong pinsan. Sa lahat ng tao, 'tong demonyong Bruno pa na 'to talaga.
Hindi ko alam kung sino sa mga kapitbahay namin ang nagparating ng kung ano anong balita kay Mama. Bakit kailangang sabihing may ginagawa akong kalokohan kahit wala naman? Ang kakapal ng mukha. Kunwari, pangiti ngiti kapag nakikita kami ni Sir. May pa-good afternoon pa silang nalalaman minsan. Tapos ganun?
Malaman ko lang talaga kung sino sa kanila, ingungudngod ko ang mga nguso nila sa tanim na cactus nila Aling Fely.
Nagring ang bell para sa dismissal. Nakasabit na agad ang bag sa balikat ni Vince. Readyng ready na namang umuwi samantalang cleaner siya. Lumapit siya sa akin.
"P're, tara."
"P're, wait lang konti, okay lang ba?"
Kumunot ang noo niya. Nginuso ko si Sir Niccolo na nagliligpit ng mga gamit niya. Tinignan naman siya ni Vince.
"Hindi na kasi kami masyadong nagkakausap." sabi ko. Totoo, dahil sabi ko nga, iba ang trato sa akin ni Sir sa school. Namimiss ko nang kausapin niya. Mangitian lang niya ako o marinig ko lang na binabanggit niya ang pangalan ko, masaya na ako. Bonus pa kung hahawakan niya ako sa ulo at guguluhin o hihimasin ang buhok ko.
Tumango si Vince.
"Thanks, P're. You're the best." sabi ko at lumakad na ako papunta kay Sir.
"Ulol. May pa-da bes da bes ka pang sinasabi - ano ito?"
Napalingon ako sa kanya. Inabutan pala siya ni Naomi ng walis. Wala tuloy siyang nagawa. Napurnada yung plano niyang tumakas sa paglilinis. Panay kamot siya sa ulo habang padabog na nagwawalis. Pinagtawanan ko siya kasabay ng pag-angat ng alikabok sa hangin.
Dahil doon ay hindi ko napansin na nakangiti ako paglapit ko kay Sir.
"You seem happy. It's nice to see you happy, Nathan."
Itinuloy ko ang ngiti ko at kinuha ko ang ibang gamit niya mula sa kanya. "Tulungan na po kita, Sir."
"It's been a few days. How's home, Nathan?" tanong ni Sir habang naglalakad kami papunta sa office niya.
"Sir..", hindi ko napigilan ay desperado kong nasambit.
"What's wrong? Is he hurting you?" nagaalalang tanong ni Sir.
Umiling ako. "Hindi naman po. Medyo mahirap lang po talagang pakisamahan si Kuya Uno. Medyo nakakastress po, Sir."
"On a scale of 1 to 10, with 10 being the highest, where is your stress level?"
Sandali akong nagisip. "Mga 5 po?"
"5? Kayang kaya mo 'yan, Nathan." Sinusian ni Sir ang pinto ng office niya at nagulat ako pagpasok namin nang mapansin kong iba ang kulay ng pader. Green pa rin, pero iba na ang shade. Hindi na parakeet.
"Sir, hindi mo po sinabing magpipintura ka po. Para natulungan po kita. Saka bakit hindi na po parakeet?"
"It's fern." sabi ni Sir. "Remember that it was my first choice? It looks nice doesn't it?"

BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Ficção AdolescenteWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?