CHAPTER 16

2.6K 276 131
                                    


Iniabot ko kay Sir Niccolo ang katatapos ko lang sagutan na worksheet. Mabigat ang loob ko. Paano, huling worksheet na iyon at tapos na ako sa remedial class ko kay Sir. Hindi ko naman kasi kayang tumuloy sa paggawa ng artworks. Gustong gusto ko. Wala lang talaga akong pambili ng materials.

"Congratulations, Nathan. You're done." nakangiting sinabi ni Sir. Dark green na polong long sleeves ang suot niya pero tinupi niya ang manggas kaya nagmukhang ¾. Nakabukas ang ilang butones at litaw ang dibdib niya. Pag ganitong dark colors ang suot niya, mas lalong lumilitaw ang kaputian niya. Mas lalo siyang nagmumukhang malinis, mabango. Mas lalo lang akong nakakaramdam ng kakaiba. Para bang... gusto kong hubaran si Sir at halikan sa buong katawan.

Siguro, napansin ni Sir ang pagkabalisa ko kung kaya nawala ang ngiti niya. "What's wrong? You should be happy. Natapos mo yung worksheets mo. May problema ba, Nathan?"

Umiling ako at pagkatapos ay huminga ako nang malalim. "Sir, itatanong ko lang po sana, kung anong magiging grade ko ngayong tapos na po yung worksheets. Makakatuntong na po ba ako ng 75 kahit hindi na po ako gumawa ng artworks?"

Lalong nalungkot ang mukha ni Sir. Halatang hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon. Binuksan niya ang laptop at may kung anong itinype.

"I'm afraid, hindi pa rin, Nathan." sabi niya pagkatapos. "Actually, perfect score na ang inilagay ko para sa last set ng worksheets mo kahit hindi ko pa nachecheck. Mababa lang kasi ang weight ng written works, I explained that already to you, di ba? 20 percent lang. Wala ka kasi kahit isang output sa performance. Your artworks are under that."

Hindi ako kumibo. Tumingin lang ako sa mukha niyang pagkagwapo gwapo.

"Bakit ba kasi parang eager kang ipacompute ang grades mo? Ayaw mo na bang magremedial? Nagsasawa ka na bang kasama ako?"

"Sir, hindi po." mabilis kong sagot. Alam ba ng taong ito ang sinasabi niya? Eh kung ako ang tatanungin, kung may choice lang ako, sasamahan ko siya bawat minuto ng buhay ko.

"O, eh bakit nga? I thought we agreed that you'll finish everything."

"Kasi po, Sir..." Pinagkapit ko ang dalawa kong kamay sa harapan ko. "Malapit na po ang bigayan ng card. Baka po hindi makahabol kung tatapusin ko pa. Yung sponsor ko po kasi... pinapasend po niya yung copy ng card ko every quarter."

"Then show your card to them. Blank nga lang ang MAPEH. You tell them the truth that you still need to complete your requirements for the subject and magsesend ka ulit ng copy once completed na ang grades mo."

Kung tutuusin, pwede naman. Maiintindihan naman ako ng sponsor ko at never naman niya akong pinressure. Confident ako na pagkatapos kong magawa ang pinagagawa ni Sir, hindi naman niya ako ibabagsak. Si Vince nga na hindi tinapos ang worksheets at pinagawa lang sa kaklase ang artworks, nakapasa. Ako pa kaya?

"I'll back you up. I'll send them an e-mail. I'll tell them that you're a good student and that you just need time to finish everything so you'll get a better grade than you were supposed to receive."

Tumango ako. Wala akong choice kundi ang sabihin kay Sir ang totoo.

"Sir, wala po akong pambili ng materials."

Sandaling natigilan si Sir at maya maya ay muling nanumbalik ang ngiti sa gwapo niyang mukha. "Sinabi ko bang bumili ka ng materials mo? Did I ask you to provide for the papers na ginamit ko for your worksheets? For the ink para sa printing? Hindi naman, di ba?"

"Sir, ibang usapan po iyon. Ngayon po, malaki po ang magagastos kung pati yung art materials iproprovide niyo pa po."

"Anong pinagkaiba?" kunot ang noong tanong ni Sir. "Eh pareho lang na ang purpose ay matuto ka at matulungan kita na maipasa ang subject ko. I don't see any difference at all."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon