CHAPTER 37

2.2K 243 28
                                    


"Pwede mo bang i-send sa akin yung iba pang nobela ng Papa mo?" tanong ni Direk Riego, isang gabing tinawagan niya ako. "Mga ilan 'yon?"

"Bakit? Para saan?" tanong ko. "Ano? Gagawa ka ng bagong pelikula? Samantalang hindi mo pa nga natutupad yung unang napagusapan natin."

"Hijo, para rin sa Papa mo iyon kaya ko hinihingi. Ngayon na ang pagkakataon para maipublish yung mga gawa niya, habang sikat na sikat pa ang pangalan niya. Actually, maraming publishers ang kumocontact sa akin. Gusto nilang gawing libro ang Burnt Bridges."

Hindi ako nakasagot. May kung anong kaba na naman akong naramdaman sa dibdib ko. Isa rin iyon sa pinangarap ni Papa dati - yung maging libro yung mga isinulat niya.

Kaya lang, tulad ng sinabi ko, nakakatakot ipagkatiwala ang mga nobela ni Papa sa isang tulad ni Oliver Riego, gayung hindi pa nga naibibigay yung pinagusapan naming porsyento.

"Saka yung tungkol sa share sa kinita ng movie, hintay hintay lang naman." dugtong pa niya, dahil nga hindi ako kumibo. "Madaling madali ka. Samantalang marami pa ngang staff at crew na hindi pa nabibigyan ng sahod eh sa inyo may pumasok nang pera. Dumadaan sa proseso yun, hijo. Hindi yun basta ka lang nagtinda sa palengke at yung kinita pwede mo nang iuwi agad. Wala tayo sa palengke, nasa show business tayo."

"Hindi ako nagmamadali." sabi ko, medyo naoffend sa idea na minamaliit niya ako at ang pamilya ko. "Naninigurado lang ako dahil ilang beses na kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot."

Tumawa ang kausap ko sa kabilang linya. "Well what do you expect? Available lahat ng oras ko para sa'yo? Basta. Hintay hintay lang. Ano na? Yung tungkol sa mga nobela? Magno-No na ba ako sa mga publishers? Kayo rin, sige."

"Pag-iisipan ko. Saka tatanungin ko pa muna si Sir Niccolo."

"Tang inang 'yan." dismayadong sinabi ni Direk. "Lagi na lang kailangan ng opinyon nun. Sino ba yun at kailangang iyon ang laging masunod, eh nobela naman 'yan ng Papa mo?"

"Oo nga. Nobela ni Papa. Kaya hindi rin ikaw ang masusunod." sabi ko. "Sasabihin ko kapag isesend ko na. Siguro, after ko makuha yung share namin."

"Bahala ka."

Walang sabi sabing in-end ni Direk Riego ang tawag. Inis na inis siya. Hindi ba niya alam na nakakaduda siya? Bakit siya ang eager na eager na mapublish ang mga gawa ni Papa kung wala siyang mapapala?

Buti na lang, nawarningan na ako ni Sir Niccolo, matagal na. Lalo na noong hindi nga nagpaparamdam si Oliver Riego. Sabi ni Sir, darating ang time na pagiinteresan ni Riego yung iba pang mga nobela ni Papa, lalo na't yung gawa ni Papa ang naging dahilan para umani siya ng ganoong tagumpay.

Sinabi sa akin ni Sir na ingatan kong maige yung ibang mga nobela ni Papa. Wag kong isesend kahit kanino - kahit kay Cathy o kay Vince, o kahit sa Mama ko o mga kamag-anak ko pa. Mabuti na yung kaming dalawa lang ang may kopya.

Kung totoo raw na magkakaroon ng opportunity na mapublish at maging libro ang mga gawa ni Papa, yung mga publishers mismo ang lalapit at kocontact sa akin, at hindi na kailangan pang dumaan kay Riego.

Sinindihan ko ang kandila na nasa loob ng baso at katabi ng naka-frame na picture ni Papa. Isang taon na buhat nang mawala siya. Magdamag akong iyak nang iyak. Tama nga si Sir Niccolo, parang alon na humahampas ang pagluluksa. Minsan nandyan, minsan wala. Minsan kalmado, minsan malakas. Minsan, parang tsunami pa. Higit na malaki kaysa sa akin, o sa kaya kong harapin, o sa kaya kong labanan.

Naghahanda ako ng isusuot ko para sa pagdalaw kay Papa sa sementeryo at habang namamalantsa ako ay binuksan ko ang TV. Morning talk show ang palabas, sa SN TV sa Channel 8.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon