Lumingon ako kaliwa't kanan pagpasok ko ng tren. Andaming tao. Yung iba, nakatayo na. Parang wala nang bakanteng upuan. Nagpasya akong tumayo na lang din.
Kapit ko ang train ticket na halos mayupi ko na sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko, sumandal ako sa metal na pole. Ang lamig nito, nagulat pa nga ako nang dumampi iyon sa balat ko. Malakas kasi ang air-con.
Pero ako, pawis na pawis. Ewan ko ba pero parang bukas ang lahat ng pores ko at ayaw huminto sa paglabas ang pawis ko.
Nang magumpisa nang sumara ang mga pinto ng tren, parang bigla akong nagpanic. Parang bigla, gusto kong lumabas at umuwi na lang. Parang ayoko nang ituloy ito.
Napakapit ako sa handrail nang biglang umandar ang tren. Muntik na kasi akong matumba. This is it. God. Tama ba 'tong ginagawa ko?
May imimeet ako. Kachat ko. Nakilala ko siya sa isang dating app at ilang weeks na din kaming nagkakausap (minsan nagtatawagan). Ngayon lang kami nagkasundo sa schedule. Parehas busy. Isa pa, ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob.
Hindi pa nga ganoon ka-sure.
Paano, heto, hindi ako mapakali. Para akong matatae na maiihi na ewan. Andaming pumapasok sa isip ko. Ewan. Nagooverthink na naman ako.
First time ko kasi na makikipagmeet sa isang stranger, kahit na marami na akong nakachat na hindi ko kilala. Ano kayang mangyayari? Magugustuhan kaya niya ako? O baka bigla na lang siyang magsabi na uuwi na siya pagkakita niya sa akin. Baka biglang magkaroon ng "emergency" sa kanila, or tumawag ang boss, etc.
Next Station: Araneta Center-Cubao. Ang susunod na istasyon ay Araneta Center-Cubao.
Shit. Palapit nang palapit ay lalong tumitindi ang kaba ko. Isang station na lang, bababa na ako. Sa Araneta Center-Cubao station kasi kami magkikita. Sa V.Mapa station ako galing, samantalang siya, sa Guadalupe (nagMRT siya). Nagdecide kami magmeet halfway.
Nabanggit niya sa akin minsan sa chat na may kotse siya. Pero sinuggest ko na sa first meeting namin, magcommute lang kami. Pumayag naman siya. May kotse rin ako. Pero hindi pa ako pinapayagan ni Daddy na magdrive mag-isa. Naghire siya ng driver para sa akin. Marunong naman ako, pero kaka-18 ko lang kasi. Wala pa akong license.
So yun nga, nagsuggest ako na magcommute lang kami para mas safe. Ewan ko. Part lang siguro ng pagooverthink ko pero kung ano ano kasi naiimagine kong pwedeng mangyari kapag may sasakyan ang imimeet ko. Baka makidnap ako tapos hindi na ako makauwi. 😂
Arriving at Araneta Center-Cubao. Paparating na sa Araneta Center-Cubao station.
Hala shit. My gosh. Biglang nanginig ang katawan ko. Hindi sa lamig kundi sa kaba. Bumukas ang mga pinto ng tren at dumagsa ang tao palabas. Halos karamihan ng sakay ay paCubao pala. Nakipagsiksikan ako sa kanila habang pababa kami sa escalator na hindi naman gumagana, hanggang sa makadaan kami doon sa pinagpapasukan ng ticket para makadaan (hindi ko alam ang tawag). Hindi ko alam kung ako 'tong tatanga tanga o sadyang palpak lang yung kung ano man yun dahil nastuck pa 'ko sandali eh pumasok naman yung beep card ko. Kakastress. At nakakahiya din sa mga kasunuran ko.
Haays. Finally, nakaexit din ako. Dali dali akong naglakad papasok sa Gateway Mall para sana pumunta muna sa restroom at magfreshen up at magpalit na din ng damit dahil pawis na pawis na nga ako nang maramdaman kong nagvavibrate ang phone ko. Tumatawag siya.
"Hello?"
"Hello. Asan ka na?"
"Dito na. Ikaw?"
"Dito na rin. Kakarating lang," sagot niya.
"Saan?"
"Dito sa Gateway. Ikaw ba?"
Napalingon ako sa paligid at dali dali akong naglakad sa direkyon ng restroom.

BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Novela JuvenilWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?