CHAPTER 13

2.4K 252 37
                                    


Tinignan ko ang earphones na nalaglag sa maputik at mabahong tiles ng CR, pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin kay Vince. Kasama niya ang dalawa pa naming kaklaseng lalaki, sila Jordan at Samuel, na kung anong kinaganda ng pangalan ay siya namang kinapangit ng mga mukha. Mga mukhang bulldog. Laging humuhulas sa pawis at laging may libag sa kwelyo ng uniform. Mukhang nahanap rin ni Vince kung saan siya belong. Nagmukha rin siyang boss sa wakas. At least, hindi na tulad sa akin na nagmumukha siyang alila pag magkasama kami.

Yumuko ako para sana pulutin ang earphones pero nagulat ako nang biglang umadvance si Vince at tinapakan iyon. Nakita ko kung paano madurog ang earphones sa pagkakatapak niya.

"Oops. P're. Natapakan ko. Sorry." Umarte pa si Vince na kunwari ay hindi niya sinasadya. "Pero OK lang 'yan, di ba, P're?"

"Oo naman." seryosong sagot ko. "Ikaw naman ang bumili niyan para sa akin di ba?"

"Sabi ko nga." nakangising sagot niya. Ngumisi rin sila Jordan at Samuel.

Dinisconnect ko ang earphones mula sa pagkakasaksak sa cellphone. Binitawan ko iyon sa paanan ni Vince. "Padaan." Hinawi ko siya. Lalakad na sana ako palabas ng CR nang bigla akong harangin ng dalawa.

"P're." sabi ni Vince. "Aalis ka na agad? Tambay muna tayo dito."

"Wag mo nga akong tawaging P're." kunot noo kong sinabi.

Napangising lalo si Vince. "Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Mars? Mamsh?" Tumawa nang malakas ang dalawa. "Pwede naman."

"Tang ina mo." sabi ko sabay tangkang itulak ang dalawa pero mas malaki sila sa akin at mas mataba. Ni hindi ko man lang sila natinag. "Ano bang problema niyo? Bakit kailangan niyo akong sundan dito sa CR? Gusto niyo akong silipan? Sorry boys. Tapos na akong umihi."

Tumawa nang malakas si Vince kaya nakitawa rin ang dalawa. "Bakit mo kami iginagaya sa'yo? Hindi kami interesado sa burat mo."

"Mabuti nang malinaw." sabi ko.

"Pinasundan ka lang sa amin ni Ma'am. Baka kasi kung saan saan ka makarating. Baka makarating ka sa comlab at magnakaw na naman."

"PUTANG INA MO!" Sinugod ko si Vince pero pinigilan ako ng dalawa niyang kasama. "Hindi ako magnanakaw, alam mo 'yan. Kung sino man sa ating dalawa ang utak kriminal dito, ikaw yun!"

"Sinong maniniwala sa'yo?" nakangising tanong ni Vince. Relaxed na relaxed siya sa pagkakasandal sa lababo ng CR habang ako ay kapit ng dalawa niyang kaibigan sa braso at gigil na gigil sa kanya. "Pinagtakpan ka lang naman ng favorite mong si Sir Mar kaya hindi ka nabisto sa pagnanakaw mo di ba? Yun ba ang dahilan kung bakit mo siya pinagtatanggol ngayon?"

Hindi ako sumagot. Gagong Vince 'to. Kung hindi ako pinagtakpan ni Sir Niccolo noon, pati siya damay. Alangan namang hindi ko siya ikanta? Eh pakana niya lahat iyon?

"Ano yun, Nathan, ano yung eksena mo kanina sa room?" Lumakad palapit sa akin si Vince. "Hindi cool, P're. Hindi mo kina-cool yun."

"Wala akong pakialam sa idea mo ng cool at ng hindi, Vincent Yulo." galit kong sinabi.

"Alam mo, ang hindi ko maintindihan, Nathaniel Donovan," Nakigaya din si Vince sa pagtawag ng buong pangalan. "ay kung bakit galit na galit ka? Ano bang ipinakain sa'yo ng Sir Mar na iyon para magkaganyan ka?"

Ngumisi si Vince. Tumawa naman ang dalawa.

"Alam na dis, P're." sabi ni Samuel. "Baka mahaba at mataba."

Pinilit kong pumiglas pero hindi talaga ako makawala sa mahigpit na hawak ng dalawang damulag.

"Alam mo kung ano ang ipinakain sa akin ni Sir. Galit na galit ka pa nga di ba? Sa akin kasi ipinakain ni Sir lahat ng pagkain na binigay ng babaeng baliw na baliw sa kanya."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon