CHAPTER 50

2.1K 237 42
                                    


"What do you think, Sir?" tanong ko kay Sir Niccolo. May bago. Unlike dati na lagi lang siyang nasa kama niya, nakaupo ngayon si Sir sa swivel chair at nakapatong ang siko sa maliit na desk at nakatukod ang hawak na ballpen sa ilalim ng mukha - yung pose na paborito niyang gawin noon sa office niya. Namiss ko tuloy bigla. "Maniniwala ba ako sa sinasabi ni Mr. Ong?"

"I'm not saying that you should trust him completely, Nathan." sabi ni Sir. "But I'm seeing a possibility here that he really wants to help you. I've been trying to get news about that man all these years and the most that I got was that StrOng Productions was, for some reasons, no longer affiliated with SN Films."

"There was a rumor about a feud," sabat ni Sir Enzo, habang hinahagis sa ere ang hawak na mansanas at pagkatapos ay sasaluhin. "between him and the director - yes, you know who." sabi niya. Siguro, nakita sa expression ng mukha ko na kilala ko agad kung sino ang kanyang tinutukoy.

"How come I didn't know all those things?" tanong ko.

"I was about to ask you that, Nathan." sabi ni Sir. "Para yatang mas obsessed pa kami sa case compared sa iyo."

"Mismo." dugtong ni Sir Enzo.

Hindi ako nakasagot. Hindi totoo ang sinasabi nila, dahil kung sino man ang pinakagustong maipanalo ang kasong ito, ako iyon. Pero tama nga na mas marami pa silang alam sa mga nangyayari kaysa sa akin. Ang totoo, mas marami pang information sila Vince at Cathy tungkol kay Oliver Riego, sa SN TV Network, at kung ano ano pa, kaysa sa akin.

"So Mr. Ong is planning to use me, and my Dad's case, ganoon? Kunwari pa, gusto akong tulungan. Sabi ko na nga ba eh, may hidden agenda ang walang hiyang iyon. Buti na lang pala at nalaman ko 'yang mga 'yan ngayon."

"And what do you plan to do?" Medyo mataas ang boses ni Sir. "Hindi mo siya imimeet? You're obviously not putting your head in it, Nathan."

"Oo nga, Nathan. What's wrong with you?" tanong ni Sir Enzo, salubong pa ang may kakapalang kilay. "What'd you expect? Tutulungan ka nung tao for free? Syempre, meron talaga siyang magiging pakinabang doon, kaya niya gagawin."

"Are you trying to tell me na magpagamit ako sa kanya?"

"Yes, Nathan." sagot ni Sir Enzo na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Sir Niccolo dahil baka sakaling kontrahin niya ang sinabi ng kaibigan pero nagulat ako na tumatango tango pa siya. "You let him use the situation for his personal gains. Pero in exchange of it, you use him as well. You take advantage of his anger, of his feud - whatever that is that he has right now against Riego. That way, mas matutulungan ka niya."

"You just have to be very careful, Nathan." sabi ni Sir Niccolo, seryoso ang mukha. "Be vigilant, at wag mong hahayaang malingat ka kahit sandali. Hindi natin alam kung nasaan talaga ang loyalty ni Mr. Ong at kung ano talaga ang binabalak niya. Kung pwede nga lang na samahan kita, kaso..."

"Isama mo si Tyron kapag nakipagmeet ka." agad na sinabi ni Sir Enzo. "Mas mabuti na may kasama kang lawyer para magdalawang isip ang chekwang yun sakali mang may balak siyang tablahin ka."

"How's Attorney Santillan, by the way?" tanong ni Sir Niccolo.

"He's busy." sagot ko. "Hindi kami nagkakausap."

"He's working on a case." sabi naman ni Sir Enzo. "A rape case. A bit sensitive one, according to him. Paano, minor na lalaki ang complainant. Ang nakakashock pa doon, lalaki din ang suspect. An older guy. Yun ang client ni Tyron."

Napatingin sa akin si Sir Niccolo. Hindi ko alam ang laman ng isip niya pero kitang kita ang shock sa mukha.

"Pero don't worry, Nathan. He'll be free soon. Nakakadalawang court hearings na and he's doing good so far. Mahina ang laban ng complainant dahil wala namang evidences. Baguhan pa ang prosecutor. Sabi ni Tyron last night, sure na sure siyang mananalo ang kaso. Bilib talaga ako sa husay ng batang iyon."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon