CHAPTER 33

2.1K 263 37
                                    


5:58 PM. Tanaw ko na ang building ng Richmonde Condominiums mula sa bintana ng kotse. Tulad ng ipinangako ni Vince, pinahiram niya ako ng isusuot. Feeling ko tuloy, isa akong prinsipe sa suot ko. Simple, pero elegante (sabi ng mga katulong) ang itim na coat at light blue na polo sa loob. Nagvolunteer din si Vince na ayusin ang buhok ko pero hindi ako pumayag. Sinabi kong mas gusto ni Sir Niccolo kapag malambot ang buhok ko at bagsak.

5:59. Tumigil ang kotse sa tapat ng main entrance. Halos hindi na ako makahinga. Napatingin ako sa driver na tahimik lang din na nakatingin sa akin habang panay ang patunog ko ng mga daliri ko. Kinakabahan na ako. Ano kayang mangyayari sa gabi namin? Matutuwa kaya si Sir?

6:00. Bumukas ang glass door ng building at halos mahulog ang puso ko. Kung ako ay prinsipe, siya naman ang hari. Black rin ang suot ni Sir. Pero suot niya ang paborito niyang kulay sa loob - fire orange. Tulad ko, wala rin siyang neck tie at nakabukas ang ilang butones kaya naman litaw nang kaunti ang dibdib niya. Ang lakas ng sex appeal. Alam mo yung bihis na bihis naman siya, pero nakakalibog pa rin siyang tignan? Ganoon kagwapo ang Sir Niccolo ko.

Bumaba ako sa kotse at sinalubong ko siya. Ngumiti siya pagkakita sa akin.

"I don't know what to say." sabi niya. "This is the first time I'll go on a date with someone as dashing."

"Wala naman pong dadaig sa pagiging dashing mo po, Sir." sabi ko. Lumapit ako sa kotseng pula nila Vince at binuksan ko ang pintuan sa backseat. "Tara po, Sir."

"Oh wow. And whose car is this?" tanong ni Sir habang papasok sa kotse.

"Good evening po, Sir." bati sa kanya ng driver.

"Oh. Good evening too." sabi naman niya. "Where are you guys taking me?"

Umupo ako sa tabi niya at isinara ang pinto. "You'll know, Sir."

***

Natahimik si Sir nang makarating kami sa BGC Arts Center. Binuksan ng driver ang pinto sa backseat at bumaba ako. Sumunod naman sa akin si Sir. Nakatingin pa rin siya sa building.

"Sir." sabi ng driver habang nakatayo sa harap ng walang imik na si Sir Niccolo. "Iiwan ko na po kayo dito. Enjoy the concert po." Ibinigay niya ang susi kay Sir Niccolo at pagkatapos ay lumakad na palayo at pumara ng taxi.

"Wait!" sabi ni Sir nang marealize niya ang nangyari. "Why did he do that, Nathan?"

"Ikaw po ang magdridrive pauwi, Sir." sabi ko habang nakangiti at titig na titig sa gwapo niyang mukha.

Muling tinignan ni Sir ang susi at pagkatapos ay ibinulsa. "And did he say concert?"

Tumango ako at inilabas ko ang tickets namin. Nanlaki ang mga mata ni Sir.

"Seriously? You're telling me we're watching this?" pigil ang hininga niyang tanong habang binabasa ang nakasulat sa dilaw na ticket. Muli akong tumango. "Oh god. This is one of the things that I've always wanted. A classical music concert. Nathan... this is... overwhelming."

Mahina akong tumawa. "Tara po, Sir. Baka malate po tayo."

Pumasok kami at sinalubong kami ng isa sa mga tao doon. Tinignan ang ticket namin at inescortan kami papunta sa iilang upuang para sa akin ay pinaka komportable. Hindi malayo sa stage pero hindi rin naman sobrang lapit na tipong hindi na makikita ang kabuuan nito.

Kung ano anong instruments ang nasa stage kahit wala pa ang performers. Hindi nagaksaya si Sir Niccolo ng panahon at isa isang ipinakilala sa akin ang mga iyon.

"You know already what a group of musical instruments is called, tama ba?"

Tumango ako. "Opo, Sir. Ensemble."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon