CHAPTER 2

3.9K 316 38
                                    


Inalis ni Vince ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya.

"Tang ina, ambaho ng kamay mo P're. May bakas pa ng katas ni - ay may teacher."

Kahit maitim si Vince ay namula ang mukha niya. Nakatingin ang lahat sa amin, kabilang na ang lalaking teacher na parang swabeng swabe sa pagkakatayo niya sa unahan. Hindi ko alam ang gagawin ko - kung tutuloy ba akong pumasok sa room o lalabas ulit.

"I'm glad you figured that out." Ang ganda ng boses. Ang lalim. Tipong hindi nakakatakot ang sound pero may authority. "At least I didn't need to wear a nametag for you to realize that I am one." Sandali niyang binitawan ang index cards at ipinatong sa teacher's table sa likuran niya, pagkatapos ay ipinamulsa ang mga kamay. "May I invite you in? Come on, don't be shy."

Halos magtulakan pa kami ni Vince pagpasok. Mas malapit sa pinto ang upuan niya. Inunahan ko siya sa pag-upo.

"Hoy gago, ako diyan." sabi ni Vince habang hinihiklat ang damit ko para umalis ako sa upuan niya. "Doon ka sa upuan mo, Nathan!" Wala akong nagawa dahil mukhang desidido siyang warakin ang polo ko kung di ako aalis sa upuan niya. Ayoko namang umuwi nang nakahubad. Nakayuko akong pumunta sa upuan ko. Sa akin pa rin nakatingin ang lahat.

"Right. Now that your little scene has ended and we've all been entertained, may I proceed, gentlemen?"

Gentlemen. Pero sa akin lang siya nakatingin.

"Sorry po, Sir." sabi ko.

Tumingin lang siya sa akin ng ilang segundo pa bago inayos ang pagkakasuot ng salamin. Pagkatapos ay muling hinawakan ang index cards.

"Next, Evasco, Eloisa."

Tumayo si Eloisa. Anong meron? Recitation? Agad agad?

"What happened to your eyes? Did you cry?"

Kabi-kabila ang reaction ng mga kaklase ko. Ito namang si Vince, sumenyas pa ng 'lagot ka' sa akin. Napatingin tuloy si Sir sa akin. Hindi ako makaganti ng senyas dahil baka mapagalitan ako. Hindi ko pa tantyado ang mood ng taong ito.

Hindi pala recitation. Isa isa lang niyang kinikilala kami. Nagtatanong siya ng something about sa taong iyon, tapos magfofollow up question lang siya based sa sagot. Iba iba ang questions niya sa bawat isa. Ramdam mo tuloy na may pakialam siya sa information na hinihingi niya. Ramdam mo na nakikinig siya. Dahil doon, naging interesado rin akong makinig.

May dalawa lang siyang tanong na pare-pareho niyang itinanong sa lahat:

How do your friends call you? How do you want me to call you?

Yung mga kaklase kong tanga, hindi alam na ginagamitan na sila ng Psychology ni Sir. Ewan ko. Pati si Vince kung ano anong isinagot.

"How do your friends call you?" tanong ni Sir sa kanya.

"Vince po." sagot naman niya.

"And how do you want me to call you?"

"Sir, hindi mo naman po alam ang number ko. Pa'no mo po ako tatawagan?"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Tarantadong Vincent 'to talaga. Napansin kong ngumiti si Sir. Ang lalim ng dimples. Magkabilang pisngi pa.

"You got me there, huh. Good job, Vincent."

Itinaas ni Vince ang dalawang kamay at humarap pa sa mga kaklase namin. Ang ingay tuloy ng tawanan.

"I don't think I'll ever need to know your number, though. But I'll give my number to everyone later."

Napansin kong nagsenyasan ng tingin ang mga kaklase kong babae na kanina pa laway na laway sa gwapong teacher sa unahan.

"One question for me, Vincent."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon