"Sir?" Naging blurry ang mga ilaw sa paligid dahil sa luha na naipon sa ilalim ng mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Ako yung tinutukoy ni Sir na mahal niya?"Yes?"
"I love you, Sir." Hindi ko na mapigilan ang naguumapaw kong damdamin. Sumisigaw ang puso ko at iyon ang paulit ulit nitong sinasabi.
"I love you too, Nathan."
Napatingin ako kay Sir. Idudugtong ba niya ulit yung lagi niyang sinasabi na 'because you are my student'?
Pero hindi niya ginawa. Nakatingin lang din sa akin si Sir. Patuloy pa rin ang hangin sa pagpapagalaw ng malambot niyang buhok. Nakikita ko pa rin ang pagpapalit-palit ng mga ilaw sa maganda niyang mga mata.
"You love me po, Sir?"
Tumango siya. "I love you, Nathan. I do. But I shouldn't."
Dahil doon ay parang bigla akong pinanawan ng lakas. Biglang naglaho ang sandaling saya na naramdaman ko sa puso ko.
"Many times I keep on telling myself that I should turn away. I shouldn't love you, Nathan."
"Bakit, Sir? Bakit po? Dahil po sa mas bata ako sa'yo po? Dahil po sa student niyo po ako?"
"Nathan, don't talk as though it's all too simple. We're what, 9, 10 years apart?"
"Sir, ano naman po?" Maging ako ay narinig ko ang pagkadesperado ng tinig ko. "Age lang po iyon. Number lang po. At based po sa kwento mo po Sir, ganitong age mo po naranasang magmahal so hindi po ba dapat naiintindihan mo po ako? Na kung ano man po ang nararamdaman ko para sa iyo po, totoo po iyon Sir. Totoong totoo po."
"I know I've said it many times before but let me say it again. I'm not invalidating your feelings, Nathan. It's not that I don't believe you. It's not that I don't want you to love me. But right now Nathan, it's wrong. It's very wrong."
Yumuko ako at itinakip ko ang dalawa kong palad sa mukha. Sobrang akong nasasaktan pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Bakit ba ganoon? Bakit ganoon kahirap? Bakit abot-kamay ko na lang, pero hindi ko pa mahawak-hawakan? Bakit ganito kahirap ang magmahal? Bakit naimbento ang mga batas na naglalagay ng limit sa pusong nakakaramdam ng pagmamahal? Bakit may tama at may mali? Bakit hindi pwedeng tumayo lang sa sarili niya ang love? Bakit kailangang makisali ang prinsipyo? Ang dignidad? Ang sasabihin ng ibang tao?
Naramdaman kong hinagod ni Sir Niccolo ang likod ko. Nang mga sandaling iyon, tila ba wala na akong ibang nais kundi ikulong siya sa mga bisig ko at yakapin nang sobrang higpit.
"Nathan, I'm so sorry you have to go through this. Hindi ko alam kung dapat kong sisihin ang sarili ko. Hindi ko rin kasi pinigilan. Dapat umpisa pa lang, hindi ko na hinayaan na maging malapit ka masyado sa akin. Dahil ang totoo, gusto rin kitang laging kasama."
Inangat ko ang basa kong mukha at tumingin sa kanya. "Sir, hindi mo po naiintindihan. Unang kita ko pa lang po sa'yo, gusto na po kita. Hindi ko lang agad naamin sa sarili ko dahil ang akala ko po, straight ako. Pero Sir, naging close man po tayo o hindi, alam ko po na mamahalin at mamahalin pa rin po kita."
Tumangu-tango si Sir. "I understand. That's what I tell myself as well. Like what I was saying a little while ago, you're the most beautiful thing that I've ever seen. You're so beautiful that if I'd be honest, all I really want is to hold you in my arms forever. Unang araw pa lang, noong nakita kitang nakaharang sa daraanan ng motor ko, you already had a special place in my heart. And right at that moment, I was half wishing na maging student kita, the other half I was wishing na huwag. I was not so sure of my strength, and you Nathan, are enough to make me lose my defenses."

BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Novela JuvenilWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?