CHAPTER 20

2.6K 264 75
                                    


Recess time, pero hindi ako bumaba para kumain. Unang una, wala akong baon. Pangalawa, tinatapos ko yung homework na binigay sa amin ni Sir Niccolo sa Health. Hindi ko nagawa sa bahay kagabi dahil as usual, nag-away na naman sila Mama at Papa kung kaya mas pinili ko na lang tumambay sa labas ng bahay.

Wala na akong mapaglibangan ngayon, lalo na kapag nagkakagulo sila sa bahay. Dati, nagagawa kong tumakas sa pamamagitan ng pagsasoundtrip. Ngayon, wala na.

Kahit inilagay ni Sir Niccolo sa bigasan yung cellphone ko, nasira pa rin. Gumana kahit papaano noong umpisa pero unti-unti, nagloko na. Hanggang sa hindi na bumukas nang tuluyan kahit isaksak ko pa sa charger.

Naisip ko, OK na rin yun. At least, maiiwasan ko ring puntahan nang puntahan ang profile ni Sir Niccolo sa Facebook at pagmasdan ang picture niya habang umiiyak ako na parang tanga.

Nagulat ako nang may naglapag ng clubhouse sandwich at malaking bote ng C2 na pula sa desk ko. Tumingala ako at nakita kong nakatayo si Cathy sa harap ko, kasama si Naomi - ang bago niyang BFF.

Hindi ko alam, pero biglang umiwas sa akin si Cathy nitong mga nagdaang araw hanggang sa nakatanggap ako ng sulat mula sa kanya (nakita kong nakaipit sa notebook niya na hiniram ko para şana kumopya ng assignment) kung saan ay umamin siya sa akin na nahulog ang loob niya sa akin dahil siguro sa pagiging close namin at pagtatanggol ko sa kanya sa mga nambubully sa kanya.

Iiwas na raw muna siya nang sa gayon ay hindi masira ang pagaaral niya at ayaw daw niyang matulad kay Ma'am Venice na nakaramdam ng galit sa lalaki dahil lang sa hindi nito naibalik ang pagmamahal na nararamdaman niya. Hindi ko raw kasalanan na nagkagusto siya sa akin pero mas makakabuti raw kung hindi ko na muna siya kakausapin. Wag daw akong magalala dahil iiwas lang siya, pero hindi naman ibig sabihin nun na FO (friendship over) na kami.

Hinayaan ko na lang, kahit pakiramdam ko ay nawalan na naman ako ng isa pang kaibigan. May sarili din kasi akong issues na kailangan kong bigyan ng pansin - ang sarili kong feelings para sa taong mahal ko.

"S-salamat, Cathy." sabi ko. "Gumastos ka pa."

Tumawa siya, ganoon din si Naomi. Alam ko na kung bakit sila nagkasundo. Pareho kasi silang bungi at maraming tigidig sa mukha.

"Ano ka ba? Hindi kita gagastusan no. Napagutusan lang ako ni Sir Mar. Napadaan kasi kami sa office niya kaya nakita niya kami, tapos hinanap ka niya sa akin. Sabi ko, hindi ka bumaba. Kaya binigay niya iyan."

"Sana all." sabi naman ni Naomi.

Hindi ako nakapagsalita. Hinawakan ko ang bote ng C2 na namamasa-masa pa dahil sa lamig. Gusto kong maiyak. Totoo ba? Nageffort si Sir na bigyan ako ng pagkain? Grabe. Miss na miss ko na si Sir Niccolo ko.

"Puntahan mo raw siya sa office niya mamaya after class. May itatanong daw siya sa'yo."

Tumalikod na sila Cathy at Naomi at bumalik na sa mga upuan nila (nagpalipat ng seat si Cathy - part na rin ng pagiwas niya sa akin).

Naexcite ako sa idea. Kung pwede lang ay hihilahin ko ang oras para magMAPEH time na, nang sa gayon ay makita ko nang muli si Sir Niccolo at pagkatapos ng klase niya ay mapuntahan ko siya sa office niya, muli, pagkatapos ng ilang araw na pakiramdam ko ay sobrang tagal na.

Ang gwapo gwapo ni Sir Niccolo sa turquoise niyang long sleeves at black slacks. Kahit kailan talaga, ang galing magdala ng damit ni Sir. Tumingin siya sa akin nang tumunog ang bell at pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng room. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makababa kami sa first floor, papunta sa office niya.

"How are you, Nathan?" tanong ni Sir nang makapasok kami sa office niya at maisara ang pinto. Itinuro niya ang monobloc chair sa dati nitong pwesto - sa tapat ng desk niya kung saan ako madalas umupo dati. Umupo siya sa swivel chair niya at dume-quatro.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon