Naglalakad na ako sa corridor ng school ay pinagtitinginan na nila ako, as ever, dahil sa ganda kong to? Sino ba ang hindi napatitig sakin
Papasok na ako sa pintuan kaya lahat ng mga mata ay napatitig sakin,ang sama ng tingin sakin ni Rica at Jane kaya tinaasan ko nalang sila ng kilay at nilagpasan sila
"Hey sweeties! i missed you!" sabi ko sa anim at bineso sila at sinagutan naman nila ako ng napatamis na ngiti
"So natanggap mo?" biglang tanong ni Rica na nasa likod na namin, ano pinagsasabi nito?
"What are you talking about?" mataray na sabi ko
"Yung bul--- oh my god!" di natuloy ni Rica yung sasabihin niya ng biglang pumasok si Nerd at kasama si Vince,tinignan ko si Julian,namumula na siya sa galit ang cool ni Vince kaya lahat ng mga classmates namin ay pinagpapalitan nila ng tingin si Nerd at Vince,si Nerd ay suot niya yung isa sa mga regalo ko sakanyang dress at sandal, di rin niya suot yung salamin niya at nakashoulder bag din siya at nakalugay yung buhok siya straight hanggang kili kili niya lahat na din yata ng classmate namin ay napatitig sakanya, karamihan sakanila ay di nila mamukhaan si Nerd pero ako alam kong siya yan, ngayon ko lang nakita ang tunay niyang ganda,ang ganda ganda niya pero mas maganda ako
"Transferee ka?" tanong ng isa naming mga classmate kaya nakayukong umiling si Nerd at si Vince at umupo na siya sa upuan niya
"Eh sino ka?" tanong ulit niya
"Iza" maikling sagot ni Nerd kaya napanganga nalang yung lalaki dahil sa gulat,umupo nalang si Nerd sa upuan niya, kaya lumapit ako sa upuan niya, natakot ata siya kaya namula siya pero ngumiti ako para di siya matakot
"I'm happy to see you wearing my gift, sana habang buhay ka ng ganyan manamit" sabi ko at ngumiti naman siya kaya umupo na ako
Pumasok na si sir Kalbo at nagulat siya ng makita si Nerd
"Ms. naligaw ka yata ng room na napuntahan mo, 4-1 ito" sabi ni sir ng makita si Nerd kaya yumuko nalang siya,tumayo ako at nagsalita
"No sir, she's not, She's ner-- Iza" sambit ko kaya napanganga nalang si sir at ngumiti ako
"Masyado nabang maganda si Iza para di mamukhaan? Duh! Ang pagkakaakala ko ay pangit parin siya,pananamit niya lang yung nagbago" maarteng sambit ni Jane at inirapan si Nerd
"So ikaw, anong tingin mo sa sarili mo? Maganda?" mataray na sabi ni Jassey
"Oo,bakit?" matarang ding sambit ni Jane
"Eto salamin! Magsawa ka hanggang malaman mo ang totoo!" napatigil si Andrea sa pag sasalamin at hinagis niya yung hawak niyang salamin kay Jane
"Opps! Ngayon ka palang yata nakahawak ng mamahaling salamin,don't worry sayo nayan,nahawakan mo na eh,baka may germs na" mataray na sabi ni Andrea at nagtawanan naman kaming mga magkaklase maliban kay Rica,Jane at Julian, si Sir ay takot naman kay Andrea dahil sakanila tung school na to,at pwedeng pwedeng sisantihin niya si Sir, tinignan ko si Julian,ang sama parin ng tingin niya kay Nerd
"Akala ko ba,crush mo lang si Vince? Eh anong mukha yan?" sabi ko ng makalapit ako sakanya, tumingin naman siya sakin
"Yah, crush ko lang siya pero bakit magkasama silang pumasok sa pintuan?" edi nag seselos siya
"Wait" sabi ko
"Nerd!" sigaw ko, agad naman siyang lumingon sakin,haha alam niya talaga ang pangalan niya
Agad naman akong nagsign sakanya na lumapit siya kaya sinunod naman niya
"Bakit magkasama kayo ni Vince kanina? Ikwento mo." tanong ko nang makalapit siya kaya agad naman siyang nagkwento
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...