Chapter 72: Sorry

121 8 0
                                    

Allyssa's POV

"A-Allyssa?/Ryan?"

Nang makita ko siya, mas lalo akong naiyak.

"Bakit nandito ka pa sa labas? U-Umiiyak ka ba?" umupo siya para mapantayan niya ako, hihindi sana ako pero ewan ko humagulgol na ako sa sobrang sakit.

"A-Allyssa, a-are you okay? W-why are you crying?" alam kong kinakabahan na siya sakin pero kahit gusto kong sumagot, walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Niyakap niya ako na ikinabigla ko.

"P-Please, don't cry. I don't want to see you crying kasi di ko kaya. Please, tell me. What's the problem?" niyakap niya ako ng mahigpit.

"S-sorry Ryan. H-Hmm, p-pwede ba akong matulog sa b-bahay niyo?" pinipilit kong magsalita ng maayos, ewan ko din kong bakit yun ang lumabas sa bibig ko, siguro sa sobrang sakit na, ayoko muna silang makita.

"O-oo naman" tanong niya, tinignan ko siya. Kita ko sa mga mata niya angpag aalala niya sakin.

"S-Salamat" pinatayo niya ako at pumasok kami sa kotse niya.


Ryan's POV

May bibilhin lang sana ako pero di ko mahanap kong saan ko iyon bibilhin kaya naglakad lakad na ako para mahanap ko ng may.

*Boggshhh*

May nakabanggaan ako, di ko kasi tinitignan ang dinadaanan ko dahil sa paghahanap. Tumigil ako, tutulungan ko na sana yung babaeng nakabanggaan ko ng mainag ko kong sino iyon. Kinabahan ako.

"A-Allyssa?/Ryan?" sabay naming sabi. Mas lalo akong kinabahan ng napansin kong umiiyak siya. Umupo ako sa harap niya para mapantayan ko siya.

"Bakit nandito ka pa sa labas? U-Umiiyak ka ba?" tanong ko sakanya, bakit siya umiiyak? Ngayon ko lang ulit siyang makitang umiyak maliban noong nalaman niyang magchildhood bestfriend sila ni Jane ay yun ang huli ko siyang nakita kaya kinakabahan ako ng makita ko siya ulit na umiiyak. Alam kong may problema siya dahil di siya iiyak kong di siya nasasaktan.

"A-Allyssa, a-are you okay? W-why are you crying?" Sa kaba ko. Niyakap ko siya na alam kong ikinagulat niya.

"P-Please, don't cry. I don't want to see you crying kasi di ko kaya. Please, tell me. What's the problem?" niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Tuwing iiyak siya, nasasaktan din ako, ayokong makikitang umiiyak ang taong mahal ko.

"S-sorry Ryan. H-Hmm, p-pwede ba akong matulog sa b-bahay niyo?" Oo nagulat ako sa sinabi niya pero alam kong ang laki ng problema.

"O-oo naman" sabi ko, tinignan niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya kaya mas lalo akong nag alala sakanya. Mugto narin ang mga mata niya. Ganon nalang ba siya katagal na umiyak? Bakit wala ako sa tabi niya ng oras na umiiyak siya?

"S-Salamat" ngumiti ako at pinatayo ko siya. Pinasok ko siya sa kotse ko. Di ko nalang bibilhin yung bibilhin ko.

Habang nagmamaneho ako, di ko maiwasang tumingin sakanya. Nakatitingin lang siya sa labas ng bintana.

"A-Allyssa? A-Anong problema?" tumingin naman siya sakin.

"H-Huwag muna nating pag usapan yun Ryan" tumango ako, ngumiti naman siya pero alam kong pilit. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Nagmaneho nalang ako.

Bakit nasasaktan ako ng makikita ko siyang nasasaktan? Bakit parang sa oras na ito, gusto kong yakapin nalang siya at hayaang umiyak sa balikat ko. Gusto kong tulungan siya kong ano mang problema niya, gusto kong ako ang magpagaan ng loob niya.

Muli ko siyang tinignan pero nakita kong tulog na ito. Nang makarating kami sa bahay, binuhat ko nalang siya dahil ayoko ng gisingin siya. Dinala ko siya sa kwarto ko at hiniga sa kama ko.

Tinignan ko siyang natutulog, mukhang ang laki talaga ng problema niya, ang laki na rin ng eyebags niya, mugto ito. Mukhang di rin nakakatulog ng maayos.

"K-Kuya, h-huwag niyo kong lokohin, di siya si A-Alliza, di siya si A-Alizza. H-Hindi siya, hindi" napatigil ako ng nagsalita siya. Nananaginip ito pero si A-alliza? Di siya si Alliza? So nahanap na si Alliza pero di siya naniniwala?

"Hindi.. Hindi.. Hindi" patuloy pa din siyang umiiyak kaya tinapik tapik ko ng mahina yung pisngi niya.

"Allyssa?" mahina kong sabi at nagising naman siya.

"Hindi.." patuloy niyang sinasabi kaya nilapitan ko pa siya. Umupo siya.

"Allyssa, kinakabahan na ako, pinag aalala mo na ako. Anong problema?" tinignan niya ako.

"S-Si Iza, s-si A-Alliza daw" Si Iza? So totoo nga yung sinabi ni Christopher sakin na si Iza yung nawawalang kapatid ni Allyssa na si Alliza daw.

"Nanaginip ako na pinagpipilitan ni kuya sakin na si Iza daw si Alliza" Yun ba ang problema niya? Di niya matanggap na siya si Alliza?

"Sinampal ako ni kuya" lumaki ang mata ko sa gulat. Sinampal?

"A-Ang sakit. Unang beses niya akong sinampal dahil lang kay Iza. Bakit niya nagawa yun? Mas mahal ba niya si Iza na di naman namin kaano ano?" niyakap ko siya, di ko alam ang sasabihin ko. Di ako marunong mag advice.

"Mahal na mahal ka ni kuya mo. Huwag mong isipin yan" yun nalang ang sinabi ko at hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Naiyak narin ako pero di ko pinakita. Hinayaan kong umiyak siya sa balikat ko para kahit paano gumaan ng konti ang pakiramdam niya. Sorry Allyssa kong wala akong magagawa pero ggagawin ko ang lahat para maging masaya ka.

Mahigit isang oras din siyang umiyak sa balikat ko, hinaplos haplos ko lang ang likod niya hanggang sa nakatulog siya.


Andrew's POV

Ang tanga ko, bakit ko siya sinampal? Nang tumakbo si baby, gusto ko siyang habulin pero hinayaan ko nalang, napaupo nalang ako sa kama niya.

"K-Kuya?" napatingin ako kay Alliza na nagising na.

"K-kuya, may problema po ba?" umiling ako at ngumiti.

"Kumain muna tayo sa baba baby" sabi ko.  Ngumiti naman siya at sumunod sakin.

Hinanap ko si Allyssa pero wala siya. Oo kinabahan ako.

"Si Allyssa po yaya?" tanong ko kay yaya.

"Ha? Diba meron na?"sabi niya, tinignan ko siya.

"Nag away po kami yaya" mahinang sabi ko.

"Dahil po ba sakin kuya? Sorry po" tinignan ko si Alliza.

"Don't blame yourself. It's not your fault. It's mine" sabi ko sakanya.

Bakit ko ba kasi siya sinampal? Bakit ko siya nasaktan? Bakit ba kasi di niya matanggap si Alliza?

~~

(N/A: Guys! Sorry po, short update 'to. Kasi po tong account ko, nag va-varify, kinakabahan po ako baka po masira tong wattpad account ko at baka maerase 'tong mga story ko. Kinakabahan po ako. Naiiyak na 'rin tapos nag go-going maintenance din kapag nagsasave ako ng update. Huhuhu :(  )


She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon