Chapter 6:Mall Part 2 (Shopping)

365 36 1
                                    

*Max's*

Umorder na kami ng pagkain namin at nang makaorder kami kumain na kami habang nagkukwentuhan.

"Paano ka nahuli ni Manong guard kanina?" tanong ni Kaye kay Julian

"Eh kasi kanina, diba nagkahiwahiwalay tayo sa loob ng bench store kanina, dahil mag isa ako, sinubukan ko kayong hanapin, pumunta ako sa mga relo para hanapin kayo, diba dun sa bilihan ng mga relo,malapit na sa labasan at nang nandun na ako, nakita ko si Allyssa sa mga damit lalapit na sana ako nang may humatak sakin, pagtingin ko, si manong guard tapos may tinawagan siya,yung manager yata nila yung tinawagan niya,tapos dumating na yung manager nila, tinanong na ako kung bakit daw natin binastos si manong at nagtanong rin kong nasaan kayo pero ang sinabi ko nasa ibang store para di niya kayo hanapin dun sa bench at nagsorry nalang ako sakanila para di na nila tayo habulin at para maenjoy natin yung shopping natin" Paliwanag niya habang nilalaro yung straw sa baso ng juice niya, tapos na kasi siyang kumain

"Magaling ka din no" sabi ni Jasmine

"Natural! ako pa!" Proud na sabi ni Juliane at nagtawanan kami

"Guys, medyo mahaba na tung buhok ko, ang dami nading split ends, samahan niyo naman ako magpasalon" sabi ni Andrea habang hawak niya yung buhok niya.

"Pati ako, parang gusto kong magpashagi" sabi naman ni Jassey

"Pati ako na, gagayahin ko yung buhok ni ate, gusto ko pareho kami" sabi naman ni Jasmine

"Gaya gaya ka talaga" sabi ni Jassey sa kambal niya

"Parang gusto ko rin magkulot sa baba ng buhok ko" Sabi naman ni Kaye

"Kung lahat kayo magpasalon, sige kami narin, diba Juliane?" eh kasi magpapasalon na silang lahat eh kaya pati kami narin ni Juliane

"Ah Oo naman, dun nalang tayo sa Salon namin" sabi naman ni Juliane, may salon pala sila dito

"Yeah! So let's go?" Aya na ni Jassey

At tumayo na kami at pumunta sa Julia's salon na salon ng ate ni Juliane na si ate Julia

Pagpasok namin sa salon nakita na namin si ate Julia na nagbabasa ng libro.

"Hi ate!" Bati ni Juliane

"Hello ate" bati naman naming lima

"Oh Hello, bakit napadalaw kayo dito? magpapasalon ba kayo?" tanong ni Ate Julia at lumapit samin

"Oo ate" Sagot naman ni Juliane

"Sige teka lang, umupo muna kayo,ilan kayo magpapasalon?"-ate Julia

"Anim po kami"-Kaye

"ah sige, teka lang tatawagin ko lang yung aasikaso sainyo"

At umalis si Ate Julia at pumasok siya sa loob ng pintuan ng salon.Kaya umupo muna kami. Kilala kami ni ate Julia dahil ex- girlfriend ni Kuya si Ate Julia at magclassmate sila noon.

"Ang ganda pala ng salon ng ate Julia" Sabi ni Jassey habang nililibot ang mata niya sa loob ng salon

"Oo nga, akala ko sana New York na yung ate mo, nandito pa pala" sabi naman ni Andrea

"Oo pupunta siyang New York, nilalakad palang niya yung mga papeles niya, baka next year pupunta na yun" sabi naman ni Juliane

"San siya ti--"

"Guys, sila yung aasikaso sainyo, siya si Honey,si Pepper,Salt,Sugar,Rosie,at Grain" Naputol yung sasabihin ni Jassey nang biglang dumating si ate Julia at ipinakilala samin yung anim na baklang mukhang kabayo

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon