Allyssa's POV
"M-Mommy" naiiyak kong sambit habang nakaupo ako harap ng lapida ng puntod ni Mommy.
"M-Miss na miss na kita Mommy" tuluyang ng pumatak ang mga luha ko. Tumabi sakin si Alliza at hinawakan ang lapida ni Mommy.
"M-Mommy, I-I-I'm s-sorrry po" humagulgol sa iyak si Alliza kaya hinimas ko ang likod niya.
"S-Sorry po mommy. Dahil sakin, na-namatay ka. I'm sorry po" nilagay na ni Alliza ang mga palad niya sa mukha niya dahil sa pag iyak niya. Niyakap siya ni kuya.
"Shhhh. Alliza, don't blame yourself" sabi niya habang yakap yakap si Alliza.
"M-mommy tignan niyo po 'o. Kumpleto na po kaming tatlo. Sana nandito ka, nandito na po si Alliza 'o. Ang laki laki na po namin. It's been 12 years mommy. Kahit wala ka po dito kasama namin, alam kung nakikita mo kami." sabi ko sakanya sabay ng paglakas ng hangin sa paligid.
"M-Mommy" iyak ni Alliza, pumikit siya at niyakap niya ang sarili niya. Alam ko niyayakap siya si Mommy.
"M-Mommy, s-salamat po" sabi niya ulit sabay sa pagdilat ng mga mata niya.
"Pangako mommy, aalagaan ko po silang dalawa tulad ng pag aalaga mo saamin noong nabubuhay ka pa. Pangako mommy" niyakap ko siya kuya at niyakap niya rin kami.
"Teka, gusto niyo punta tayong Mall? Mamamasyal tayo at bibili ng mga gamit niyo sa graduation niyo?" ngumiti ako at tumango.
"Tara na po" sabi ni Alliza. Tinignan niya muli ang puntod ni mommy.
"Aalis na po kami" ngumiti siya. Tumayo na kami, habang naglalakad kami papuntang kotse, lumingon muli ako sa puntod niya at ngumiti.
I missed you so much mommy.
******
"Kuyaaaaa! Tama na! Hahahaha" tawa ni Alliza kasi kinikiliti siya ni Kuya.
"Oo na po, sasayaw na po ako" sabi niya. Ayaw niya kasing sumayaw. Nandito kami sa Timezone. Ayaw niya sumayaw kaya kiniliti niya. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero parang wala lang samin. Basta masaya kami. Yun lang.
Napangiti ako habang pinapanood sila. After many years, ngayon ko lang ulit nakitang tumatawa si Alliza.
"Sure ka? Sasayaw ka na?" Natatawang tumango si Alliza.
"Sige." inistart na ni kuya yung music. Twerk it like miley ang kanta kaya tumawa kami ni Alliza.
"Sige, sayawin niyong dalawa yan" sabi niya kaya hinila ko si Alliza at sinimulan ng sumayaw.
Tawa ng tawa si kuya dahil feel na feel ko daw. Madami na ring nanonood samin at vinivideo kami. Haha. Nang matapos ang sayaw ay nagpalakpalakan ang mga nanood.
"Ang galing mo pala sumayaw ate!" nagpapalakpak na sabi ni Alliza.
"Anong magaling? Dalawang kaliwa nga ang paa 'e" react ni kuya kaya nilapitan ko siya at binatukan.
"Aww. Ikaw ha? Masakit yun" sabi niya pero napatingin ako sa basketball sa timezone.
"Kuya, dahil gutom kami, diba Alliza? Magshoot ka ng 150 shoot jan sa basketball. Kapag nakaabot ng 150, ililibre ka namin ng meryenda sa Jollibee. Pero kung hindi, ililibre mo kami sa Max's ni Alliza" nakapamewang kung sabi kay kuya at nakaakbay yung isa kung kamay kay Alliza.
"Deal?" nakasmirk kung sabi. Makaabot man siya o hindi, pwes ililibre niya pa din kami. Hahaha. Mas mataino 'ko sayo kuya.
"Sure. Sige. 150 lang pala 'e" Lang daw?
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...