Iza's POV
Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay namin. Kita ko sa mukha ni Ms. Julian ang pagkakadiri niya dito sa skwater area at sa takot niya kaya nakahawak lang siya kay Christopher.
"Pasok po kayo" sabi ko sakanila ng makarating kami sa bahay at pinagbuksan ko sila ng pinto. Sa totoo lang, nahihiya ako sakanila dahil mga mayayaman sila.
"P-Pagpasensyahan niyo na po ang bahay namin. Maliit lang po at marumi" nahihiyang sabi ko.
"Ayos lang" sabi ni Christopher.
"Upo po muna kayo" sambit ko. Pumunta ako sa kusina at tinawag si Nanay.
"Oh, bakit anak?" tanong niya.
"M-May gustong kumausap sainyo ni Tatay Nay" sabi ko at sakto namang narinig ako paglakad ni Tatay kaya sinilip ko siya sa bintana at nakita ko naman siya.
"Tay, may gustong kumausap sainyo" sambit ko sakanya. Kumunot naman noo niya dahil na rin siguro na ngayon lang na may gustong kumausap sakanila maliban noon kay Vince. Oo nagpunta sa si Vince dito, siya naman ang nagpumilit noon na ihatid ako 'e. Sa totoo nga niyan, niligawan niya ako kaso sinabi kong maging magkaibigan nalang kami dahil gusto ko pang makapagtapos kaya heto magkaibigan na kami.
""Hmm, kaklase ko po" nahihiyang sabi ko. Magtatanong pa sana siya kaso sinenyasan ko na silang pumunta nalang sa sala.
"Hi po" sambit nila ng nakaupo si Nanay at Tatay sa harap nila.
"Hello din sainyo. Ano kailangan niyo" tanong ni Nanay.
"Sa totoo lang, wala naman po talaga. Gusto lang namin malaman ang about kay Iza at sa pagkatao niya" Ha? Nagulat din naman sila Nanay.
"A-Ah, ano po kasi Nay, Tay, A-alam na po nilang ampon ako" mahinahon kong sabi.
"Paano niyo po nalaman na si Iza ang nawawalang anak ni Mr. and Mrs. Cortez?" kinakabahan ako. Ewan ko kong bakit.
"Dahil sa kwintas" Yung kwintas na nawala ko.
"Ano pong kwintas?" tanong ni Ms. Julian.
"Yung kwintas na, silang tatlong magkakapatid lang meron non" sambi ni Nanay.
Tumingin si Ms. Julian kay Christopher.
"A-Ah opo. Pero paano niyo po nalaman na silang tatlo lang ang meron ng ganoong kwintas?" tanong ulit ni Ms. Julian. Bakit interesadong interesado sila?
"Dahil nakita ko na ang kwintas ng dalawa niyang kapatid." sagot ni Tatay.
"Paano nyo po nakita?"
"Dahil ako ang unang tumulong sakanilang hanapin ang kapatid nila doon sa Park" seryosong sabi ni Tatay, kita ko naman sa mukha ni Ms. Julian ang pagkagulat. Alam niya kaya? Sabagay, kaibigan niya si Ms. Allyssa.
"I-ikaw po y-yung nagtitinda ng sorbetes?" tumango si Tatay.
"P-Paano po?" nauutal na tanong ni Ms. Julian. Kinuwento naman ni Tatay kong paano niya tinulungan sina Ms. Allyssa at Mr. Andrew sa paghahanap sakin noon hanggang sa nakita ako ni Tatay.
"B-Bakit po di niyo hinanap ang mga kapatid o mga kamag anak ni Iza?" ewan ko pero parang kinakabahan ako.
"Dahil wala naman akong kaalam alam na nandito pa pala ang mga kapatid ni Iza" sambit ni Tatay."Sa mga pulis po. Bakit di niyo nireport" parang galit ang tono ng boses ni Ms. Julian.
"P-Pasensya. Gusto din namin magkaanak noon dahil di kami pwedeng magkaanak" malungkot na sabi ni Tatay.
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...