Allyssa's POV
"D-Daddy?" nagising ako nang ala una ng madaling araw at nakit ko si Daddy na natutulog sa tabi ng kama ko.
"H-Hmm, A-Allyssa anak? May bakit? May masakit ba sayo?" umiling ako. Hinanap ko si kuya pero di ko nakita.
"Si kuya po?" tanong ko.
"Umuwi kagabi, babalik din mamaya" tumango ako at ipinikit na ulit ang mata ko pero ilang minuto na akong nakapikit, di na ako makatulog. Tinignan ko si Daddy sa tabi ko, nakatingin din pala siya sakin.
Naalala ko si Ryan, binisita niya ako kahapon dito sa hospital. Sinabi niya ulit sakin na kailangan kong makipag usap ng maayos kay daddy.
"D-Daddy?" tumingin siya sakin.
"B-Bakit niyo po kami iniwan?" pinalakas ko ang loob kung magtanong.
"Di niyo na po ba kami mahal?" umayos siya ng upo.
"Hindi anak, di ko kayo iniwan. Sobrang sama lang ng loob ko sa pagkamatay ng mommy mo at pagkawala ng kapatid mo. Pasensya na kayo anak dahil nadamay pa kayo, lalo na ikaw, iniwan kita sa mura mong edad. Anak patawarin mo 'ko" nakita ko ang isang butil ng luha ang pumatak galing sa mata niya.
"Bakit di mo kami binalikan agad daddy?" ngumiti siya ng mapait sakin.
"In that years, I am suffering from Anemia" yumuko siya.
"Sa bahay ng kaibigan ko ako tumira sa mga taon na yun. Dun ako nagpagaling, lahat ng perang naiibigay ko kay Andrew para sa kanyang pag aaral ay galing lahat yun sa kaibigan ko dahil naubos ang mga pera ko sa pagpapagamot ko" pumatak ang luha ko sa mata.
"Yung araw na babalik na sana ako dito sa Pilipinas ay yung araw din na nasaksihan ng doctor ang sakit kong Anemia. Nasa airport ako noong oras na yun, nakaramdam ako ng sobrang pagkahilo na dahilan na din ng pagkahimatay ko. Pasensya anak" umupo ako sa kama ko.
"B-Bakit ngayon mo lang sinabi Daddy?" pinunasan ko ang luha ko.
"Dahil kapag sinabi ko sa kuya mo yun noon, alam kong maapektuhan ang kanyang pag aaral. Limang taon akong nagpagaling. Ayokong umuwi dito dahil wala ni isang pilak ang meron ako kaya nagtrabaho ako, nagtrabaho ng nagtrabaho, hanggang sa uuwi na ako dito sa Pilipinas ay tumawag ang kuya mo sakin ang tungkol kay Alliza na nahanap na siya. Pasensya na anak ko kung di mo naranasan ang magkaroon ng magulang sa mga araw na kailangan mo kami" niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.
Tama si Ryan, may dahilan kung bakit di niya kami binalikan agad.
"Sorry din daddy sa pagsagot sagot ko sayo noon sa school, nasaktan lang naman kasi talaga ako ng sobra" tumulo nanaman luha ko kaya pinunasan ni daddy
"Naiintidihan ko anak. Pasensya na sa pananakit ko sayo noon at naging masama akong ama sayo" ngumiti ako.
"Past na yun daddy. Kalimutan mo na yun" sabi ko.
Tumulo nanaman ang mga luha ko, niyakap ko si daddy.
"Di ko na kayo iiwan pa. Aalagaan ko na kayo at dito nalang ako sa tabi ninyo" ngumiti ako at ipinikit ang mga mata ko sa balikat ni daddy.
****
Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana.
"Good Morning ate" nakita ko si Alliza na inaayos ang mga bulaklak sa vase ng table ko.
"Good Morning din" ngumiti ako.
Napatingin ako sa pagbukas ng pintuan at nakita ko si kuya at si Ryan na may dalang mga pagkain. Napangiti ako ng makita ko si Ryan.
"Gising ka na pala baby. Good Morning" bati ni kuya at pinatong ang mga pagkain sa table.
"Good Morning Ally. Okay ka na ba?" hinalikan ni Ryan yung noo ko at tumango ako.
"Baby, alam mo bang si daddy ang nag'donate ng dugo para sayo?" tinignan ko si kuya.
"Ha?"
"May Anemic ka baby, kulang dugo mo kaya si daddy ang nag'donate" Ha?
"D-Diba, may Anemia si daddy?" So namana ko sakanya yun?
"Oo pero pinilit niya yung doctor na mag'donate siya para sayo, yun nalang raw ang magagawa niya para mapatawad mo siya" umupo siya sa tabi ko. Naiiyak ako.
"Ayos na kami ni Daddy. Nag usap na kami kanina" sabi ko kaya tumabi rin si Alliza sakin.
"Really ate? Yieee!" niyakap niya ako.
"K-Kuya, alam mo ba na nagka'Anemia si daddy sa Canada noon?" nakatitig ako sa mga mata niya. Tumango siya.
"Bakit di mo sinabi sakin?"
"Dahil alam kung mag aalala ka lang" Di nila sinabi dahil ayaw nila akong mag alala.
"Pero okay naman na si daddy 'e." sabi ni Alliza kaya ngumiti ako.
"Sabi ko sayo 'e. May dahilan kong bakit di agad nakabalik ang daddy mo" napangiti ako sa sinabi ni Ryan. Niyakap ko siya.
"Salamat dahil sinabi mong kailangan kong kausapin si daddy" kumalas niya at hinalikan ako sa noo.
"Wala yun. Mahal kita 'e" sabi ko niya ka kapangiti ako
***
Kaye's POV
"Playboy!" sigaw ko kay Stephen ng kinindat'an niya ako.
"Mahal mo naman" kinindatan niya nanaman ako.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw ko ulit.
"Pupunta kasi kami ng hospital ngayon, kasama ang barkada ko at barkada ni Ryan. Naiinis nga ako kasi kanina pa dikit ng dikit si Stephen sakin, inaakbayan pa 'ko. Totoo nga ang sinabi ni Christopher samin na si Stephen ang plaboy sa grupo nila. Ang kulit pa niya, pareho sila ni Alvin pero si Stephen playboy. Tss.
"Mahal mo nga kasi" anong mahal? Tss.
"Tumahimik ka nga!" sabi ko sakanya at lumalayo sakanya.
"Paano ako tatahimik kung tayo nalang ang di sweet dito? Tignan mo naman mga kasama natin 'o" tinignan ko sila. Si Julian at Christopher, magkayakap, sina Jasmine at Alvin, magkaholding hands na nakapatong ang ulo ni Jasmine sa balikat ni Alvin. Si Andrea at Jason, nakatulog si Andrea sa lap ni Jason. Si Lance at Jassey, sila na daw, kahapon lang kaya ang sweet sweet nilang magharutan sa likod. Si Ryan kasi nauna na sa hospital na, ang agang nagpunta. Miss na miss na si Allyssa 'e samantalang di pa naman sila.
"Kita mo? Kaya sige na. Tayo nalang" kinurot ko nga tong katabi ko.
"Manong pakibilis na lang po magdrive" sabi ko. Yung van kasi nila Andrea ang sinakyan namin.
"Sige po ma'am" sabi niya kaya napabilis ng konti ang pagdri'drive niya."
"Ay mahal kita!" nagulat ako ng biglang nagpreno si manong.
"Mahal din kita. Mahal na mahal" napatingin ako kay Stephen. Pinagsasabi nito?
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Ficção AdolescenteAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...