Chapter 32: Yellow First Aid

192 17 1
                                    

Andrew's P.O.V.

Nang makita ko sila bigla akong nainis,kasama niya ngayon si Jane,akala ko ba mahal niya si Allyssa? Lalapitan ko pa sana sila pero naisip kong kukunin ko pa pala yung mga gamit ni baby,pag uwi ako, dumiretso na ako sa kwarto ni baby,pagbukas ko ng kabinet niya,may nakita akong isang box na kulay yellow,naalala ko to eh

Flashback

"Daddy! Si kuya Andrew oh! Inagaw niya sakin yung spongebob ko! Ayaw niya po ibigay!" sigaw ni Allyssa kay daddy,inagaw ko kasi yung stuff toy niyang spongebob

"Blehh! Di ko to ibibigay hangga't di ko mo ako hinahabol" sabay dila ko sakanya at tumakbo ako,hinabol naman niya ako at napatigil ako ng bigla siyang nadapa,dumudugo yung tuhod niya kaya bigla siyang umiyak

"Daddddyyyy!! huhuhuhu "  sigaw ni baby na umiiyak padin kaya lumapit ako

"Are you okay Ally? I'm sorry" tanong ko kay Ally at sakto namang dumating si dad

"Why baby? Did you call m-- What happened? Are you okay?" tanong ni dad ng makita niyang tumutulo ng dugo yung sugat ni Ally at tumingin sakin

"Sorry dad" nakayuko kong sabi ko at tinawag ni dad si yaya Mila at sinabing dalhin niya yung first aid kit kaya ginawa naman ni yaya

"Anak,gagamutin natin yang sugat mo ha?" sabi ni yaya kaya umiyak lalo si Ally dahil ayaw niya sa mga gamot

"Daddy,ayoko po" nagmamakaawang sabi ni allyssa kaya pumasok si dad sa bahay ay nang bumalik siya,may dala siyang isang kulay yellow na box

"Daddy what's that?" tanong ni Allyssa kaya binuksan ni dad yung hawak niya,sa loob puro yellow na gamit na first aid

"wow dad! Lets play!" masiglang sabi ni baby,tss! pinagkamalan pang laruan yun ha? porket puro yellow na?

"Okay baby but, we need to clean yang sugat mo ha?" sabi ni daddy

"Ayaw ko non!" sigaw ni baby at tinuro niya yung first aid na hawak ni yaya

"Alam ko baby kaya ito ang gagamitin nating panlinis jan sa sugat mo" mahinahong sabi ni dad kaya sumigla ang mata ni baby

"Okay" sabi ni baby kaya nilinisan na ni dad yung sugat ni baby

End of the flashback

Haha! Pinagkamalan pa ni baby na laruan na doctor doctor ito noon, porket yellow na? Haha! Bata palang noon si baby eh, buhay pa si mommy noon, nang makita ko yung first aid na yun,naisipan kong tawagan si daddy para ipaalam ang nangyari kay baby,alam kong wala rin lang pakialam si dad pero sasabihin ko parin para man lang malaman niya ang nangyari sa anak niya, dinial ko yung number ni dad at sinagot naman niya agad ito

("Hello? who's this?") at dinelete na niya ang number ko sa sim niya ha? Di ko na rin alam kong nasaan siya ngayon

("Andrew,,, d- dad ") nag aalanganin pa akong magsabi ng dad, alam kong natigilan siya kaya pinatay niya ito agad,di niya ata akalain na tatawagan ko siya,kong tatawagan ko naman siya ulit, alam kong di na niya sasagutin kaya itetext ko nalang

To: Dad
Dad, nasagasaan si Allyssa, wala ka man lang pakialam sa sarili mong anak? Dahil lang sa pagkawala mom? Balik baliktarin mo man ang mundo, anak mo parin siya dad

Tinagalog ko talaga para dama niya, binulsa ko agad ko yung cellphone ko at kumuha na ng mga damit niya sa kabinet niya at nagpunta na ako kong hospital, nasa labas ako ng hospital ng tignan ko yung cellphone ko,wala man lang ni isang reply dad, kaya lalo akong nainis, pagbulsa ko yung cellphone ko,nakita ko si Jason na lumabas sa isang pang entrance ng hospital kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Ally, pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya, nakita ko si baby na umiiyak kasama niya si Andrea at Kaye kaya agad akong lumapit sakanya

"Anong magyari?" tanong ko kay baby na patuloy parin sa pag iyak si baby kaya alam kong di niya iyon sasagutin

"Ano nangyari Andrea?" tanong ko kay Andrea kaya napatingin siya sakin

"Si Jason kasi kuya pumunta siya dito, nagconfess ulit siya sa nararamdaman niya kay Allyssa pero si Allyssa sinabi na niya na di na daw niya mahal si Jason na magmove on nalang siya, kaya sabi ni Jason, babalik nalang daw siya sa Canada sa pamilya niya" paliwanag ni Andrea

"Ally,mahal mo pa ba siya?" tanong ni Andrea kay baby kaya tumango si baby

"So bakit mo sinabi kay Jason na di mo na siya mahal?" tanong ulit ni Andrea kaya nagpunas si baby ng luha niya

"Kasi ayoko nang masaktan ulit" sabi ni baby,naiintindihan ko naman siya

"Bakit di mo siya bigyan ng second chance?" tanong ni Andrea

"No, I gave him my second chance" sagot ni baby kaya naguluhan ako

"What? I don't understand" sabi ni Andrea

"Nong 7 monthsary namin ni Jason noon, di siya sumipot sa date namin, dahil sa ilang oras na akong naghihintay sakanya sa mall,imbes na magalit ako,binaba ko ang pride ko para puntahan siya sa bahay nila,para tanungin ko bakit wala siya pero di pa ako nakakarating sa bahay nila,nakita ko agad siya na may kahalikang babae,di ko kilala pero lumapit ako kay Jason at sinampal siya sa harap ng babae,sinabi ni Jason na matagal ng may gusto yung babae sakanya kaya niya ito hinalikan,makikipagbreak pa sana ako sakanya noon pero nagmakaawa siya kaya binigyan ko siya ng second chance pero he didn't deserve the second chance" umiiyak na sabi ni baby,naiintindihan ko na

"Bakit ngayon mo lang sinabi iyon sakin?" tanong ko kay baby

"Kasi kuya alam kong ipapabreak mo ko sakanya" sagot niya

"Okay,buti nalang at di mo tinggap ang pagcoconfess niya sayo kanina" sabi ni Andrea kaya tumango ako,ngumiti si baby at saktong bumukas ang pintuan,pagtingin ko sina Julian,Jassey at Jasmine na may bitbit na mga pagkain,kaya pala wala sila,yun pala, bumili ng pagkain

"Dapat ako nalang bumili ng pagkain niyo" sabi ko sakanila,nakakahiya kasi sila na nga ang nagbantay kay baby sila pa ang bibili ng pagkain nila

"Kuya Andrew,okay lang to no" sabi ni Julian at ngayon ko lang napansin na wala na si Julia kaya hinanap ko siya dito sa kwarto

"Kuya,umuwi na siya,mag eempake pa daw ng gamit niya para sa pagpunta niya sa flight niya" at alam talaga ni Julian na hinahanap ko ate niya ah?

"Woahh! Pupunta na palang New York si ate Julia? Asa yung despidida?" natatawang sabi ni Jasmine kaya natawa ako ng kunti

"Sabi ni mama,magpapadespidida party daw pero ayaw ni ate, alam niyo naman,ayaw ni ate ng nagpapaparty about sakanya" sabi ni Julian,di pa din nagbabago si Julia, ayaw niya yung nagpapaparty about sakanya,tuwing birthday niya ayaw niya ng nagpaparty sa bahay nila,mas gusto niyang magpunta nalang sa mall mamasyal

"Oo nga pala" sabi ni Kaye

"Kain na nga tayo! Gutom na ako!" sigaw ni Julian kaya tumawa ang lahat, kumain na kami, tanghali na kasi eh

Allyssa's P.O.V.

Di parin ako makapaniwala na pumunta talaga si Jason dito sa hospital para dun sa nararamdaman niya sakin,alam kong sincere siya pero ayoko na talagang masaktan pa kaya di ko na siya binigyan ng pag asa,  bahala siya sa buhay niya kahit bumalik pa siyang Canada.

Ayoko narin dito sa hospital,ikatatlong araw ko ns dito, pero sabi ni kuya kailangan ko pa daw magpahinga eh okay naman na ako

"Kuya kailan ba ako lalabas dito?" tanong ko kay kuya na busy sa panonood ng basket ball dito at ako naman ay naglalaro ng zombie tsunami sa cellphone ni kuya,lowbat kasi cellphone ko

"Baka sa susunod na araw baby" sagot naman niya kaya tumango ako at naglaro nalang ulit,biglang nagbeep cellphone ni kuya, busy siya kaya babasahin ko nalang

O________O


From: Dad
"Is she's okay now?"

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon