Jassey's POV
Simula matapos ang nangyari sa resort noon, di na nawala si Lance sa isip ko. Palagi siyang meron sa mga panaginip ko, tuwing nakikita ko siya sa school, lumalakas kabog ng dibdib ko at kinakabahan ako, di ako makatulog dahil palaging siya ang nasa isip ko. Bakit ako nagkakaganito? Nahawakan lang naman niya ang kamay ko 'a? Pero sa paghawak niya ng kamay ko, bakit parang nakurtente ako? Tell me, Am Inloved with that cold jerk? Noooooo!
"Ateeeee!" nagulat ako ng biglang lumundag si Jasmine sa kama ko.
"What?!" mataray kong tanong?
"Yieeeee, kasi ate, hmmm" Problema nito? Kinikilig ba 'to? Makangiti parang wala ng bukas.
"Ano?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ate kasi si Alvin...."
""What's about him?" Kinikilig nga siya.
"T-Teka, h'wag mong sabihing nanliligaw sayo yang lalakeng yan?" umupo ako. Si Alvin, duh! Gwapo nga, bolero naman.
"Nanliligaw nga---"
"Naku! Naku! Jasmine, eto na sinasabi ko sayo, borelo yung lalaking yun, bakit kong niloloko ka lang niya para pagtrip'an?" hinawakan ko kamay niya at pinisil.
"Oo nga ate, bolero nga siya pero ate alam kong totoo, nanliligaw siya sakin kasi mahal daw niya ako" Mahal? Alam ba niya sinasabi niya?
"Mahal? Naniwala ka naman?" sinabi lang na mahal, maniniwala na?
"Oo" Nako Jasmine!
"Kinikilig ka?"
"Oo naman ate. Yieeeee" OA!
"Ikaw 'a, tigil tigilan mo yang kalandian mo" Landi ne'to.
"Tss, ate bitter ka lang, di ka pa kasi nagkakaboyfriend. Hmmm? Diba aber?" Tss.
"Makasabi kang walang boyfrined, 'e ikaw? Nagkaboyfriend ka na ba?" Loko nito. Pati nga rin siya walang boyfriend 'e.
"Wala?" Wala? So di pa siya sigurado?
"Hmmm, soon palang" pagpapatuloy niya. So may balak siyang sagutin yung bolerong yun?
"So may balak kang sagutin siya?" tinaas ko kilay ko, napaisip naman siya dahil nilagay niya ang kamay niya sa baba niya at nakatingin sa ceiling.
"Hmm, siguro, kong mahal ko na siya pero ngayon? Yieeee! Kinikilig ako ate, crush ko na yata siya 'e---Ahhhhhhh!" Dahil sa kalandian niya, kinurot ko siya sa tagaliran niya,malandi 'tong babaeng 'to!
"Malandi ka ha! Pag yan di seryoso, binabalaan na kita, huwag ka masyadong mag assume ha? Ha? Jasmine ha? Mag isip ka" seryoso kong sabi pero nakangiti pa din. Inlove na ba 'to?
"Eh? Tahimik ka na nga ate, tss, may Lance ka naman na 'e" Aba't dinamay pa dito si Lance.
"Bakit si Lance nanaman?" mataray kong tanong.
"Tss, nagtataray tarayan ka pa, as if kong tatalab yan sakin. Hoy ate! Feeling mo di ko alam? Eh di ka nga makatulog kakaisip sakanya 'e. Kapag nakikita mo siya, tarantang taranta ka. Ehhh, tapos kapag nakatulog ka naman, tinatawag mo siya, ganito 'Lance, Lance" Aba't? Ginaya pa niya yung pagkakasabi ko DAW ng pangalan niya, pero totoo ba yun? Tinatawag ko pangalan niya at bakit alam niya 'to?
"Bakit alam ko? Duh! Kapatid kita, kambal kita kaya alam ko. Ate, kilalang kilala na kita. Tss, Inlove ka! Yieeee! Lance! Yiiieee! Lance, Lance" kinikiliti kiliti pa niya ako sa tagiliran ko.
"'Ikaw Jasmine 'a. Tigil tigilan mo 'ko, di ka nakakatuwa" Tss, ako inlove sa lalaking yun? Duh! Hindi! Hinding hindi! Kasi di yun mangyayari.
"Di daw nakakatuwa, kinikilig ka naman!" Aba't!
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...