Chapter 52: Tears

141 15 0
                                    

Julia's POV

Nakatingin ako sa laptop ko habang nag eencode ako. Ineencode ko ang mga utos ni Andrew sakin tungkot sa campany, ayaw niya kasing tawagin ko siya sir kaya eto, Andrew nalang.

Nandito ako sa guest room ng bahay ni Andrew. Matagal na sana akong umalis dito at mag condominium nalang sana pero ayaw ni Andrew, baka daw balikan ako ng mga lalaking komid-nap nakin.

Ipriprint ko na sana yung ginawa ko pero naalala ko, nakalimutan ko palang bumili kanina ng bond paper. Tinignan ko ang oras, 9 pm na pala. Pero kailangan ko 'tong ipasa bukas kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto. Di ko pa naman alam kong saan ang pinakamalapit na bilihan ng office supplies dito, nahihiya naman akong magpasama kay Andrew kasi baka busy siya or baka tulog na o pagod.

Lumabas ako ng bahay, ang dilim dilim pa at mukhang uulan pero kailangan ko talagang bumili.

Nagsimula na akong maglakad at humanap ng bilihan o mall nalang pero baka wala ng nakabukas pa.

~Lakad lakad lakad~

Kanina pa ako naglalakad at naghahanap dito pero wala naman. Kong meron mang store ay sarado naman na.

Hays. Napaupo nalang ako sa isang eskinita dahil narin sa pagod. Natatakot pa ako kasi wala namang street light dito. Tanging ang buwan lang ang nag sisilbing ilaw ko.

*Grrrdd!*

*Bsstt!*

Mas lalo akong natakot ng kumulog at kumidlat. Parang gan'to nanaman yung nangyari noon pero walang ulan pero ngayon ay naramdaman ko nanaman ang takot na naramdaman ko noong nasa kamay ako ng mga masasamang tao ngayon. Ilang minuto pa ay bumuhos na ang malaking ulan. Tumayo ako upang sumilong sana pero wala ako makitang pwede sumilong'an, kong meron man ay malayo na ito. Kaya itong eskinita lang talaga. Mas bumuhos nanaman ang ulan kaya sa pag buhos ng mas malakas pang ulan ay mag nasinag ako anino ng isang lalaki na di kalayunan sakin.

Kahit malakas ang ulan ay di ko nadin nakikita ang daan ay nakita ko padin ang aninong iyon. Mukhang dalawa pa sila kasi kitang kita ko talaga ang mga anino nila.

Mas lalo nanaman akong natakot ng wala na ang anino pero masama ako kutob ko sa mga aninong iyon. Tatawagan ko na sana si Andrew upang magpasundo pero nakalimutan ko pala ang cellphone ko. Basang basa na din ako.

Lumingon ako upang tignan ang mga aninong iyon pero bumungad sakin ay mukha ng isang lalaking ang lawak ng ngiti, nakakatakot ang ngiti nito. Mas lalong dumuble ang takot ko ng makita ko ang kasama niya. Dalawa silang kasama ng mga kumid-nap sakin.

Naluha nalang ako sa takot pero buti nalang ay naigalaw ko padin ang paa ko upang tumakbo.

"Andrew" iyak kong sabi, ngayon ko lang napansin na naliligaw nanaman ako at kita kong sinusundan ako ng mga lalaki, tawa sila ng tawa. Dinig na dinig ko iyon kahit ang lakas ng ulan.

"Ouch!" Daing ko dahil nadapa ako. T-takot na takot na ako.

Pinilit kong tumayo kahit ang sakit sakit na ng mga paa ko. Ramdam ko din ang hapdi sa tuhod at siko ko.

Kahit masakit ay pinilit tumakbo, ang dulas dulas na din ng kalsada. Nagtataka na din ako kasi ang layo na ang tinakbo ko pero wala akong makitang sasakyan man lang. Ang dilim dilim pa. Buti ay nakikita ko pa ang daan.

Punas ako ng punas ng mga luha ko. Pinapatatag ko ang sarili ko kahit alam kong nakasunod sila sakin. Napatigil ako sa pagpupunas ng luha habang tumatakbo ng may humintong kotse sa tapat ko.

Naisip kong baka kasabwat nila ito kaya tumakbo ako. kanina pa ako takbo ng takbo pero dinig ko padin ang tawa nila.

"Julia" napatigil ako pagtatakbo ng may yumakap sakin sa likod ko. Alam kong sa tono ng boses na iyon. Si Andrew yun.

Dahil sa saya ko dahil dumating siya ay humarap ako sakanya niyakap ko na siya at doon na ako humagulgol.

"Bakit ka umiiyak? Bakit ka nandito? Bakit ka lumabas ng bahay ng ganitong oras?" sunod sunod na tanong niya pero ni isa ay wala ako sinagot. Humagulgol nalang ako ng iyak habang niyayakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

"A-Anong problema? Why are you crying? May nangyari b--"

*Bang!*

Dahil sa gulat ko ay napakalas ako sa pagkakayakap kay Andrew, gulat na gulat ako dahil unti unting bumagsak si Andrew sa gitna ng kalsada.

"A-Andrew?" ngayon ay nakahandusay na siya sa kalsada.

May dugong umaagos galing sa bewang niya. Ngayon ay alam ko na ang nangyari, sa pagputok na iyon ay isang baril at siya ang natamaan.

Gising pa si Andrew.

"J-Julia O-okay ka lang b-ba?" pinipilit pa niyang magsalita. Agad ako umupo sa kalsada. Yung dalawang lalaki, nakita kong nakasakay na sila sa isang motor at yung isa sa kanila ang may hawak na baril. Ngayon ko lang narealize ang lahat. Sila ng bumaril kay Andrew, alam kong ako dapat ang babarilin pero siya ang natamaan kasi magkayakap kami.

Naiyak nalang ako dahil sa nangyari. Tumayo ako, di ko alm ang gagawin ko pero tumayo nalang ako at sinubukang buhatin si Andrew, kahit mabigat siya ay kinaya ko padin.

"J-Julia, h-hayaan mo na a-ako." sambit niya ng malapit ko siyang maipasok sa kotse

"Tumahimik ka nga. Dadalhin kita sa hospital" sambit ko at nagpunta sa driver seat, buti nalang ay alam kong mamaneho. Oo alam kong naliligaw na ako pero noong nagpunta kasi sa bahay ni Andrew, may nakita akong hospital doon. Di ko lang alam paano lumabas sa lugar na 'to pero nag drive padin ako ng nagdrive.

"J-Julia, t-tandaan mo. M-Mahal na mahal kita" na sinabi niya iyon ay mas lalo kong naiyak pero buti nalang ay basang basa ako pati mukha ko, di niya mapansing umiiyak ako.

"T-Tumigil ka nga. Lumaban ka malapit na tayo sa hospital" sabi ko nalang.

Diyos ko, tumulungan mo po kaming makalabas dito.

Pinunasan ko ang luha ko at napatigil kami. May dalawang daanan kasi, left at right pero di ko alam kong saan ako dadaan. Tumingin ako kay Andrew, nakatingin pala siya sakin.

"L-Left" bulong niyang sabi pero dinig ko kaya agad kong pinatakbo ng mabilis ang kotse kaya nakarating din kami sa hospital.

Agad nilang dinala si Andrew sa Emergency room. Napaupo nalang ako don sa harap ng Emergency room. Iyak na ako ng iyak. Naghahalo na ang nararamdaman ko ngayon. Takot, kaba at lungkot.

"J-Julia, t-tandaan mo. M-mahal na mahal kita"

"J-Julia, t-tandaan mo. M-mahal na mahal kita"

"J-Julia, t-tandaan mo. M-mahal na mahal kita"

"J-Julia, t-tandaan mo. M-mahal na mahal kita"

"J-Julia, t-tandaan mo. M-mahal na mahal kita"


Ewan ko pero nag eecho sa tenga ko ang sinabi niya sakin. Sa sinabi niya yun bumilis ulit ang puso ko. Nagyon ko nanaman naramdaman ang saya sa sinabi pero ang malas nga lang kasi sinabi nga niya yun sakin pero sa may masamang nangyari pa. Pero gustong malaman din niya na-


"A-Andrew, mahal na mahal din kita. Mahal na mahal padin kita hanggang ngayon"

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon