Chapter 41: Feelings

175 16 0
                                    

Allyssa's POV

"Ally, musta na ang pagmomove on mo kay Jason?" napalingon ako kay Jassey, natigilan ako bago ako sumagot

"Pagmomove on? Uhmm mahirap" naluluha ako

Sasagot pa sana siya ng biglang sumulpot si Ryan sa harap ko

"Tomorrow" sabi niya at umalis

"Tomorrow? Anong meron bukas Ally?" oo nga pala di ko pa nasasabi sakanila

"Si Ryan kasi, niyaya niya ako sa sa EK" I pouted pero sila nagulat

"Sabihin mo nga sakin Allyssa, nanliligaw ba yang si Ryan sayo? Nagtataka na ako kasi biglaan nalang kayong naging close eh" Napalingon ako kay Kaye, narealize ko, ang dami na pala ang di ko naikukwento sakanila dahil nakay Ryan na ang oras ko palagi. Am I a bad bestfriend to them?

"Oh napatahimik ka jan?" tinaasan ako ng kilay ni Jasmine

"Nanliligaw siya na hindi" balewalang sagot ko

"What? Nanliligaw siya hindi? Ano yun? Ang gulo" oo nga 'no? Magulo, pero mismo ako din ay naguguluhan, nanliligaw ba siya? Eh di ko pa naman siya pinayagan eh, pero bakit ag sweet niya sakin? Nanliligaw ba siya? Pero sinabi ko naman na sakanya na di pa ako ready sa panibagong relasyon pero bakit ang sweet niya sakin? Ang gulo!

"Ewan ko din" sabi ko nalang nagheadset, inirapan nalang nila ako, ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang dumating si Julian na tulala at nakahawak sa labi niya, matagal ng ganyan yan, ewan ko ba

"Oh, tulala ka nanaman?" iritang tanong ni Jassey pero di sumagot si Julian, umupo lang siya

"Anong nangyayari dun?" tanong ko kay Jassey pero nagkapit balikan lang siya

"Ilang araw ng ganyan yan, tapos pag nagkakatinginan sila ni Christopher, biglang mamumula nalang si Julian, di kaya--" tumingin siya sakin at lumaki mata niya, tinaas ko nalang ang isa kong kilay

"-- di kaya, may nangyari sakanila ni Christopher?" lumaki mata ko at tinignan si Julian, nakahawak padin siya sa labi niya

"Eh nakahawak sa labi niya eh" singit ni Kaye at tumingin sakanya.

Agad akong tumayo at hinigit si Julian palabas ng classroom pero parang wala lang sakanya sa paghigit ko sakanya, hanggang sa makarating kami sa loob ng faculty room, walang tao dito

"Anong nangyayari sayo?" tanong ko na medyo hinihingal pa, di siya sumagot at nakatulala lang siya at nakahawak sa labi niya, agad kong hinigit ang kamay niya palayo sa labi niya at sinampal siya para matauhan pero di naman malakas, medyo lang.

"Ouch, bakit mo ako sinampal? A-at bakit tayo nandito?" napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko at tuminhin tingin sa paligid namin

"Anong nangyayari sayo?" medyo iritang tanong ko, ilang araw na yang ganyan eh

"Anong nangyayari sakin? Wala naman diba?" napairap ako at tumingin sakanya

"I mean bakit palagi kang tulala at nakahawak sa labi mo?" pagkasabi ko yun ay bigla siyang namula

"K-kasi ano--" di niya matuloy tuloy ang sasabihin niya kaya nagsalita ako

"May nangyari ba sainyo ni Christopher?" bigla lumaki ang mata niya

"No! Christopher kissed me!" sigaw niya at bigla akong napatawa ng kunti

"Si Christopher? Hinalikan ka sa labi kaya ka ganyan?" tanong ko na medyo natatawa pa, tumango siya

"Julian, sa halik ni Christopher sayo, natamaan ka na ba sakanya?" tanong ko sakanya na seryoso

Julian POV

"Julian, sa halik ni Christopher sayo, natamaan kana ba sakanya?" biglang kumabok ng malakas ang puso ko sa tanong niya, tinamaan na ba ako kay Christopher? Di ko alam pero siya lang ang iniisip isip ko tuwing gabi, pag nakikita ko siya kakabog ng malakas ang puso ko, pag naaalala ko yung kiss niya, namumula ako.

"Oh, natahimik ka jan?" bigla akong napatingin sakanya, Am I inloved with Christopher? I don't know but

"Yes, I'm inlove with Christopher" nagulat si Ally na pati ako ay nagulat din sa sagot ko, ewan ko pero yun ang lumabas sa bibig ko

"Ally kasi, nong araw na hinalikan niya ako, umiba pakiramdam ko, ang sarap ng feeling, iniisip ko siya gabi gabi at di nadin ako makatulog sa kakaisip sakanya, you think I alreally fall inlove with him?" I asked her pero ngumiti lang siya sakin at hinila palabas ng faculty, pagkalabas namin, nakita namin sina Iza at Vince na naglalakad, holding hands sila pero nong malapit na sila sa room namin ay biglang nagbitawan sila ng kamay at tinignan ni Iza si Vince at naunang pumasok si Iza ng room, at pagkalipas ng ilang segundo ay pumasok na din si Vince ng room. Agad akong tumingin ako kay Ally pero nakatingin din pala siya sakin

"Naiisip mo ba naiisip ko?" sabay pa naming sabi, di muna ako nagsalita baka kasi mag sasalita siya pero ilang segundo ang lumipas, di siya nagsasalita kaya nagsalita na ako

"May relasyon ata sila" sabi ko

"Nasasaktan ka na niyan?" agad akong umiling at nagsalita

"Bakit naman ako masasaktan?"

"Kasi crush mo siya?"

"Noon lang yun, di na ngayon" tumawa ako ng kunti

"Pero seryoso, bagay sila" sabi ko , totoo naman eh, pero yung nararamdaman ko? Parang wala lang.

"Ang ganda na din ngayon ni Iza simula nong tinakot ko siya" tumawa din siya ng kunti, humarap ako sakanya

"Oo nga eh pero kong may relasyon man sila ng, okay lang sakin, mabait naman siya eh" ngumiti ako, pero totoo yung ngiting yun

"Hahaha, may Christopher kana eh" agad nanaman akong namula ng banggitin niya yung pangalan na yun

"Namumula ka nanaman, inlove ka nga talaga sakanya" tss.

"Tara na nga sa loob" sabi ko at hinila ko siya at saktong

*Boggsh*

Halos napaupo na kami ni Ally, may nakabangga samin eh, agad tumayo si Ally at tinulungan ako, sisigawan ko na sana yung nakabangga samin pero, nagulat nalang ako, lumakas kabog ng dibdib ko, tinignan ko si Ally, kinindatan niya at nagpaalam, tumakbo siya. Kainis talaga siya.

Aalis na sana si Christopher pero hinigit ko siya pabalik sa harap ko

"Di ka man lang magsosorry?" nilakasan ko ang loob kong sabihin yun at buti di ako nautal

"Para saan?" aba't!

"Ay baka sa paghalik mo sakin" di ko alan pero nagulat din ako sa sagot ko, namula siya,yumuko, ang cute!! Ay! Ano pinagsasabi ko? Tss

"S-sa p-pagbubunggo mo samin" Shemz! Nahihiya na ako! Ang gwapo niya! Lupa! Lamunin mo ba ako ngayon din! Ay semento pala 'tong tinatapakan ko, wahh!! Semento! Lamunin mo na ak--

"Ouch" di ko natuloy yung sinasabi ng baliw kong isip at napahawak nalang ako sa noo kong pinitik niya

"Ano bang problema mo!? Nakadalawa kana ha?!" sabi ko, tumawa naman siya ng kunti, ano tinatawan niya? Baliw na ba siya?

"Kasi nakatitig ka sa gwapo kong mukha ko eh" sabay kindat niya, omo! Ang gwapo niya. Ay pinagsasabi ko? Tandaan mo Julian, binunggo ka siya at pinitik pa sa noo

"Pilingero 'to" sabi ko at inirapan siya

"Pero aminin mo, nagagwapuhan ka sakin 'no?" kumindat ulit siya.

"Oo, ay! H-hindi hindi! Ang panget mo kaya" Shemz! Baka mukha na akong kamatis neto sa sobrang pula na ng mukha ko

"Hahahahaha!! Sabi ko na nga ba eh, may pagnanasa ka sakin 'no?" Aba't feelingero talaga to! Tumawa pa ng malakas

"Ako? May pagnanasa sayo! Nakakasuka ha, che!" humakbang na ako para umalis sa harap niya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan

"Your lips is so soft, I want to kiss you again" kumindat siya at umalis sa harap ko na nakapamulsa.

Humawak ako sa dibdib ko, ay lakas ng kabog, Omo! Wag mong sabihing inlove na ako sa mokong na yun?!


She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon