Chapter 53: Dream

130 13 0
                                    

Julia's POV


Nakaupo padin ako dito sa tapat ng Emergency room at hinihinatay lumabas ang doctor.

Lumipas pa ng ilang oras ay bigla ng lumabas ang doctor kaya tumayo ako at nilapitan siya.

"I'm the patient's friend. How is he?" kinabahan kong tanong. Ng ngumiti siya ay nabawasan ng konti ang kaba ko.

"He's okay now, Just wait until he woke up." sambit ng doctor. Nakahingan naman ako kahit paano

"How many days?" I asked him.

"Just a day only. The bullet is in his back but he's okay now. No need to worry" ngumiti ako.

Ngumiti ako sakanya.

"Thank you" sambit ko at pumasok na sa loob.

~~

Pagpasok ko, lumapit agad ako sakanya. Parang natutulog lang siya. Ang amo amo ng mukha niya.

"I'm sorry" sabi ko. Naiyak nanaman ako.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry dahil sakin napahamak ka" sambit ko sakanya. Basang basa pa pala ako pero ayokong umuwi sa bahay nila dahil walang magbabantay sakanya rito.

Naalala ko si Allyssa. Nakwento na sakin ni Andrew noon kong paano nasasaktan si Allyssa dahil sa daddy niya. Nagta- trabaho si Andrew upang mapag aral ang kapatid niya. Hanggang ngayon ay di pa din siya nagbabago. Mapagmahal padin siyang kapatid.


Naawa na rin ako kay Allyssa. At wala naman akong balak ipagsabi pa sakanya ang nangyari sa kuya niya dahil baka mag aalala lang yun. Hayaan ko nalang muna. Sasabihin nalang namin k'pag pwede ng sabihin.


Nakaramdam nadin ako ng pagod kaya di ko namalayang nakatulog na pala ako.

~~~


Nagising ako dahil may gumagalaw sa tabi ko. Paggising ko ay nakita ko agad ako Andrew na gising na kaya agad akong napatayo.

"Kamusta kana Andrew? May masakit pa ba?" tanong ko sakanya. Umili naman siya.

"Yan padin ang damit mo hanggang ngayon? Di ka pa nagpalit? Ang lakas ng aircon dito tapos basang baa yang damit mo, baka magkasakit ka" kita ko sa tono ng boses niya ang pag aalala.

"Di na ako nakauwi sa bahay kasi kinakabahan ako sa nangyari. Okay ka ba?" sabi ko.

"Tss." napa pout nalang ako.

"Ay teka. Gutom ka na, alam ko. Jan ka lang ha?" aalis na sana ako upang bumili ng makakain pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Salamat" napatigil ako pero ilang segundo ay lumingon pa ako.

"No. Thank you" sabi ko.

"Dahil sayo naligtas ako." sambit ko. Kumunot noo niya. Wala pala siyang alam sa nangyari kagabi.

"Ha?" ngumiti nalang ako.

"Ikukuwento ko nalang sayo mamaya. Bibili pa ako" Lumabas na ako ng room niya at binilisan ko ang pagbili ng pagkain niya sa caffeteria ng hospital

~~

"Kumain kana" sambit ko at nilapag ang pagkain na binili ko. Inayos ko na iyon.

Susubuan ko sana siya pero nagsalita siya.

"Kaya ko namang kumain mag isa 'e. Kumain kana rin, papakainin ko nalang sarili ko" umiling ako.

"Hindi mo kaya, ang daming nakasabit katawan mo at yung sugat mo pa, sariwa pa ang sugat. Baka magalaw mo lang kaya ako na" sabi ko at sinubuan siya. Di naman siya umangal pa kaya pinakain ko siya.


***

Allyssa's POV


"Gusto ko ng ice cream" sabi niya habang nakaupo siya sa duyan. Nandito kami  sa park. Nakaupo kami.

"Ice cream? Dito ka lang ha? Bibili lang ako" ngumiti ako at naghanap ng ice cream.

Di kalayuan ay may nakita akong nagtitinda ng sorbetes. Si manong nagsosorbetes na palagi kong pinagbibilhan ng Ice cream 'pag malungkot ako.

"Manong dalawa nga po. Yung keso ha?" ngumiti ako.

"Para ba yung isa sa  special na tao sa buhay mo mo?" kumunot noo ko.

"Bakit alam ko? Kasi palagi kang bumibili sakin pero ngayon ko lang nakita ang ngiti sa mata mo" sambit niya.

Ni- abot niya na sakin ang ice cream kaya agad ko na iyong kinuha at umalis.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya. Ang gulo gulo kasi ng buhok niya at may punit yung damit niya sa bandang tiyan'an niya na tinatakpan niya gamit ang kamay niya.

"K-kasi may batang babae kanina na umiiyak, linapitan ko at tinanong kong bakit siya umiiyak sabi niya yung pusa raw niya napunta sa sanga ng puno. Kaya tinulungan ko, inakyat ko yung puno pero may mapurok na sanga akong natapakan at ayon nahulog at nasabit yung damit ko sa may matulis na sanga. Pero nakuha ko naman yung pusa"  kwento niya habang nakayuko.

"May  masakit ba sayo?" umiling siya pero napansin kong tinatakpan niya padin yung tiyan niya kong saan napunit yung damit niya.

" Bakit tinatakpan mo?" alam niya na kong ano ang ibig sabihin ng tanong ko kaya umiling siya pero lumapit ako.

"Nasugatan yan ano?" umiling nanaman siya. Pero hinawakan ko yung mga braso niya upang tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa tiyan'an niya at makita kong ano ang tinatakpan niya.

"B-Balat?  A rose birthmark?" gulat na gulat ako sa nakita ko sa tinatakpan niya. Halos napaluha na rin ako.

"A-A-Alliza?"

~

Nagising ako mula sa panaginip na yon. Panaginip lang pala iyon pero parang totoo.

Oo panaginip lang iyon pero di ako pwedeng magkamali. Si Alliza ang kasama ko sa panaginip ko. Di ko mainag ang mukha niya pero ng makita ko ang balat niya sa tiyan, alam kong siya iyon. Si Alliza iyon.


"Kong wala na tayong pag asang mahanap pa si Alliza, gusto ko lang na sabihin sa inyo. May balat si Alliza sa tiya.  A big rose birthmark"


Iyan ang sinabi samin ni yaya noong araw na hinanap namin  si Alliza dahil sa kwintas. Pinanganak si Alliza na may balat sa tiyan. Balat na parang isang rosas, malaking rosas iyon kaya yun nalang ang pag asa namin.


"Alliza" di ko namalayang umiiyak na pala ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Tinignan ko ang oras. 11:22 pm pa pala. Bababa pa sana ako upang uminom pero--


*Blagg!*

Nagulat ako dahil sa nahulog na kong anong bagay dahil natabig ko, ang dilim pa kasi kaya agad kong binuksan ang ilaw para makita kong ano iyon.

Pagkabukas ko ay nakita ko ang picture frame na basag na basag. Nakita kong nabasag ang picture frame na may picture kaming tatlo ni kuya at Alliza.

Pinulot ko ito at tinignan.

Nasa isang park kami noon with mom, dad, kuya and Alliza, I was 3 years old that time and my Mom took us a picture, me, kuya and Alliza. That day is a family day so I won't forget that special day.

Nakaramdam nalang ako ng basa sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.


"M-Mom, D-dad, Alliza. I- I miss you so much"


She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon