Chapter 70: Welcome Home, Alliza

123 9 1
                                    

Andrew's POV

Naikwento lahat ng umampon kay Alliza ang tungkol sakanya.

"Bakit niyo man lang kami hinanap?" nakaramdam ako ng inis sa tatay niya.

"Pasensya na. Akala ko kasi wala na kayo ng bansa. At wala naman kaming anak at di kami makakaanak kaya pasensya na at inampon na namin siya" tinignan ko si Alliza, nakayuko siya. Katabi ko lang siya.

"At saka pasensya na kong di namin siya nabigyan ng magandang buhay." umuling ako sa sinabi ng nanay niya.

"Di niyo man siya nabigyan ng magandang buhay, pinalaki naman po siyang mabait at malinis ang puso. Kahit po ganun, laki po ang pasasalmat ko sainyo" ngumiti sila kaya ngumiti din ako.

"P-pwede ko na poba siyang iuwi?" ewan ko pero yun ang lumabas sa bibig ko. Nanlaki naman ang mga mata nila at biglang yumuko.

Tinignan ko si Alliza, nakayuko na nagpupunas ng luha.

"P-pasensya na po kung desperado na po akong iyuwi ang kapatid ko pero po sobrang saya ko po ng makita ko ulit siya. Sobrang saya ko po ng malaman kong sa wakas nahanap na namin siya. At sa 12 years na umaasa kami na mahahanap siya. Ngayon nandito na siya"

"Pasensya na po kong gustong gusto ko na po siyang maiuwi, gusto ko lang namang mabuo ulit ang pamilya namin kahit wala na ang aming ina. Gusto ko lang bumalik ang daddy namin at makasama namin siya" takte! Nakakabakla! Naiiyak ako!

"A-asan ang daddy niyo" tanong ng tatay niya. Napatingin ako sakanya, bahagya akong ngumiti at ikunuwento ang lahat. Pati ang pag iwan samin ni dad.


"Di naman po sa sinasabi ko to para maawa kayo samin pero sa totoo lang, gustong gusto na namin siya iuwi para maibalik na uli ang pagmamahal ng daddy namin samin" pinunasan ko ang luha ko.

"Pero okay lang po kong ayaw niy---"

"Nay, Tay, sasama na po ako sakanila" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alliza.

Tinignan ko ang nanay at tatay niya, umiiyak na. Alam kong nasasaktan sila dahil sa nahanap lang namin siya, bigla nalang namin siyang babawiin. Alam kong masakit sakanila pero ito nalang ang alam kong dahilan para bumalik ang daddy namin.

"S-Sigurado ka anak?" tanong ng nanay niya. Tumango si Alliza.

"G-Gusto kong sumama sakanila, baka sakaling tanggapin pa ako ni ate bilang kapatid niya. Gusto ko ding bumalik si sir-- d-daddy para kay ate, gusto kong bumalik siya para kahit ganun, ako ang tumupad sa pangarap ni ate na bumalik si d-daddy" ngumiti ako sa sinabi niya. Tumayo ang nanay at tatay niya at niyakap siya.

"Anak, masakit man 'to pero papayagan kita. Masakit man na hiram ka lang samin pero di ka man galing sakin, mahal na mahal kita anak" niyakap din ni Alliza ang nanay niya.

"B-bibisita nalang po ako dito" sabi niya.

"Kunin mo na mga gamit mo anak" sabi ni tatay niya.

~~

Alliza's POV

Masakit man na iwan ko na ang mga tumayong mga magulang ko pero gusto kong bumawi kay ate. Kaya siguro ganun ang trato niya sakin kasi ako pala ang may kasalanan ang lahat. Kong bakit siya minamaltrato ng daddy namin at iniwan siya kasi nawala ako. Gustong gusto kong bumawi at tulad ng sina bi si--k-kuya Andrew, baka dahil sakin ay babalik si daddy, ginusto ko agad.

Habang nag iimpake ako, di ko maiwasang di lumuha. Napahinto ako sa pag iimpake ng makita ko ang picture namin nila nanay at tatay. Naiyak ako kaya kinuha ko iyon at nilagay sa bag. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako lumabas ng kwarto at nakita kong nakingiti sila. Ngumiti din ako bago ako lumapit sakanila.

"Bibisita ka dito anak 'a?" tumngo ako sa sinabi ni nanay.

"Anak, eto na yun. Mararanasan mo na ang buhay na dapat na nasayo. Pasensya na anak. Pero sigurado akong magiging masaya ka din bilang ikaw, bilang isang Alliza Cortez" pinunasan ni tatay ang luha ko. Ngumiti nalang ako. Masakit man pero kailangan. Masakit man isipin na Alliza na ang pangalan ko pero parang mas gusto ang Iza.

"Tara na Alliza?" tinignan ko si kuya. Ngumiti ako bago ako lumapit sakanya. Hinatid kami nila nanay at tatay kong saan nakapark ang kotse nila.

Nang makarating kami sa kotse, tinignan ko muna sina nanay at tatay bago ako pumasok sa kotse.

Sa loob ng kotse, katabi ko si Ms. Julian, tinignan ko siya. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako.

"Pagpasensyahan mo na si Allyssa kong ganun ang trato niya sayo. Nnagulat lang siguro siya ng malaman niyang ikaw si Alliza, alam mo naman na una palang ang init na ng ulo niya sayo pero alam ko din na matatanggap ka din siya bilang isang Alliza Dyann Fritx Cortez" ngumiti ako.

"Okay lang po yun. Naiintindihan ko" napatingin ako kay kuya. Ngumiti siya kaya ngumiti ako. Bakit parang di ako makapaniwala na ako si Alliza Dyann Ftrix Cortez?

Nang makarating kami sa bahay nila, bumaba na ako. Pumasok kami.

"A-Alliza? D-Dito ka na anak?" tinignan ko si yaya Mila. Ngumiti ako tumango. Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya. Alam ko ang pangalan niya dahil nakilala ko siya noong una kong punta dito.

"Salamat sa Diyos at nandito ka ulit anak" pinunasan niya ang luha niya na pumatak.

"Masaya po ako dahil bumalik na ako" sabi ko.

"Yaya, si baby po?" kapag ba di ako nawala, baby din ang tawag ni kuya sakin?

"Lumabas kanina, sabi niya kasama daw niya mga kaibigan niya sa Mall" sabi ni yaya Mila.

"What? Di nila ako sinama? Arghh!" napangiti ako sa rection ni ate Julian. Masaya siguro ang pagkakaibigan nla.

"Hmm. Alliza, doon ka muna sa kwarto ni ate mo ha? Ipapachange pa namin ang kwarto mo." tumango ako. May kwarto ba talaga ako dito? Pero sa kwarto ni ate ako?

"O-opo" sabi ko at sinundan siya.

Pumasok kami sa kwarto ni ate. Maganda siya, maluwang. Nilapag ko ang bag ko sa kama niya.

"Tabi muna kayo ni Allyssa ha? Di bale, kakausapin ko siya about dito" sabi ni kuya. Tinignan ko siya at tumango. Nahihiya kasi ako sakanya. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng kwarto hanggang sa napatingtin ako sa isang picture sa table ni ate malapit sa kama niya.

Sa picture, may dalawang batang babae na naglalaro sa labas ng isang bahay. Nakaupo ang dalawang batang babae sa nakalapag na tela at may hawak na teddy bears. Sa dalawang batang babae na iyon. Alam kong ako yung isa. Ako at si ate iyon.

"Alam mo ba kong gaano ka kamahal ni Allyssa? Noong nawala ka, palagi niyang yakap yakap ang litratong yan. Umiiyak siya gabi gabi dahil naaalala ka niya. Minsan katabi ka pa niya sa pagtulog dahil takot na takot ka dahil baka may mumu." tumawa ng kunti kaya natawa din ako ng kunti.

"Araw araw, tinitiis niyang huwag umiyak ng mawala ka, kita namin sa mga mata niya ang lungkot pero proud ako sakanya kasi nakaya niya ang lungkot hanggang sa nasanay siya. Nagkaroon siya ng madaming kaibigan. Noon nga, kinakausap niya din yang litratong yan, kunwari daw, ikaw yun."

"Alliza, mahal na mahal ka ni ate mo, mahal na mahal ka namin. Balang araw, maituturing ka din niya bilang isang kapatid, di man ngayon, pero balang araw" may tumulong luha sa mata ko. Masaya ako dahil nandito na ulit ako. Pero masaya di naman ako dahil kahit nawala ako, nakilala ko naman sina nanay at tatay.

Lumapit si kuya sakin, pinunsan niya ang luha ko.

"P-Pasensya na kuya kong nawala ako, pasensya na kuya kong dahil sakin, namatay si mommy, dahil sakin iniwan kayo ni daddy, dahil sakin naging misirable ang buhay ni--"

"Shhh. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil walang may gustong mangyari yun. Huwag mong sisihin sarili mo ha? Enjoy'in mo ang buhay mo dito samin" niyakap ako ni kuya.

Masaya ako kasi nakabalik na ako. Masaya ako dahil nandito na ulit ako. Masaya ako kasi di nila ako nakalimutan.



She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon