Chapter 9: Five Boys

263 32 1
                                    

~Kriiingg~~

~Kriiingg~~

"Bwiset na alarm!" sabi ko nalang at pinatay yung alarm, eh kasi baka malate nanaman ako gumising kaya inalarm ko kagabi ng 5:45 am, kasi nga 7:30 pasok ko.

Pumasok na akong banyo at naligo at bumaba na, kumain na at sumakay sa kotse ko papuntang school.

Naglalakad ako sa corridor at shempre pinagtitinginan ako ng mga studyante.

Nang malapit na ako sa classroom, tumunog cellphone ko,may text,kaya hinanap ko cellphone ko sa bag ko habang naglalakad.

~hanap hanap hanap~

"Ouch!" sabi ko nalang ng napaupo ako, kasi po may bumangga sakin

"Oppss!" sabi ng isang babae na nakabangga sakin na ngayon ko lang makita, tranferee ata

"Problema mo ha!?" sigaw kong tanong

"wala" matipid niyang sabi,ngumiti at umalis na.

Naglakad nalang ako papasok sa loob ng classroom at saktong nakita ko yung lima na nagtatawanan.

"Hi sistars!" sabi ko pagkadating na pagkadating ko sakanila.

"Bat ngayon ka lang?" tanong ni Juliane na nakapamewang pa

"Wala ka na dun" sabi ko naman at umupo na sa upuan ko.

"Nakita mo na ba yung transferee sa kabilang building? Sa Nursing?" tanong ni Andrea

"Ano pangalan?" tanong ko

"Hindi ko alam" sagot naman niya

"Hindi ko pa nakita" sabi ko naman, totoo naman eh, hindi ko pa nakita

"Bakit ang tagal ni Sir,favorite ko pa naman ang Physics?" tanong ni Jassey na kanina ay busy sa pagpipicture sa tablet ni Kaye

"Okay class, go to your proper sit" sabi ni sir na kadadating lang.

"speaking" pabulong na sabi ni Jassey.

"Okay bring out your lecture notebook and copy this" sabi ni sir samin at tinuro yung blackboard na puno ng sulat.

"Seriously sir? Ipapakopya mo samin yang sobrang dami?" sabi ni Andrea na nakatayo

"Okay,kung gusto niyo, magbibigay nalang ako ng xerox nito" sabi naman ni sir

"Good sir" sabi ni Andrea sabay upo na nakangiti

"Okay, get one and pass" sabi ni sir habang binibigay yung xerox samin

Nang naibigay na ni sir yung copy, nagdiscuss na siya, at kaming lima di nakikinig,si Jasmine lang ang nakikinig kasi siya yung top one namin,ayaw niya mahulog.

Hanggang matapos ang klase di kami nakikinig. Para san pa? Eh mayaman naman na kami.

*Break time*

"San tayo?" tanong ni Kaye ng nasa labas na kami ng room

"Sa Cafeteria natural!" sabi naman ni Juliane

"Nanaman? sa tambayan muna tayo" sabi naman ni Andrea

"Che! gutom na gutom na ako!" sabi ni Juliane at nagtawanan kami

"May araw ba na di ka nagugutom? Ha?" sabi naman ni Jasmine

"Wala diba?"pagpapatuloy niya

"Hala ka, tataba ka,baka pag tumaba ka, di ka na mapapansin ni Vince mo" pag aasar na sabi Jassey

"Bakit, kaya ko naman imaintain ah" sabi naman ni Juliane sabay pout

"K.tara na,baka gutom na gutom na si Juliane" sabi ko sa kanila at nauna ng naglakad sumunod naman sila

*Cafeteria*

Umupo na kami sa upuan naming anim at umorder,shempre di na namin kailangang tumayo para magorder,kusa na silang lumalapit saming anim pag nandito na kami.

"Hoy bat pala di ka pumasok kahapon?" tanong ni Andrea habang kumakain kami

"Late ako nagising eh" sabi ko naman habang kumakain

"Gano--"

"Kyaaaa!!!!"

"Ohmygosh! ang gagwapo!"

"Wahhh Christopher!"

"Akin ka na lang Ryan"

"Iloveyou Lance"

"Ang gwapo mo Alvin"

"Be mine Stephen"

Samot saring tili at sigawan ang narinig namin ng may dumating na isang grupo na may limang membro.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon