Chapter 14:Crush

235 30 1
                                    

Ryan's P.O.V. (n/v: first time po ^___^)

"Dad! Bakit kailangan ko pang magtransfer sa Philippines? Masaya naman ako dito sa Korea ah!?" galit na sigaw ko kay daddy,eh kasi pinagtatransfer niya ako sa Philippines,titira daw ako sa lolo't lola ko sa dun,yung mga magulang ni Daddy,strict kasi sina lolo't lola kaya gusto niya dun ako titira.

"Kasi,you need to concentrate your studies,masyado kang naging sikat sa school mo ngayon,di mo maconcentrate studies mo kong may mga babaeng umaaligid sayo,pati sa classroom niyo inaabangan ka? Tapos dito walang araw na di ka lumalabas ng bahay palagi kang namamasyal sa labas" tss para yun lang pala eh

"Kasalanan ko ba kong gwapo anak niyo dad?" biro kong sambit at tumawa ng konti

"Bolero ka talaga anak" sabay gulo ni dad yung buhok,wala na tuloy ang gulo na ng astig kong buhok

"So dito na ako mag aaral dad?Hindi na sa Philippines?" tanong ko baka sakaling mapaoo ko siya

"No! Dun sa Philippines" what?! Ayoko talaga dun!

Dahil sa inis ko,dabog akong lumabas ng office niya sa trabaho niya,dumaan lang kasi ako dito para humingi ng pera,mamamasyal kasi kami ng barkada ko.

Nagdadrive ako papuntang mall,kong saan kami magkikita kita ng mga barkada kong sina Alvin,Stephen,Christopher at Lance,mga gwapo din pero ako pinakagwapo,di lang nila tanggap :P

Mga after 10 minutes nakarating na Amusent park,oo dun kami mamasyal,bakit?Madaming chix dun Hahaha.

"Tol!" narinig kong sigaw ni Lance sakin ng makarating ako.

"Bakit ang tagal mo?" -Christopher, oo tagalog sila,may pagka pilipino naman sila eh,yung mga magulang nila andito rin sa Korea para magtrabaho,at nga tita't tito at mga pinsan nalang nila ang nandun sa Pilipinas, elementary palang kami magkakaibigan na kami,sa iisang school lang kasi kami eh,dun kami nagkakakilala,parepareho kasi kaming mga gwapo kaya naisipan naming maging magkakaibigan nalang haha joke lang! Parepareho kasi kaming mga bolero at suki ng guidance dahil sa kalokohan kaya naging magkakaibigan kami.

4:30 pm kami lahat na pumunta para gabi mas maganda mas enjoy.

Sumakay na kami sa iba't ibang rides,nang mapagod kami,umupo muna kami sa may bench at naisip kong sabihin ko nalang na mag aaral na akong Pilipinas

"Tol,mag aaral na akong Pilipinas" sabi ko at tumingin naman sila lahat sakin

"Ano?Di mababawasan na ang gwapo dito" natatawang sabi ni Christopher,bolero talaga.

"Bakit,Babalik pa naman ako ah" sabi ko naman

"Wag na pare,dun ka na lang" birong sabi ulit ni Christopher

"Tss" si Stephen,palaging yan naman ang palagi niya expression eh,pero pag yan sinapian ng kabaliwan, parang nakawala sa mental

"Okay dun kana lang" sabi ni Lance, para namang gustong gusto nilang umalis ako.

Nawalan na ako ng gana kaya nag aya na akong umuwi,ank bayan,parang bakla

Nasa kwarto ako ngayon,6:30 na ng gabi,nag iisip ako ng malalim,ayoko talaga magtransfer,si daddy kasi eh.

Tatayo na sana ako para maligo ng tumunog cellphone ko

~Tan tan tanan tan tan tan tan,let's rock rock rock~

Tumunog cellphone ko.

*Daddy's calling*

Dahil inis parin ako,hindi ako nagsalita pero sinagot ko iyun

("Hello?Ryan? Mag impake ka na,ngayon flight mo") Ano? Ngayon na?

("Ha? Ngayon na?") Ang bilis kasi eh,kakasabi lang niya tapos flight agad agad?

("Oo,10 pm ang flight papuntang Philippines,kaya magimpake kana,naienroll kana ni Mama (Lola) sa bago mong school,klase niyo na next week")

Pinatay ko na yung tawag niya,bastos kong bastos wala akong pakealam

Naligo na ako at nagimpake para sa flight ko daw.Di na ako magpapaalam sa apat na barka

Mag na 9 pm na ng lumabas na ako sa mansyon namin,oo as in mansiyon,MANSYON! M.A.N.S.Y.O.N, mansyon, at nagpahatid na sa driver namin papuntang airport.Nang makarating na akong Airport,naghintay muna ako ng ilang minuto at lumipad na yung eroplanong sinakyan ko.

Pagkalipas ng maraming oras nakarating na ako sa Pilipinas,nakita ko si lola na naghihintay ata sakin.

"Hi apo! How are you? I really reallt missed you" sabi ni lola ng makita na niya ako at niyakap ako

"Im okay lola,I miss you too,where's lolo?" tanong ko at kiniss si lola sa pisngi

"Ang sweet ng ng gwapo kong apo,Nasa bahay siya apo,hindi siya sumama dahil gusto niya manapin mo daw siya pagdating mo,baliw talaga ang lolo mo eh hahaha,let's go apo?Naghanda ako ng lunch mo, And your lolo is waiting for you and you need to rest,alam kong napagod ka sa byahe mo" mahabang speech ni lola kaya umuwi na kami.

Nang nakarating kami sa bahay,nakita ko si lolo nagkamustahan lang kami at kumain na,at natulog na ako,napagod kasi ako eh.

*Fast Forward*

First day of school ko ngayon,Inienroll pala ako ni Lola sa Slei Academy,isa kasi yun sa pinakasikat na school dito sa Phillipines eh,alam kong pagtitilian nanaman ako ng mga babae dun dahil sa kagwapuhan ko.

Naglalakad ako dito sa loob ng campus di ko alam yung room na 4-1 kaya nagtanong ako sa babaeng ang kapal ng make up

"Hey babe,saan yung room ng 4-1 dito?" tanong ko sabay kindat ko at ayun tumili yunh babae,di naman maganda

"Diretso ka lang babe tapos sa may makikita kang 4-1 dun sa ikaapat na room dito babe" sabi ng babae kaya naglakad na ako papunta sa sinabi niya,masyado akong gwapo para nagthank you,sa tanang ng buhay ko,hindi ko pa nararanasan magthank you sa mga di ko kaano ano. Nagtitili parin yung babae ng iniwan ko na

Naglalakad ako may napansin akong babae na naglalakad mag isa sa malapit sa ibang building,tinignan ko siya ang ganda niya,sexy pa,parang crush ko na siya,yohohoho!

Pumasok na ako sa loob at napatitig lahat sila sakin,yung mga babae halos batukan na nila yung katabi nila yung mga katabi nila dahil sa kilig.Umupo ako sa harap sa side katabi ng isang nerd,nagulat ako ng biglang pumasok yung babae na crush ko na may kasamang babae,maganda din pero yung isa yung crush ko,yung nakita ko kanina.Pumasok siya at umupo si likod pero hindi sa pinakalikod,habang wala pa ng teacher namin,wala naman akong makilala dito kaya nagheadset nalang ako at nakatitig sa crush ko.

Nang dumating na ang teacher namin,sinabi niya na magpakilala daw kami,nagpakilala na yung nerd,di ko alam na tranferee din pala kagaya ko yung nerd.Nang matapos siya ako naman

"Hi girls"maangas kong sabi at nagtilian naman yung nga babae.

"Hey, I'm Ryan James Fortalejo"sabi ko ulit sabay tingin ko sa crush ko,nagulat pa yata.

"Half Pilipino,Pure Pogi" sabi ko ulit at nagtilian ang mga babae at umupo na ako. Nagdiscuss naman si sir at di ako nakinig.

Nang break na namin,papunta na sana akong cafeteria ng mapansin ko sina crush na may kasamang limang babae,barkada niya siguro pero medyo naturn off ako kunti ng makita kong sinampal niya yung nerd na katabi ko kanina,at sumunod naman yung dalawa niyang kaibigan.Pero natuwa ako kasi naaala ko sina Lance,Christopher,Stephen at Alvin, dapat nandito sila para kami ang kakalaban sakanila, hoy, mali kayo ng iniisip,yung kakalabanin namin sila,that's not mean na sasaktan namin sila,kukulitin lang namin sila para mainis sila,nagkaroon tuloy ako ng balak para mapauwi sila dito.

~~~~~~~

Author's note: Guys,sorry, walang bad words itong story na to ^^ gumawa po ako ng story dahil gusto ko hindi yung para magsulat ng story na may bad words,sorry po,sana maintindihan niyo ko :) I'm born again christian :* At proud ako ^^

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon