Chapter 57: Street Food

118 12 0
                                    

Julian's POV


"Magkita nalang tayo sa coffee shop mamaya Pards" tumango ako ng inihatid ako ni Christopher sa school. Di siya papasok ngayon dahil may family reunion sila ng family niya ngayon.

"Sige Pards." sambit ko naman at hinalikan niya ako sa pisngi.

"I love you Pards" ngumiti siya.

"Ewww. Hahaha. Baduy mo" sabi ko kaya nagpout siya.

"Oo na Iloveyou too na. Bye Pards" at umalis na siya.

Pards ang tawagan namin kasi ayoko sa mga tawagan ng mga lovers na sweet tulad ng baby, babe, mahal ko, love ko at iba pa. Eww ang baduy kaya. Kaya Pards ang tawagan namin ng boyfriend ko.

Naglalakad na ako ngayon sa corridor ng school ng makita ko si Allyssa na naglalakad rin kaya hinintay ko at sinabayan sa paglalakad.

"You're here?" tinaasan niya ako ng kilay. Taray talaga.

"Obviously" sagot ko naman.

Di na siya sumagot hanggang makarating kami sa classroom.

"Ang tahimik mo yata." pansin din pala ni Jassey.

"I need you help" kumunot noo namin.

"What is it?" kalmang tanong ni Kaye.

"I need to find Alliza" halatang nagulat din ang mga kaibigan ko. Ngayon lang kasi siya nagsabi samin sa paghahanap niya kay Alliza 'e.

"Really? Exciting!" sambit ni Jasmine.

"But how? I mean what should we do?" tanong ni Jassey.

"Just find a girl who has a birthmark on her stomach" simpleng sagot niya.

"Alliza has a birthmark on her stomach?" tanong ni Jasmine.

"Exactly" sagot naman niya.

Nakwento na samin noon ni Ally samin na may rose birthmark si Alliza pero wala kaming idea kong sino ang may birthmark sa tiyan dito.

"Buti naisipan mo magpatulong samin" mataray na sambit ni Kaye.

"Kasi alam kong kayo lang ang makakatulong samin. Pulis? They doesn't do anything that time. When Alliza lost? They didn't helped us to find Alliza" All of us know how much Allyssa loved Alliza kaya gustong gusto talaga niyang mahanap siya.

"We'll help you" sagot ko.

"Thanks" sagot niya.

Tutulungan ko siya. Ang barkada? Alam kong tutulungan din nila siya.


~

Nang matapos ang klase nagpunta ako sa field. Madami kasing mga babaeng nanonood dito ng practice ng football tuwing hapon. Yung iba nakapang cheer uniforms pa sila kaya kita ang mga tiyan nila.

Umupo ako sa bleachers at nakinoon narin. Ang galing talaga ni Vince sa football. Yes, he's a football player. A football captain kaya sikat din siya dito sa school na to.

Naaalala ko tuloy when I was on 1st year high school. Kasama ko noon ang barkada. Nanonood kami ng laban ng football. Slei Academy vs. Haiko University. Haiko University, kalaban ng Slei Academy sa football. Nanonood kami noon, napansin kong palaging nakakashoot si Vince noon sa goal kaya palagi ko rin naririnig ang pangalan niya sa announcer.

Simula ng araw na yun, nagkacrush ako sakanya. Section B siya noong 1st year kaya madalang ko lang siya makita noon pero noong 2nd year, napromoted siya sa section namin kaya masayang masaya ako noon pero di ko pinapahalata na crush ko siya.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon