Chapter 30: Childhood Friend

194 20 0
                                    

Allyssa's POV

Di ako makatulog dahil bumalik na siya, di ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon, naiinis ako sakanya, nagagalit, gusto ko siyang sampalin dahil sa panloloko niya sakin, ang lakas ng loob niyang magpakita sakin, di lang siya nahiya, dahil di ako makatulog, bumaba muna ako, pumunta sa kusina para uminom, alas onse na rin,umupo ako muna ako at uminom

"Bakit ka pa nandito?" tanong ni kuya na halata mong di pa natutulog

"Nauhaw ako kuya eh" mahina kong sagot

"May gumugulo ba sa isip mo?" tanong ni kuya pero di ako sumagot

"Baby kilala kita,tell me, what is it?" sabi ni kuya at umupo din siya

"Kuya bumalik na si Jason dito sa Pilipinas" mahinahon kong sabi kaya natahimik siya

"Ang lakas ng loob niyang bumalik pa dito,pagkatapos ka niyang lokohin" alam kong galit siya

"Kuya, kasi nang makita ko siya kanina,parang ang lungkot niya" sabi ko kaya napatingin siya sakin

"Bakit? Nag aalala ka?" seryoso niyang tanong kaya di ako nakasagot

"Mahal mo pa ba siya?" seryosong tanong niya kaya mas lalo akong natigilan

"Mahal mo pa ba siya?!" galit na siya pero di ko alam ang isasagot ko

"MAHAL MO PA SIYA?!" Tumaas na ang boses niya, tumayo na rin siya sa kinauupuan niya,naiyak na rin ako

"Sumagot ka Allyssa!!" sigaw niya kaya tumayo na din ako

"Oo kuya! Mahal ko padin siya!" sigaw ko kaya sinuntok niya yung pader sa galit niya

"Bakit Allyssa? Di ka paba nakuntento na sinaktan ka niya? Na pinaiyak ka na niya?" sabi ni kuya kaya lalo akong naiyak

"Sinubukan ko namang magmove on,ang akala ko kuya,di ko na siya mahal,akala ko kuya nakalimutan ko na siya,pero kanina kuya,nang makita ko ulit ang mata niya,narealize ko,mahal ko padin siya" sabi ko na iyak na ako ng iyak

"Mag move on ka ulit,wag kang magpapakita sakanya, iwasan mo siya" mahinahon niyang sabi

"But! Mahal ko siy---"

"I'm just protecting you Allyssa! I don't want you to see sacrificing the pain again, I don't want to see you crying, I don't want you to see you sad, I want you to be happy, Allyssa, please, stay away from him, moved on, Kapatid kita at ayokong nakikita kang malungkot" sabi ni kuya kaya lalo akong naiyak,niyakap ko siya at dun ako humagulgol

"Kuya,help me, gusto ko nang makamoved on sakanya,kuya ayoko na na saktan niya ulit ako" sabi ko, at nagflash back ulit yung sinabi niya sakin nong nasa school kami

Flashback

"Bhie, ayoko na mawala ka sakin, mahal na mahal kita" sabi niya sakin habang nakahiga kami sa field ng school namin

"Hmmf! Baka lokohin mo ako katulad ng ibang mga boys na niloloko nila yung mga girlfriends nila" sabi ko at nagpout ako kaya tumawa siya ng mahina

"Hindi kita sasakntan bhie,mamahalin kita hanggang mawalan na ako ng hininga,mahal kita eh,pangako ko yan" sabi niya na nakangiti sakin

"Di tayo maghihiwalay bhie ah?" sabi ko naman habang nakapatong yung ulo ko sa dibdib niya,vacant kasi namin

"Oo naman bhie, kahit anong mangyari, di tayo mahihiwalay,gusto ko,kasama parin kita hanggang end of the world" sabi naman niya kaya kinilig ako

"Promise?" sabi ko

"Promise!' masiglang sabi niya,nagpinky swear kami at hinalikan niya ako sa noo ko.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon