Chapter 56: Canada

120 11 0
                                    

Andrea's POV


"Are you ready?" tumango ako sa tanong ni Jason. Sinundo niya kasi ako dito sa bahay, pupunta na kaming Canada. Sino Dad ay nasa bussiness trip pa sila kaya una na naming sasabihin sa parents niya.

"Oo" sagot ko. Pumasok na kami sa kotse niya at nagpunta na sa airfort.

Di nagtagal ay nakasakay din kami sa eroplano.

"kinakabahan ako" sabi ko kay Jason.

"Don't feel nervous. I will never leave you." sabi niya at hinalikan ang kamay ko. Ngumiti nalang ako at natulog.

~

"Babe?" unti unti kong minulat ang mga mata ko ang bumungad sakin ang napakalapit na mukha ni Jason.

"Gising na. Nandito n tayo" bigla akong natauhan kaya inayos ko na ang sarili ko. Kami nalang pala ang nandito sa loob ng eroplano kaya lumabas na kami.

First time ko dito sa Canada kaya masasabi ko talagang maganda dito.

"Welcome to my hometown" ngumiti siya. Binatukan ko nga.

"Aray ko babe" tumawa nalang ako at sumakay sa kotse na sumundo samin.

Ewan ko pero mas lalo akong kinakabahan pero di naman dapat ako kabahan 'e.

"Relax babe, nakakasama yan sa baby na'tin" nagulat ako sa sinabi niya kaya binatukan ko ulit.

"Anong baby ka jan" at binatukan ko ulit.

"Ikaw kasi 'e, kong kabahan ka parang aaminin lang natin na magkakababy na tayo" binatukan ko ulit. Kelan pa 'to naging bolero?

"Joke lang babe, pinapatawa lang kita" ngumiti nalang ako, hinawakan niya ang kamay ko.

Hanggang sa makarating kami ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Bumaba na kami ng kotse ay sumalubong samin ang parents niya.

"I miss you so much baby" hinalikan siya ng mom niya sa pisngi.

"Welcome back son" sabi ng dad niya at nakita ako ng tita Janice (mommy niya) ay ngumiti siya.

"Hi Andrea" nilapitan niya ako at bineso.

"Hello po" sabi ko naman sakanila pati sa dad niya.

"Pasok muna kayo" sabi ng dad niya kaya pumasok na kami.

"Alam ko na di pa kayo kumakain kaya eto pinagluto ko kayo" ngumiti ako sa sinabi ng mom niya. Iba ang first impression ko sakanila noong una kaming nagkita. Akala ko masungit sila pero ngayon ay ang bait bait pala nila.

Umupo kami sa dining area.

"Buti napadalaw kayo" sabi ulit ng mom niya habang tinutulungan ang mga katulong nila sa paghahanda sa lamesa. Nang maihanda nila ang kumain na kami.

"Actually mom, I have something to tell you" sabi ni Jason. Nagulat yata yong mom niya kaya nagsalita siya agad.

"Andrea are you pregnant?" ako naman ang nagulat kaya nabilaukan ako. Binigyan naman agad ako ni Jason ng tubig at ininom ko iyon.

"No mom, she's not pregnant" sambit ni Jason.

"Oh I'm sorry, then what is it?" eto na. Bakit ba ako kinakabahan?

"Me and Andrea are officially on" buti hinawakan ni Jason yung kamay ko kaya nabawasan ng kunti ang kaba ko.

"Yes, we know. Mag fiancee nga kayo diba?" umiling si Jason.

"No mom, not like that, kami na I mean totoong kami na." kumunot noo ng mommy niya.

"What are you talking about son?" tanong ng dad niya na mas lalong akong kinabahan.

"Kami na, as in boyfriend girlfriend. Hindi magfiancee kasi mahal namin ang isa't isa" paliwanag ni Jason.

"Yes! I got it!" sabi ni tita Janice.

"Gets ko na. Kayo na na talagang kayo na." tumango si Jason.

"Buti naman at kayo na. I am happy for you son dahil after nong nagbreak kayo ni Allyssa, natuto kang magmahal ulit" okay naman sakin na binanggit ni tito Jack (Dad niya) ang pangalan ni Allyssa.

"I'm happy to both of you. Ingatan mo si Andrea ha?" this time ay nakahinga ako ng maluwag.

"Yes mom. I do. Mahal na mahal ko 'to 'e" sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"So sweet." sabi ni tito Jack.

"How are you Andrea?" tinignan ko si tita at ngumiti.

"I'm okay Tita--"

"Just call me mom" namula yata ako pero nagsalita naman agad ako.

"I-I'm okay mom." ngumiti ako. Nngumiti rin siya.

"Just call me dad too. Andrea, since you're here. Feel at home okay? Don't be shy" sabi ni tit-- daddy.

"Thank you dad" ngumiti ako at nang matapos kaming kumain ay nagpunta na kami sa kwarto ni Jason.

"S-sa iisang kwarto ba talaga tayo" ang awkward kasi 'e.

"Oo, ayaw mo non?" nagpout siya. Ang cute.

"Hindi naman sa ganon pero ang awkwark kaya" ako naman ang nagpout.

"Gusto kita katabi babe 'e. Please dito kana"

"Hays. Oo na dito na kami" ngumiti ako

"Yehey!" may pagkaisip bata din pala tong si Jason.

"Shhh, tahimik na" sabi ko kaya tumahimik din siya.

Naglakad lakad ako sa loob ng kwarto niya at napatingin ako sa isang picture. Picture ni Jason at Allyssa na ang sweet sweet. Hinawakan ko iyon at tinignan.

"That was the time na kami pa ni Allyssa, noong mahal ko pa siya pero wala na yan para sakin. Past is past." lumapit siya sakin at kinuha ang picture frame at tinago niya sa isang drawer.

Bakit ganon? Parang nagseselos ako pero di naman dapat. Bakit nagseselos ako sa sarili ko kaibigan. Andrea, mali na 'to. Huwag kang magselos. Hays.

"Huwag kang magselos babe." tinignan ko siya.

"Di naman ako nagseselos ah." sabi ko naman.

"Di daw. Kilala kita babe" inirapan ko nalang siya.

"Tamo nagseselos ka 'e" tinawanan niya ako at binatukan ko nalang siya.

"Jan ka na nga!" sigaw ko at lalabas pa sana ako ng kwarto niya pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry babe. Ikaw naman na ang mahal ko 'e" tinitigan ko ang mata niya. Alam kong sincere siya at mahal niya talaga ako kaya ngumiti na ako.

"Sorry din" at niyakap niya ako.

"Ikaw lang naman ang mahal ko 'e. Ex ko lang siya" ngumiti ako.

"Sige matulog kana babe para makapagpahinga ka na. Bukas na bukas mamasyal tayo" kumalas ako, ngumiti at tumango.

"Goodnight babe" sabi ko at nagpunta na sa kama niya at nagkumot.

"Goodnight babe. I loveyou" sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Pumikit na ako at natulog.

~~~

(N/A: Hi half'ers! 3 chapters for you. Happy Birthday to me! Haha.Kahapon ko sana to pinublish kasi kahapon ang birthday ko kaso walang current kaya ngayon nalang.  Treat ko na yan sainyo. Ewww tumanda nanaman ako ng isang taon. Haha. Kahit man kunti lang ang reads ko. Salamat padin at nagbasa kayo. Mahal na mahal ko kayo. Happy 15th Birthday to me :) -PinkDarkPrincess )


She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon