Una akong pumasok sa loob ng watch shop. Pupunta ako sa lugar kong saan makikita ang relong g-shock. Napagpilian ko yung color violet at pink.
"Ano kukunin ko, violet o pink?"tanong ko sa kanila
"Yung pink nalang mas cute" suggest ni Jasmine
"Oo pink nalang" sabi naman Jassey
"Ang hilig niyo talaga sa pink" sabi ni Kaye
"Yung violet mas astig" sabi naman Juliane
"Correct ka jan Juliane" sabi naman ni Andrea at nag apir sila ni Juliane at ngimiti sakin
"Sige nga" sabi ko naman
Kaya iyong kulay violet ang kinuha ko,wala kasing color yellow eh, pink,violet,blue at black lang ang meron, hindi naman ako tomboy para black at blue ang kukunin ko kaya pinag pili ko sila.
Nagbayad na ako sa counter sa lumabas na kami.
"So san ulit tayo?" tanong ko
"Nagugutum na ulit ako" sabi naman ni Juliane
"Ang takaw mo talaga Juliane" sambit naman ni Jasmine sabay irap sa kanya
"Baka may bulate ka sa tiyan" sabi ni Kaye na tawa ng tawa
"Eeeww yuck!" nadidiring sabi ng kambal
"Tara na nga! gutom na din ako, 3:40 na oh!" sabi ko at ipinakita ko ang oras sa wrist watch ko at nauna ng maglakad
Dumiretso ako sa Jollibee at sumunod naman yung lima.
"Hoy babae!" pagtataray ko sa cashier na busy sa pagcecellphone na may pangitingiti effect pa
"B-bakit po?" takot na tanong niya
"Ano bakit po jan?! Ano trabaho mo dito? Magcecellphone o aasikasikaso samin?" pagtataray ko sakanya at nakapewang pa
"M-mag a-asikaso po s-s-sainyo" nakayuko na sabi niya
"Naman pala eh!" galit na sigaw ko sakanya
"Tama na ally" mahinahon na sabi ni Andrea na nasa left side ko lang
"Nawalan na ako ng gana!" sigaw ko at umalis, sumunod naman yung lima. Habamg naglalakad ako palabas sa Jollibee na to, pinagtitinginan nila ako pero wala akong pakealam dahil sobrang inis ko na.
Hindi na sana ako magmemerienda pero dahil gutom ako, dumiretso ako sa Mcdo sumunod naman sakin yung lima.
Pagpunta ko sa counter para mag order, akala ko iba nanaman yung ginagawa nila pero hindi, busy lahat ang mga cashier sa costumers, napangiti naman ako ng konti at pumunta na kami sa counter na konti lang ang costumer.
Nang turn ko lang mag order.
"Paorder ng Chicken Burger,Sundae, French fries na large, sphagetti at Coke float" sabi ko sa cashier at binigay ang 1 thousand ko,ibinigay naman niya yung sukli ko at hinintay ko ang order ko at after 5 minutes binigay na niya at umorder naman yung apat, pumunta na ako sa upuan na good for six.
Habang hinihintay ko sila nilabas ko muna yung cellphone ko para picturan ang inorder ko para may maipost
1 2 3 click at nagpicture naman ako mag isa.
*Smile* click!
"Wow! nag seselfie si mataray!" sabi ni Juliane na kararating lang kasama si Andrea at Kaye na hawak hawak yung mga inorder nila.
"Eto pumunta kayo dito,picture tayo" sabi ko sakanila
"Pano naman kami?" sabi ni Jasmine na kararating lang kasama si Jassey
"Edi halikayo, picture tayo gamit yung monopad ni Kaye" sabi ko
"Sure!" sabay na sabi ng kambal at umupo na sa bakanteng upuan at iniabot naman ni Kaye yung monopad niya na kulay red, nilagay ko naman yung cellphone ko sa monopad
"1 2 3 say kimchie!" sigaw ko
"Kimchie!" sigaw naman nila with peace sign pa.
*Click*
"Ang ganda talaga natin" sabi ko ng makita ko yung picture namin shempre no effect yun hindi kami gumagamit ng mga retrica at camera360 na camera.
"shempre!" sabi naman ni Kaye
"Please kumain na tayo, gutom na gutom na ako" natawa kami sa sinabi ni Jullianne
"sige na nga!" sabi naman ni Andrea at kumain na sila.Ako hindi pa ako kumain dahil pinost ko muna yung picture namin sa Facebook, nang ma post ko kumain na ako.
Mga 30 minutes din kaming kumain bago kami lumabas.
"Sorry sa ginawa kong eksena sa Jollibee kanina" paghihingi ko ng sorry sa kanina
"Duh! tama lang yung ginawa mo ano! Iba naman talaga yung ginagawa ng babae eh, dapat matanggal yun sa trabaho" sabi naman ni Jassey
"Trulala!" sigaw naman ng apat
"so, saan next?" tanong ni Jasmine
"Anong next?" nagtatakang tanong ni Andrea
"I mean, saan next tayo pupunta sabi ko" pagwawasto ni Jasmine sa sinasabi niya. Tinignan ko naman yung wrist watch ko 5:30 na.
"Guys, uwi na tayo, sinabi ko kay mommy hanggang 5 lang ako" sabi ni Andrea habang nakatingin sa relo niya
"Pati kami rin eh" sabi naman ni Jassey at tumango naman si Jasmine
"Pati ako, kay daddy hanggang 5:30 lang yung sinabi ko" sabi naman ni Juliane
Naiingit ako sakanila dahil may mga magulang na nag aalala sakanila pag umaalis silang bahay pero ako wala,.
"Hoy Allyssa, nakasimangot ka jan?" tanong ni Andrea
"Wala, sige uwi na tayo baka magalit mga magulang niyo" aya ko sakanila at tumango naman sila
Habang naglalakad naman kami palabas ng mall, hinanap ko yung number ni manong Roly sa phonebook ng cellphone ko para magpasundo,. Nang mahanap ko dinial ko na.
~krrr krrr~~
"Hel-- "
"Sunduin mo na ako dito sa mall" di ko na pinatapos yung sasabihin niya at nagsalita na ako,. at pinatay ko na.
Sumakay na si Andrea,Juliane,Jasmine at Jassey sa kanikanilang kotse at kami nalang ni Kaye ang naghihintay ng sundo, ayaw kasi ng daddy niya na nagdridrive siya kaya naghihintay niya ng sundo niya.
Tinignan ko muna yung cellphone para maglaro ng zombie tsunami.
"Sige una nako" sabi ni Kaye ng biglang may humintong kotseng black sa harap namin
"Sige ingats, kitakitz nalang sa school bukas" sabi ko sabay wave
"Sige" sabi naman niya at pumasok sa kotse nila. Ako naman naglaro na ulit ng zombie tsunami.
~laro laro~
*Beep beep*
"kyaaa!! sino ba yung nagbusina?!" sigaw ko, pano naman kasi,nagbubusina siya eh naglalaro ako, nagulat tuloy ako kaya nahulog yung mga zombie ko!!
"Sorry po ma'am, busy po kayo sa pagcecellphone eh kanina ko pa kayo tinatawag" sabi ng nasa kotse na si manong roly pala
"Tss" yun nalang ang sinabi ko at pumasok na sa kotse
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Novela JuvenilAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...