Allyssa's P.O.V.
Nagising ako dahil kay Shaly,meow siya ng meow,nagugutom na yata kaya pinakain ko na at bumaba na ako.
"Good Morning yaya!" bati ko kay yaya na nagluluto sa kusina
"Good Afternoon anak" bati naman niya pero good afternoon? Tumingin ako sa wallclock,hala!? 12 pm na? Kaya pala nagugutom na si Shaly.At tumawa lang si yaya at tumawa na dib ako
"Si kuya po?" pag iibang usapan ko
"Nako,bumalik na siyang New York,natutulog ka pa kanina nang umalis siya" nagulat ako sa sagot ni yaya,hindi man lang nagpaalam si kuya sakin? Tss.
"Ahh ganon ba?" malumanay kong sambit at naglakad na ako papuntang sala para manood ng
O__O
"Bakit nandito ka pa kuya? Kala ko nasa New York kana?" tanong ko pero di niya ako sinagot dahil nakatulala lang siya sa hawak niya kwintas
"Hoy kuya!" pero parang di niya ako narinig kaya pumunta akong kusina at kumuha ng malamig na tubig,bumalik ako sa sala tulala parin siya kaya binuhos ko sa mukha niya yung malamig na tubig
"Woahhh lamig!" natawa ako sa reaction niya
"Allyssa!" parang galit na sigaw niya,Oh-oh! Kaya nagpeace sign nalang ako sabay labas lahat ng ngipin ko na pati ata gilagid ko nakita na niya.
Pero nang matauhan siya,parang may hinahanap niya,hindi pala,may hinahanap siya,di ko alam kong ano pero di ko alam sa mata ako kamay ko at naghanap na rin ng di ko alam ang hahanapin ko,pero may nakita ako isang maliit na bagay na nagliliwanag dahil sa silaw nh init,linapitan ko iyun,at kwintas iyun kaya hinawakan ko at nagulat ako dahil kay Alliza tung kwintas na to,ang kwintas meron din ako at ni kuya, isang kwintas na ginawa ni mommy noon para samin para isang palatandaan na ikaw ang anak niya,may heart na nagsisilbing pendant ng kwintas na may nakasulat ng pangalan namin,si kuya, Andrew yung nakalagay,ako, Allyssa, si Alliza, Alliza din pero ngayon nabura ang 'All' sa pangalan niya dito sa kwintas at ang natira nalang ay 'Iza'
"Kay Alliza yan" napatingin ako kay kuya ng sabihin niya iyun
"Alam ko,bakit nasayo to kuya? Nahanap mo na ba siya? Diba dapat nakay Alliza to? Bat nasayo?" sunod sunod na tanong ko at di ko namalayan umiiyak na pala ako siguro dahil sa saya dahil sa wakas mahahanap na namin si Alliza
"Hindi,kasi kasama ko siya kanina pero di ko alam na siya pala yun,nang paalis na siya na siya nahulog niya yan kaya pinulot ko" sagot niya na kinasaya ko naman dahil ibig sabihin nandito lang siya sa tabi tabi
"Alam mo ba pangalan niya kuya? Kilala mo ba siya? Taga saan siya?" sunod sunod na tanong ko ulit,wala eh gusto ko malaman
"Teka,isa isang tanong pwede? Hindi ko alam ang pangalan niya,hindi ko siya kilala at taga jan lang daw siya malapit sa mall" sagot naman niya
"Puntahan nat-----"
"Nako Andrew anak,bakit nandito ka pa? Akala ko uuwi kanang New York?" di ko na natuloy sasabihin dahil sa sunod sunod din na tanong ni yaya kay kuya nang pumunta siya dito sa sala
"Pagtingin ko po kasi kanina sa relo ko alas onse na kaya umuwi na ako,alas nuwebe kasi yung flight ko eh" Ah kaya pala
"Saan ka ba kasi nagpunta kaya nahuli ka sa flight mo anak?" tanong ni yaya kay kuya
"Kasama ko kasi si Alliza ya eh" nagulat si yaya sa sagot ni kuya
"Ha? Pero papano? Nasaan siya? Nahanap mo na ba siya? Bakit di mo siya kasama?" sunod sunod din na tanong ni yaya kaya napatawa ako ng konti dahil pareho kami na ang daming tanong.
Para di kami magtanong ni yaya,kinuwento na ni kuya ang lahat.
"So kuya! Siya talaga si Alliza,pareho kaming spongbob addict" komento ko pagkatapos magkwento si kuya
"Oo nga eh,gusto pa niyang ibigay ko to" sabi ni kuya at ipinakita sakin yung keychain na binigay ko sakanya noon bago pa siya pumunta sa New York noon
"Bigay ko yan eh!" sigaw ko sakanya sabay pout
"Paano kung hanapin kaya natin siya? Alam mo pa ba yung mukha niya? Naalala mo pa ba?" singit rin ni yaya kaya napanod ako sa komento ni yaya
"Oo nga kuya" sang ayon ko naman
"Di ko na maalala yung mukha niya eh,pero pag nakita ko ulit siya sigurado maalala ko ulit mukha niya" sabi ni kuya
"Ano pangalan niya?" tanong ni yaya
"Di ko tinanong" sagot naman niya kaya nadismaya ako
"Sayang naman kuya,bat kasi di mo tinanong,baka kilala ko pa" singit ko naman
"Nahihiya ako eh"
"Ngayon ka pa nahiya kuya?! Ang kapal kaya mukha mo" sabi ko kaya sumama tingin niya sakin
"Teka,ano ba date ngayon?" biglang tanong ko
"December 13" sagot ni yaya
"Kuya,bilugan mo yun date ngayon sa kalendryo" sabi ko at binigyan naman niya ako ng 'bakit' look
"Para mabilugan natin ang date ngayon na maghahanap tayo kay Alliza" masiglang sagot ko
"Hahanapin natin siya ngayon basta kunin mo yang kwintas kuya" sabi ko sabay hila ko sa kamay nilang dalawa papasok sa kotse,di ko na nilock yung pintuan dahil meron naman yung mga maid,subukan lang nilang magnakaw pupugutan ko sila ng ulo.
So yun na nga hinanap namin siya,nagtanong tanong kami,pero sa huli di namin siya nakita,umuwi kami na malungkot.
**********
(N/A: Merry Christmas Hafters :D Dedicate ko to lahat sainyo :) Mahal na mahal ko kayo :) )
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...