Allyssa's POV
Naglalakad na ako ngayon dito sa corridor ng school, maaga pa naman eh,oo nakalabas na ako sa hospital, yung text ni daddy kay kuya? Binalewala ko na yun noon, dinelete ko at di sinabi kay kuya, oo umiyak ako ng gabing yun dahil sa wakas ay alam kong nag aalala pa din sakin si daddy.
Habang naglalakad ako ng corridor,di ko mapigilang mapatingin sa tabi tabi dahil dahil sa mga design sa paligid,puro mga puso ang nakikita ko, Febuary na rin kasi, malapit na din ang birthday ko, ilang araw nalang.
"Allyssa!!!! Your back!!!!" bigla akong niyakap ni Kaye ng pagkarating na pagkarating ko sa classroom namin
"Aray! Takte!" sabi ko nalang at kunwari galit pero sa totoo lang miss na miss ko na tong mga kaibigan ko
"Uy! Welcome back! Musta?" sabi rin ni Jassey
"Makawelcome back naman kayo parang ilang taon akong nawala eh apat lang naman" sabi ko na natatawa
"Che! Umupo kana nga!" sigaw ni Kaye kaya umupo na ako sa upuan ko, wala pa si Andrea, tss late nanaman
"Hay nako! Buti buhay kapa? Bakit? Sobra kabang nagulat dahil sa nalaman mo?" lumapit pa talaga si Jane dito sa upuan ko para sabihin yun ah?
"Oh Hi! Una sa lahat, di ko inagaw ang pamilya mo, at saka sayo lang si Jason" mataray kong sagot, tumayo pa talaga ako para sabihin yun
"Oh really? Di mo inagaw?"
"Yes, gustong gusto kasi nila ako kaya lumapit sila sakin at di ka nila napansin dahil ang sama ng ugali mo!" sabi ko na nakataas na ang isang kilay ko at parang may nilagay si Julian sa kamay ko at alam ko na ang nais niya iparating,ngayon palang natatawa na ako sa gagawin
"At ako pa talaga ang may masamang ug-- Kyaaaa!!-- Kyyaaa!!! Oh my! Kya---" ano yun? hinagis ko lang naman sa mukha ni Jane yung binigay ni Julian sa kamay ko na mga laruan na ipis, kaya eto siya ngayon parang baliw na talon ng talon para tanggaling ang mga laruan na ipis sa katawan niya
"HAHAHAHAHA!!" tawa ng buong klase kaya nakitawa na din ako kasi naman nakakatawa yung mukha niya
"Mga walang hiya kayo! Uhmm! Just wait! Lalo na ikaw Allyssa!" sigaw ni Jane na galit na galit, aalis na sana siya bigla ko siyang sinampal,trip ko eh,pake niyo ba?
"Just wait just wait mo mukha mo! Bago ka kasi lumapit sa upuan ko,tignan mo muna kong sino ang kinakalaban mo!" mataray na sabi ko,alam kong natigilan agad ang mga klasmate ko, umalis na si Jane sa harap ko na inis na inis na umupo sa upuan niya
"Hahaha! Di ko maexplain ang mukha niya kanina,nakakatawa" tumatawang sabi ni Julian sakin at nag apir kami
"Oh, ano nanaman ang kababalaghang ginawa niyong dalawa at nag aapiran kayo jan?" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa harap namin,pagkita ko, si Andrea na kararating lang
"Haha, kong alam mo lang" sabi ni Jassey kaya napakunot ng noo si Andrea
"Sige kwento kwento" sabi naman niya ng umupo siya kaya eto kinuwento na ni Julian ang nangyari, kukulitin rin naman kami ng kukulitin ni Andrea pag di kami magkwento eh,kaya eto, nagkwekwento si Julian
"Hahaha!! Seriously? Ginawa mo yun Ally?" react niya pakatapos magkwento ni Julian
"Of course!" proud na sagot ko
"Buti naman, ah oo nga pala, welcome back! Did you see the heart outside?" tanong niya kaya tumango ako ng bahagya
"Ang ganda no? Kami ang nagdesign non nong wala ka" sabi niya kaya nagulat ako
"Kayo? Weh? Kelan pa kayo tumulong sa mga ganon?" di makapaniwalang tanong ko
"Ngayon lang" sagot ni Jassey kaya napatawa ko
"Okay class, I have something to tell you, so please take your seats" tumahimik kaming lahat dahil sa pagdating ni sir kalbo
"Since Febuary na,nakausap namin si Mr. Slei about dito, May meeting kayong mga forth year at 3rd year about sa JS niy----"
"Yeheyy!!!"
"Kyaaa!!!"
"Oh my!!!"
"Im so excited!!!!"
"Quiet class!! Di pa ako tapos" sabi ni sir sa mga classmate naming tili ng tili, malalandi talaga, lalo na si Jane at Rica na nangingibabaw ng boses nila
"So today, proceed now to the gymnasium for your meeting" sabi ni sir kaya dahil sa excite nang mga classmate namin ay agad silang nagpunta sa gym
"Is that true Andrea?" tanong ni Kaye kaya nagkapit balikat si Andrea
"Nakausap na pala ni dad si Ms. Maniego about Js, wala akong alam ah" sabi ni Andrea kaya tumawa kami at nagdiretso na kami sa gym.
"Okay,you may go now" sabi ni Ms. Maniego samin ng matapos ang meeting namin, sa febuary 13 na ang Js namin, bakit birthday ko pa? Oo, birthday ko ang Febuary 13, saklap no? Isang araw bago ang araw ng mga puso? Tss, okay cocktail daw ang damit namin, high heels dapat, bago mag 6 ay dapat nandito na daw kami, at kailangan ay may partner kami, yung valentines date daw, tss! ang mga staff nalang ng school ang magdedesign sa gym namin, yung gym kasi namin ay may mga stage rin at aircon sa loob, aba dapat lang na may aircon, Slei Academy to eh!
"So excited na kayo?" walang gana kong tanong sakanila habang naglalakad kami papuntang classroom, magklaklase pa daw kami eh
"No" sagot ni Kaye dahil tulad ko ayaw din niya ng may partner
"Yes! Of course! Baka makapartner ko si Vince" masiglang sabi ni Julian,as ever, crush pa din niya
"Kakausapin ko si dad mamaya, nadapat wala ng mga partners for JS" sabi ni Andrea na ayaw din niyang magkapartner
"Mabuti nam----"
"ALLYSSAAAAA!!!!!" di na naituloy ni Jassey yung sasabihin niya may biglang sumigaw sa pangalan ko,paglingon ko, si Abby na hingal na ingal na pawisan
"Bakit?" tanong ko ng makalapit siya sakin, huminga muna siya bago nagsalita
"Si Jane at Rica, may masamang balak sayo" hingal na sabi ni Abby kaya natawa ako sa isip ko
"Papatayin niya siya?" gulat na react ni Jasmine
"Exajj ka? Paparatin agad? Di pwedeng kidnapin muna!" dependsa ng kambal niya
"Hindi, bubuhusan ka daw niya ng pinta bukas, bago tayo mag PE sa field pero hindi siya ang magbubuhos sayo, isasabit nila ang timba ng pintura sa pintuan ng room natin at itutumba yun bago tayo lalabas papuntang field " sabi niya ka agad may pumasok sa isip ko
"Saan mo nalaman? I mean kanino mo nalaman?" tanong ni Jassey na mukhang curious naman
"Kay Jane,usapan nila kaninang umaga, di ko lang nasabi agad sainyo dahil nagpunta tayong gym" paliwanang niya, iyon siguro yong just wait just wait ni Jane, pwes uunahan ko siya sa balak niya
"Okay thank you Abby, mapagkakatiwalaan ka talaga" sabi ko kaya ngumiti siya at nagpunta na kaming classroom, wala kaming ginagawa sa classroom dahil nagmemeeting ang mga school staff sa office ni Ms. Maniego at kasali si Sir kalbo don kaya wala kaming ginagawa dito
So may gagawin siya masama sakin gamit ang pinta? Haha then uunahan ko na siya,ako ang gagawa ng balak niya
"Ano ngingiti ngiti mo jan Ally?" sabay siko sakin ni Julian, di ko magagawa yung balak ko kong mag isa lang ako so kailangan ko ng kakampi
"Tutulungan niyo lang naman ako" sabi ko kaya tumaas ang kilay niya
"Bibilo ako mamaya ng pintura at kayo na ang bahalang magsabit ang timba ng pintura sa tapat ng locker ni Jane, diba lahat naman ng PE uniform natin ay nasa locker natin? So isasabit niyo iyon at lagyan niyo ng tali, para hilain nalang ang tali para mahulog ang pinta" maliwanag ko sakanya kaya alam kong nakikinig din ang iba pa naming mga kaibigan
"Kami ang magsasabit ng pintura sa dingding?" pabulong na sabi ni Jassey kaya tumango ako
"No way" sabi naman ni Kaye kaya sumama ang tingin ko sakanila
"O-okay sabi ko nga kami na ang magsasabit ng pintura sa dingding, diba Kaye? Julia? Jassey? Jasmine?" sabi ni Andrea, takot din naman lang. Hohoho! Excited na ako sa mangyari bukas!
Humanda ka Jane Madrigal!
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
JugendliteraturAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...