Chapter 31: Allyssa in Hospital

160 18 0
                                    

Andrew's P.O.V

Gumagabi na kasi at pero ngayon ko lang napansin na parang ang lampong ng buhok ko kaya magpapagupit ako, nandito pa kasi ako sa salon ni Julia, may ginugupitan kasi siyang batang lalaki

"Oh Andrew, di ka pa ba uuwi?" tanong niya habang nakatingin padin sa bata

"Di pa,mag papagupit muna ako sayo" sabi ko kaya tumawa siya ng mahina

"Oh sige, halika na" sabi niya at umupo na ako

"Galingan mo ha? Para mas gwapo nanaman ako pag nakita ako ni Allyssa" sabi ko may sinabi siya pero pabulong kaya di ko narinig kaya nagtanong ako

"Ano sabi mo?"

"Wala" sabi niya at sinimulan na niya akong gupitan

"Nga pala, pag punta mo sa New York,sino na mag aasikaso dito sa salon mo?" tanong ko

"Kamey fo fafa!" may sumagot na isang bakla,at may kasama rin isang bakla,so sila ang mag babantay rito? Kaano ano sila ni Julia?

"Ahh oo sila nga, sila sina Salt at Sugar" sabi ni Julia

"Hi fafa! Akey si Sugar the pretty,dibey ikaw ang sumundey samin nong pageant ni pretty Allyssa?" tanong ni Sugar yung isang bakla at lumapit sakin,medyo di ko naintindihan yung sinabi niya pero inintindi ko parin

"Oo" sabi ko at ngumiti ako

"Mga ampliyado ko sila dito, acctually madami sila dito pero sila lang ang napili kong mag bantay rito" pagpapaliwanag ni Julia kaya tumango ako at di ko namalayang tapos na pala yung buhok ko

"Ayan! Tapos na! Ang gwapo gwapo mo!" masiglang sabi ni Julia kaya natigilan kaming dalawa

Flashback

"Babe,ayoko magpagupit" sabi ng  girlfriend kong napakakulit na si Julia,kanina pa niya ako kasi ako sinusuyo na magpagupit daw pero ayoko naman

"Bakit? Ayoko babe" sabi ko naman kaya napatawa siya ng kunti

"Sige na! ang lampong mo na oh" sabi niya kay Julia at napahawak naman ako  sa buhok ko

"Gwapo padin naman ako ah?" sabi ko at kumindat ako sakanya kaya namula siya

"Che! Wag mo akong kinikindatan jan ah? Ang panget mo na! Lampong!" sabi niya kaya nagpout nalang ako at hinalikan naman niya ako sa labi kaya nagulat ako at hinila na niya ako papuntang salon,nandito ko kasi kami sa mall nagdadate

Hanggang sa natapos akong magupitan ay lumapit ako kay Julia na busy na pagkukulikot sa cellphone ko

"Babe,tapos na" walang gana kong sabi sakanya kaya napatingin naman siya sakin at nagulat pa yata

"Ayan! Tapos na! Ang gwapo gwapo mo na!" masayang sabi niya at niyakap ako

End of the flashback

"sorry" sabi niya kaya tumayo ako

"Hindi okay lang yun, uwi na ako ah? Gumagabi na kasi" sabi ko at magbabayad pa sana ako pero ayaw niya kahit anong pilit ko

Habang nagmamaneho ako napahinto ako sa kalsada,may maaksidente yata kasi ang daming tao kaya parang may pumasok sa isip ko para lumapit,sumingit ako sa mga tao dun at kapapahamak lang yata tong aksidente dahil wala pang mga pulis at ambulansya, napansin ko ang kotseng naaksidente,kinabahan ako dahil kulay yellow yun at yellow din ang kulay ng kotse ni baby kaya tinignan ko yung plate number ng kotse

O_____O

Agad akong lumapit sa kotse ni baby at nakita ko siya sa loob ng kotse na walang malay at duguan,binuhat ko siya,punagtitinginan ako ng mga tao sa ginawa ko pero wala akong pakealam, nagsisidatingan narin yung mga pulis at ambulansya pero dinala ko na si baby sa loob ng kotse ko at dinala sa hospital,nang makarating kami sa hospital ay dinala agad siya sa emergency room at napaupo nalang ako sa harap ng Emergency room at natatakot ako sa pwedeng mangyari kay baby

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon