Julian's POV
Nang makita ko ang balat niya. Malakas ang kutob ko na siya si Alliza.
"Kilala mo na ba ang totoo mong mga magulang?" tumango siya siya sa tanong ko.
"Who?" tanong ni Pards.
"Mr. Ronald Cortez and Mrs. Diana Cortez" sagot niya.
Ewan ko pero naiyak ako, dahil na siguro sa saya ko din dahil sa wakas nahanap na namin ang kapatid niya.
"Sino umampon sayo?" tanong ko. Di siya sumagot. Tumingin lang ako kay Vince.
"Pwede mo ba kaming dalhin don sa bahay niyo ngayon?" halatang nagulat siya sa sinabi ko pero yumuko lang siya ng ngumiti ako.
"Please Iza? I just want to know your side" seryosong sambit ko kaya tumayo na siya. Sinundan nalang namin siya. Palabas na siya ng school gate upang mag umampara ng jeep ng magsalita si Pards.
"Sa kotse ko nalang tayo" sabi niya. Tahimik namang tumango si Iza.
Iza's POV
Noong nalaman kong ampon lang ako, para akong nabagsakan ng langit at lupa dahil sa sakit. Nandito ako ngayon sa isang bench sa likod ng school, mag isa. Naalala ko kong paano ko nalaman ang totoo.
Flashback
"Izaaa!" dinig kong tawag sakin ng tatay ko. Lalabas na sana ako ng narinig kong lumapit sakanya si Nanay.
"Oh Mack? Bakit ganyan yang mukha mo? Di maipinta" dinig kong tanong ni Nanay kay Tatay.
Lalabas na sana ako ng marinig ko ang sagot ni Tatay.
"Nasisante ako sa trabaho" sa sagot ni tatay, nakaramdam ako ng lungkot. Sa trabaho na nga lang ni tatay kami umaasa masisisante pa siya? Sa Tatay kasi, nagtitinda ng ice cream, yung boss niya, siya ang gumagawa ng ice cream , bale si tatay lang ang taga tinda ng ice cream ng boss niya. Di naman ganon kayaman ang boss ni tatay, tatlo lang silang nagtatrabaho don. Taga tinda lang sila. Sakto naman samin ang 200 pesos na sweldo ni tatay kada araw. Paano na yan?
"Nasisante? Saan na tayo kukuha ng pambili ng makakain natin?!" galit na sigaw ni nanay.
"Pasensya na. Di ko naman sinasadya na mahulog ang tinda ko sa daan" mahinang sambit ni tatay.
"Bakit di ka kasi nag iingat!" galit paring sambit ni nanay.
"Di ko naman sinasadya 'e!" sigaw na din ni tatay. Pinunasan ko na ang luhang pumatak sa pisngi ko. Ngayon lang kasi nag away si nanay at tatay. Mahirap lang kasi kami. Nag iisang anak kaya sakto lang samin ang 200 pesos na sweldo ni tatay. Sabi ni Nanay, noong pinanganak daw niya ako, nagkaroon na daw ng problema sa matres si nanay kaya eto mag isa lang ako.
"Eh paano na yan?! Saan tayo kukuha ng makakain natin?! Mag isip ka!" sigaw ni nanay. Alam kong dinig na sa mga kapit bahay namin ang sigawan nila kasi nasa isang skwater area lang kami.
"Anong gusto mong gawin ko?! Magnakaw?! Mangholdap!"
"Hindi! Humanap ka ng magandang trabaho!"
"Paano ako hahanap ng magandang trabaho e pareho naman tayong grade 3 lang natapos!"
"Isuli na kaya natin si Iza sa mga tunay niyang magulang?" Tunay na magulang? Napatakip nalang ako ng bibig ko dahil sa iyak ko. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa sakit. Humagulgol ako don.
"A-Anak?" tinignan ko kong sino ang tumawag sakin. Si nanay at tatay na nasa harap ko. Kita ko sa mga mata nila ang pag aalala.
"N-Nay. T-tay, totoo ba? Di po ba ako tunay na anak?" kinaya kong magsalot ng deretso.
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...