Chapter 68: Guitar

122 9 0
                                    

Jassey's POV


"Ate! Halikana!" halos mapatalon na ako sa gulat sa sigaw ni Jasmine. Bakit ba kasi kailangan pa naming pumunta at mamasyal sa resort? Ang boring din naman don 'e.

"Oo na!" sigaw ko pero bago ako bumaba ay kinuha ko muna yung gitara ko sa ibabaw ng bed ko bago bumaba.

"Guitar? Don't tell me, di ka maliligo?" inirapan ko siya.

"You know me Jasmine. I'm not interested in outing. Buti sana kong sa Mall nalang." inis kong sambit.

"KJ mo talaga! Lika na nga! Inaantay na tayo ni mommy" sabi niya. Tss.

"Are you ready?" tanong ni mommy. Di ko siya pinansin, pumasok nalang ako sa van.

"Yes mom! I'm really excited" Masayang sagot ni Jasmine. Duh! Uuwi rin naman kami mamayang gabi 'e. One day outing lang ng family namin yun kasi pupunta na si mom and dad sa France para sa business trip nila next week.

Pumasok na sila sa Van, nag headset nalang ako at ipinikit at mata ko.


~

"Kyaaaaa! Pasok na tayo ate! Excited na akong makita sa loob!" excited na sigaw ni Jasmine at hinila hila ako.

"Ano ba Jasmine?! Can you please stop running?" inis kong sabi pero tila wala siyang narinig kasi pinagpatuloy pa'rin niya ang pagtatakbo habang hawak hawak ako.

"Woooow" hanga siya sa ganda ng resort na 'to. Oo maganda siya pero di ako interesado.

"You liked it?" tumango nalang ako at pumasok sa hotel na i-stay'an namin ngayong araw.

Sinundan ko si daddy at nahiga ako sa malambot na kama sa hotel.

"Jassey, nandito tayo para sa outing. Better get up" rinig kong sabi ni dad pero di ko pinansin. Nagtalukbong nalang ako ng kumot hanggang sa napansin kong wala na si dad sa kwarto. Pagtingin ko, wala na nga. Kaya tinanggal ko na yung kumot ko at bumuntong hininga.

Bakit sila ganon? 'E sa ayokong makipagbonding sakanila 'e. Bakit? Kasi mas madami din naman ang time nila sa trabaho kaysa samin ni Jasmine. Lumaki kasi sa kamay ng mga yaya namin, sila puro business trip. Kaya h'wag nila kaming pilitin kong ayaw ko. Di ko kasalanan kong bakit di close mga magulang ko.

Bumaba na ako baka isipin nila na ayoko sa outing na 'to. Well totoo naman, ayoko pero kailangan ko pa ding makibonding sakanila kasi dalawang minuto lang.

"Oh Jassey? Why are you not wearing your bathing suit?" tanong ni mommy ng makita niya akong nakadress palang.

"Mamaya mom" sabi ko. Medyo kunti lang ang tao dito kasi private tong resort na 'to.

"Okay baby. Enjoy it okay?" sabi ni Daddy habang tinutusok ang karne sa stick. Mag iihaw kasi sila ng mga pagkain namin.

Tumango nalang ako at naglakad lakad.

Habang naglakad ako, napansin ko ang isang puno na malaki. Pumunta ako don at dun umupo. Nilapag ko ang gitara ko sa tabi ko at umupo sa silong ng puso at sinandal ko ang likod ko sa puno at saka pumikit.

Mom, Dad? Kelan ba kayo magkakaroon ng mahabang oras para samin ni Jasmine? 17 years na kami dito sa mundo pero parang ang kunti kunti palang ng oras na nakasama namin sila.

Napansin kong basa na ang pisngi ko kaya pinunasan ko iyon. Umiiyak ba ako? Arrgh! So oa -.-

Kinuha ko ang gitara ko sa tabi ko at nagstrum. Maggigitara nalang ako kaysa pumunta don at magemo emo.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon