Chapter 1: Meet her

805 44 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na araw. May pasok pa ako 4th year na ako at katatapos lang sembreak namin kaya tumayo na ako at naligo.

Pagkatapos ng ilang minuto na paliligo at pagbibihis, bumaba na ako.

"Good morning anak" bati ni yaya Mila sakin, siya nagpalaki sakin simula pa nung sanggol ako, patay na si Mommy ko, si Daddy naman nasa Italy, busy sa business namin na Hotel at Resort, si kuya nasa New York, nagtratrabaho.

"Yaya? Kelan po babalik si Daddy dito sa Philippines?" Mahina kong tanong

"Nako anak, diba nasa Italy ang Daddy mo? Namimiss mo na ba siya?"

Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Iniba ko nalang yung usapan dahil ayoko na pag usapan si Daddy,.

"Yaya, pakisabi nalang po kay Manong Roly (driver namin) na ipagdridrive ko lang po ang sarili ko papuntang school" Pag iiba ko ng usapan

"Di kana kakain?"

"Hindi na po, itong isang sandwich nalang po ang kakainin ko" nilagay ko yung sandwich sa bag ko at pumunta na ako sa kotse ko na color yellow.

Tahimik akong nagdridrive dahil nalulungkot ako dahil sobrang miss ko na si Daddy. Ay oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala.

Ehem, (ayos damit)

Hi! Ako nga pala si Allyssa Dimple Klein Cortez, Pure Pilipino, taga Laguna, 16 years old, 4th year high school sa Slei Academy. Si Daddy at kuya nalang ang Pamilya ko dahil wala na si mommy namatay siya dahil sa car accident yung kapatid ko na si Alizza Dyann Fritxz Cortez, nawala siya dahil sakin, hindi ko alam kong buhay pa ba siya o patay na. At si kuya ko naman si Andrew Den Jaye Cortez, nasa New York siya nagtratrabaho, siya nagbibigay ng pera sakin, 22 years old na siya, Bussiness Management course niya noon, nag aral din siya sa Slei Academy, si Daddy pa ang nagpapaaral sakanya noon at ngayon may business na siyang Restaurant at Company ng mga teddy bears doon. Okay back to reality.

Nandito na ako ngayon sa parking lot ng school, shempre inayos ko muna ang sarili ko dahil ayoko na nakikita nila akong ganto.

Lumabas na ako sa kotse kong cute at nag lakad na sa corridor na nakachin up. Nakatingin lahat sila sakin pero pag tinignan ko sila bigla nalang sila yuyuko.

"Ally!" Narinig ko yung napakacute kong pangalan kaya nilingon ko kung sino tumawag sakin at paglingon ko, nakita ko si Kaye na nakangiti papalapit sakin, problema niya?

"Uy may bago tayong classmate, transferee, ang gwapo!" Bungad agad ni Kaye sakin.

"Pakialam ko? I don't care about him" I rolled my eyes to her.

"Eto naman, bitter ka pa din hanggang ngayon simula nong nag break kayo ni Ja-- "

"Kayee!" pagpuputol ko sa sasabihin niya sana. Ayoko na rin pag usapan ang past ko. Past is past, ayoko na balikan ang storya ko sa nakaraan.

"Oppss! Sorry"

"Can you please, watch your words!" galit na sabi ko sakanya

"Sorry na nga diba" nakangiting sabi niya at napangiti na rin ako

"Halika ka na nga" sabay hila ko sakanya papasok sa classroom.

Pagpasok ko sa classroom tumahik na sila na kanina ay ang iingay nila. Hindi na ako magtataka dahil parati nang ganyan ang nangyayari pagkapasok ko sa loob ng classroom, masyado na silang natakot sa katarayan ko. Bwahahaha.

Umupo na ako sa sosyalin kong upuan at tumabi sakin si Kaye sa right side ko, paglingon ko sa left side ko bakante pa ang apat na upuan dahil wala pa ang apat na baliw naming mga kaibigan at wala pa ang kalbo kong teacher

Magheheadset na sana ako pero may kumalabit sakin sa left side ko, paglingon ko, nakita ko ang dalawa ko pang kaibigan na kambal, si Jasmine at Jassey.

"Bakit?" Tanong ko kay Jassey ang kumalabit sakin.

"Nakita mo yung lalaki na yun?" at tinuro niya yung lalaking nakaheadset din pero di ko kilala.

"Oh paki ko diyan?" mataray kong sabi, eh kasi naman wala nman talaga akong pakialam sa kanya eh.

"Eh kasi kanina ka pa niya tinitignan, Wafuu rin no?" Kinikilig na sbi niya.

"crush mo?" wala gana kong tanong

"A- e oo sana" nagblush pa siya eh hangg cutee ^_^

"Uy ate akin siya, crush ko siya eh" sabay kurot ni Jasmine kay Jassey.

"Akin siya ano! Nauna ak-- " Naputol ang sasabihin ni Jassey na biglang dumating yung dalawa pa naming kaibigan si Andrea ang may ari ng school na pinapasokan ko at pinakaclose ko sa aming anim at si Julian ang pinakabungangera naming kaibigan.

"Hi there!" nakangiting sabi ni Andrea

"Bat ang tagal niyo?" Tanong ni Kaye ba kanina pang tahimik.

"Shempre nagpaganda pa ako para sa crush ko na si Vince" Sabat ni Julian sa usapan

"Kasi nagpunta pa akong office ni Daddy para kunin yung susi ng kotse ko, kinuha niya kasi dahil nakabangga ako ng pusa sa daan nung isang araw eh alam niyo naman na paborito ni Daddy ang mga pusa eh kaya kinuha niya baka daw makabangga daw ulit ako" natatawa niyang sabi kaya napatawa kaming lima.

Napatigil kami sa pagtawa ng dumating na yung teacher naming kalbo.

"Okay class, we have new classmates, actually dalawa sila" -sir kalbo

"Halikayo, magpakilala kayo" sabi ni sir sa nga new classmates DAW namin.

At tumayo na yung isa sa new classmates namin, nerd siya at ang haba ng kanyang bestidang damit with matching napakalaking salamin sa mata.

"H-hello p-o,m-y name i-s Iza Santos, 15 years old, transferee po ako dito, Scholar po" Nauutal na sabi niya at nagbow pa siya pagkatapos niya magsalita at tumakbo papunta sa kanyang upuan,.

Tumayo naman yung isa pang transperee na lalake, oo aaminin ko gwapo siya,malakas ang dating.

"Hi girls" maangas na sabi niya at nagtilian naman yung mga babae.

"Ang gwapo niya diba?" sabi ni Kaye sakin pero di ko siya pinansin at nagcellphone nalang ako para di ko marinig yung sasabihin niya pero narinig ko padin

"Hey, I'm Ryan James Fortalejo" Sabi niya na, na n-na na nakatingin s-sakin.

"Half Pilipino, Pure Pogi" Pagpapatuloy niyang sabi with kindat pa at umupo na,nagtilian na ulit ang mga babae, hang lalandi nila, pati tong lima kong kaibigan nagtitili rin.Si Ryan na yun umupo pa sa likod ko na bakante ng anim.tss

"Pumunta talaga siya sa likod mo para makita ka niya ng mas malapitan,uyy" sabi ni Jassey

"Tss" yun nalang ang tangi kong sabi at nagpangalumbaba nalang ako at nakinig na rin sa Discuss si Sir kalbo hanggang dismissal.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon