Allyssa's POV
Continuation of Flashback
"Yaya! Sama po ako!" sigaw ko habang nagtatakbong bumaba sa hagdan.
"Ha? H'wag na anak. Kami nalang ang maghahanap" umiling ako. Hinanap ko si daddy gamit ang mga mata ko.
"Si daddy po?" tanong ko ng di ko siya makita.
"Nauna na siya anak sa pulis station" sagot ni yaya. Lumapit ako sakanya.
"Yaya, sama na po ako. Tignan mo po 'o. Nakabihis na po ako at saka po..... ako naman po ang dahilan kong bakit siya nawala" ewan ko pero naiiyak nanaman ako.
"Sige na nga" tumalos ako sa tuwa sa sagot ni yaya.
"Tara na po!" masayang sambit ko pero sa loob loob ko. Naiiyak na ulit ako.
Pumasok na kami sa kotse. Tahimik habang nasa byahe. Nang makarating kami ay bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa loob ng police station kong saan nandun sina daddy at mga kaibigan niya. Si lola, bumabalik sa Canada dahil sinabi iyon ni daddy, baka daw maatake nanaman sa puso si lola sa paghahanap kay Alliza kaya pinabalik nila siya sa Canada.
"BAKIT KA NANDITO?! UMALIS KA NGA DITO! MINAMALAS KA! BAKA TULUYAN NG DI NAMIN MAHANAP SI ALLIZA!" naiyak nalang ako sa sumbat ni daddy sakin ng makita niya ako.
"D-daddy, t-tutulong po ako sa paghahan---"
"TUTULONG?! ANO MAITUTULONG MO?! MAGPAPASAWAY!" ang sama ng tingin niya sakin kaya lumabas na ako baka tuluyan nanaman niya ako.
Napaupo ako sa damuhan sa labas ng police station, kahit punas ako ng punas sa luha ko pumapatak padin.
"Sa part nalang po kami ng Quezon Avenue maghahanap sir" pinunasan ko ang luha ko at napatingin na pulis na nagsalita na papalabas ng police station.
"Sige, basta siguraduhin niyong mahahanap ninyo ang anak ko" matigas na sambit ni daddy sa mga pulis, tumango naman sila at pumasok na sa mga police car at mabilis na nawala sa paningin ko.
Nakaupo pa'din ako sa damuhan ng mga nagpat sa likod ko. Pagtingin ko, si yaya na nakangiti ng pilit saakin.
"Ayos ka lang ba anak? Eto 'o binilhan kita ng ice cream" tumingin ako sa ice cream, rocky road iyon, ang paboritong ice cream namin nila Kuya at Alliza.
Kinuha ko iyon at umiiyak na kinakain.
"Anak, h'wag ka ng umiyak. Mahahanap din natin si Alliza, basta pray lang tayo" pinunasan niya ako luha ko sa pisngi.
"Pray po? Bakit po tayo magp-pray?" ngumiti si yaya.
"Para makausap si God, hingin mo lahat ng gusto mong hingi sakanya" napangiti ako sa sagot ni yaya.
"Kahit po sabihin kong bigyan niya ako cat?" tumango siya, ngumiti ulit ako.
"Pero, hindi naman siya ang bibigay ng cat sayo 'e. Gagamit siya ng taon na bibigay sayo ng cat" tumayo ako.
"Yaya punta po tayo sa church! Let's pray po! Ipagp-pray ko po na sana mahanap na natin si Alliza at sana bigyan niya ako ng cat" masiglang sambit ko kaya tumango siya.
"Sige tara, pupunta tayong church" tumayo ako at tumakbo papasok sa kotse.
Nagmaneho si manong Roly at nang makarating na kami ay bumaba na kami.
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...