Chapter 23: Christmas Party

184 23 1
                                    

"Ano ready na ba kayo sa mga games?" tanong ni sir samin,gayon kasi yung christmas party ng section namin at nagpapagames na si sir

"Yes sir!" sigaw ng mga classmate namin pero kaming anim ay di sumagot kasi yang mga games nayan ay pangcheap lang

"So ang first game natin ay trip to Jerusalem,bawal ang kj ha? Ang mga tatawagin kong mga pangalan ay siyang maglalaro,para lahat ay makapaglaro" sabi ni sir

"Duh! Bakit pambata?" biglang tumayo si Rica at sinabi yun

"Ano gusto niyo? Larong pangteen ager? Meron ba?" sagot namn ni sir

"Meron,ano? Yung magkikiss kayo ng partner mo at kung sino ang unang di bibitaw ay siyang mananalo,diba classmates?" napataas ako ng isa kong kilay sa sinabi din si Jane,kalandi talaga

"Ano tingin mo samin? Malandi tulad mo? Na nakikipaghalikan nalang basta basta? Kong sayo di mahalaga ang halik sayo,pwes samin,importante! Duh! Alam mo ang dapat na itawag namin sayo? Flirt! Why? Because your such a flirt!" Napangiti ako sa mga salitang binitawan ni Abby Mendez,isa sa mga classmate ko, di ako makapaniwala kasi ang alam ko lang ay pag aaral lang ang inaatupag niya,may pagkapalaban din pala

"How dare you to call me flirt?!" sigaw ni Jane at lumapit kay Abby at sasampalin na sana niya si Abby pero buti nalang ay sinangga niya yubg isa niyang kamay kaya lalo akong natutuwa sakanya,bagay sana siya sa grupo namin pero di naman siya maganda kaya sorry siya.

Sa pagsangga ni Abby sa kamay ni Jane ay bigla niyang sinabunotan si Jane,kaya lumapit si Sir sakanila at inawat sila kaya tumigil sila.

"Pasko na pasko,nagaaway kayo? At sa harap ko pa?! Ikaw naman Jane,kung gusto mo ng larong iyon,dun sa kambing ka makipaghalikan!" sabi ni sir kaya napahiya si Jane at nagsmile si Abby

"Okay lets start at ito ang sampong maglalaro sa trip to Jerusalem, Julian,Andrea,Vince,James,Joshua,Christopher,Rica,Joan,Leah & Alvin, so come here in front now" sabi ni sir kaya pumunta na sila sa harap

"Tss" narinig ko mula sa bibig ni Andrea pero hinila na siya ni Julian kaya napunta na sila sa harap,kaming apat ay natawa nalang sakanila

Lumipas ang mga minuto,tatlo nalang ang natira,sina Julian,Christopher at Andrea

Nang magstop ang kanta ay si Andrea naman ang natanggal.

Nang magstop ulit,unang umupo si Chtistopher sa upuan at umupo rin si Julian kaya natawa ako dahil napaupo si Julian sa hita ni Christopher kaya tumayo agad si Julian at bumalik dito samin,namumula siya.

"Masaya din pala" sabi ni Andrea

"Anong masaya ka jan? Duh!" angal ni Julian

"Napaupo kalang sa hita ni Christopher eh" sabi ko naman

"Yah! Buti sana kong si Vince eh" sigaw ni Julian at nagpout nalang

"Hi Julian" nagulat kaming lahat ng nasa likod na ni Julian si Christopher

"Anong ginagawa mo dito?" nakapamaywang pang tanong ni Julian

"I just want give it to you" sabi ni Christopher ang hawak hawak niyang O__O maliit na cute na spongebob

"Ano tingin mo sakin? Tumatanggap ng mga paprempyo na di naman sakin?" mataray na sambit ni Julian

"Ang arte!" sabi ko sabay kuha ko sa kamay ni Christopher yung spongebob at nilagay ko na sa bag ko

"You may go" sabi ko sabay act ko pa sa kamay ko yung nagpapaalis talaga at nakataas pa yung sa kong kilay kaya umalis na siya

Tumawa nalang yung lima

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon