Chapter 87: Complete Family

120 6 1
                                    

Allyssa's POV


"Congratulations!" sigaw ng mga bawat pamilya na nandito ngayon sa bahay. Yes! Nakauwi na kami at ngayon, may konting celebration lang para sa graduation naming lahat. Nagkakasiyahan lang kami.

"Congrats honey" bulong sakin ni Ryan habang pinapanoond ko ang mga kaibigan kong naglalaro ng mga parlor games. Niyakap niya 'ko.

"Congrats din honey" hinalikan niya 'ko sa noo.

"Naglalandian nalang ba kayo jan? Tara sali kayo!" sigaw ni Kaye samin. Kaya hinila ko si Ryan palapit sakanila at nakisali kami sa larong dyaryo sakanila.

"Ahhhh!" sigaw ko ng biglang huminto ang music kaya binuhat ako ni Ryan para di kami ma'out.

"Hahaha." tawa namin ng biglang ma'out balance sina Alvin at Jasmine. Couple couple ngayon ang magpartners. Masayang masaya ako dahil masaya ang mga kaibigan ko.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo 'a" napatingin ako sa nagsalita. Si Jane. Lumapit siya samin.

"Hi Jane. Buti naka'abot ka" ngumiti siya.

"Congrats Jane!" sigaw nila sakanya.  Oo naka'hingi nadin ng tawad si Jane sakanila. They accepted her apologized. Ininvite din namin siya dito kasi nalaman kong next week ay babalik na siyang Canada. Doon na niya ipagpapatuloy ang pag aaral niya sa college.


"Oo nga 'e. Akala ko na nga tapos na ang celebration" lumapit kaming lahat sakanya. Tinignan ko siya, nakatingin siya kay Jason, ngumiti siya at ngumiti din si Jason sakanya. Alam kong okay na sila pero parang may konting awkward lang.

"Kamusta ka na pala? Sayang di ka nakasama sa outing namin sa Plantation last week" pinaupo namin siya. Nandito kami sa bahay nila Julian nag'celebrate, lahat ng families namin ay nandito. Nakikisaya.

"Hmm, last week kasi busy ako 'e. Nagpunta ako sa Canada, anyway kakauwi ko din ngayon, kaya nga ako na'late 'e. Umuwi lang ako dito kasi gusto kong maki'bonding sainyo. You invited me diba?" Umuwi lang pala siya para maka'bonding kami. Di parin siya nagbabago. Soft-hearted padin siya.

"At saka, gusto kong maka'bonding ang childhood bestfriend slash sister ko" tinignan niya ako. I know ako yung tinutukoy niya.

"Namiss ko siya 'e kas babalik na din ako sa Canada next week" tumayo ako, niyakap siya. Naiiyak ako.

"I missed you so much Bestfriend" sabi ko sakanya at niyakap niya din ako.

"I miss you too" kumalas siya, tumulo na din luha niya.

"So sweet.  I love you babe" loko lokong sabi ni Alvin at niyakap si Jasmine.

"Eww! Tumahimik ka nga babe!" nagtawanan nalang kami sa kanilang dalawa.

"Oh? Ano pang ginagawa niyo? Let's continue the game! Hahaha!" sigaw ni Jassey kaya naglaro kami ulit. Nakisali nadin si Jane samin.

Namiss ko siya ng sobra.


**


Nang matapos ang celebration, nagsi'uwian na silang lahat pero kami nila Kuya, Alliza, Jane, Ryan at Daddy nalang ang nandito sa bahay nila Julian.

"Oh. Una na din kami Julian. Bye ha? Congrats!" paalam ko sakanila.

"Sige bye!" hinalikan ni kuya si ate Julia saka kami aalis.

Lumapit sakin si  Ryan.

"Bye Honey. Ingat ka ha? Iloveyou" hinalikan na niya ako sa noo.

"Bye din. Mag iingat ka din. Iloveyou too" ngumiti ako.

"Halika na Jane" hinawakan ko ang kamay ni Jane. Kami na ang maghahatid sakanya sa bahay nila.

Pumasok na kami sa kotse ni kuya.

"Salamat Bestfriend" napatingin ako kay Julian.

"Salamat din Bestfriend" sabi ko ng makababa na siya ng kotse.

"Mag iingat ka ha?" sabi ko ulit, sinara na niya yung kotse, nakatayo padin siya at hinihintay na umalis ang kotse namin pero di ko alam kasi binuksan ko ang kotse at tumakbo palapit kay Jane at mahigpit siyang niyakap.

"Goodbye Bestfriend. Mamimiss kita" sambit ko sakanya.

"Mamimiss din kita ng sobra sobra" sabi niya. Kumalas na ako at bumalik sa kotse.

Nagwave ako sa bintana ng kotse at nakita ko rin nagwave siya. Sinara ko na ang slide window sabay ng pagpatak ng luha ko.

Umalis na kami.

"Daddy? Pwedeng bisitahin muna natin si Mommy sa puntod niya?" tinignan ko si  Alliza sa tabi ko. Alas dos na ng madaling araw kaya malamig na.

"Sige anak" ngumiti ako.

Bumaba na kami sa kotse ng makarating kami sa sementeryo. Nakakatakot pero wala kaming pakealam. Umupo kami sa tapat ng lapida ni Mommy.

Pinunasan ni daddy yung pangalan ni Mommy.

"I miss you so much Mommy" bulong ko sabay ng pagpatak ng luha ko.

Naramdaman ko ang paglakas ng hangin sa paligid namin na mas lalo kong ikinaiyak.

"Kong nasaan ka man ngayon, alam kong masayang masaya ka mommy" bulong ko ulit.

"Tignan mo Mommy 'o. Nandito na ako, nandito na din si Daddy. Ang saya po 'o. Kumpleto na po kami, ikaw nalang po ang kulang. Miss na miss ka na namin ng sobra, kung nandito ka, sana mas masaya nanaman" niyakap kami ni Daddy.

"Nangangako ako sa harap mo, aalagaan ko na ang mga anak natin. Di ko na sila iiwan pa. Mahal na mahal kita wife." tahimik na ang buong paligid namin at ihip nalang ng hangin ang naririg namin.

Pinikit ko ang mga mata ko. Miss na miss na kita Mommy.





She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon