Chapter 36: The reality

187 16 0
                                    

Jason's P.O.V.

Sobra akong nasaktan sa pagreject ni Allyssa sakin, mahal ko pa siya, oo mahal ko pa siya, ginulo lang ng Jane na yon ang isip ko, dahil sa pagsasabi niya ng kong ano ano tungkol kay Allyssa, bigla tuloy akong nagalit maalala ko ang lahat ng mga bwiset na nagawa ko kay Allyssa

Flashback

"Jason!" lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Jane na kaibigan ni Allyssa sa ibang school,bakit kaya?

"Bakit?" tanong ko,pupunta pa kasi akong mall para bumili ng regalo para sa 7th monthsary namin ng mahal kong si Allyssa, nilalakad ko nalang ng saktong tinawag ako ni Jane

"J-Jason, kasi si Allyssa--" bigla akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan ni Allyssa, alam ko magkaibigan silang dalawa simula pa noong namulatan sila

"--N-niloloko ka lang ni Allyssa, Jason, di ka niya totoong mahal" What? Nagbibiro ba siya?

"Nagbibiro ka ba?" yun nalang ang naitanong ko dahil alam kong sincere at mahal ako ni Allyssa, di niya magagawa sakin ang sinasabi niya

"Di ako nagbibiro, kausap ko kanina si Allyssa, sinabi na niya ang lahat sakin, di ka talaga niya mahal" sabi niya "Maniwala ka sakin"

"No,di ako naniniwala, mahal ako ni Allyssa at alam ko yon, I have to go" at binilasan ko na ang maglakad pero sumigaw pa siya

"Pero di ka talaga niya mahal!" sigaw niya kaya mas lalo ko pang binilisan ang maglakad

Pagdating ko sa mall, bumili ako ng malaking stuff toy na spongebob, paglabas ko, nakita ko si Allyssa na may kasamang lalaki.Nasaktan ako kaya umuwi ako, naalala ko bigla ang sinabi sakin ni Jane na di niya talaga ako totoong mahal, bigla akong nagalit

Nang araw ng monthsary namin, di ako nakapunta dahil sa babaeng matagal ng may gusto sakin, palabas na sana ako ng bahay para siputin si Allyssa ng bigla kong nakita ang babaeng kaklase ko noong elementary sa Canada na may gusto sakin, bakit siya nandito?

"Hi,do you still remember me?" bati niya siya kaya ngumiti ako at tumango

"Di mo ba talaga ako magugustuhan?" nabigla ako sa tanong niya

"Mica, sorry pero di talaga kita gusto" sabi ko, alam kong nasaktan ko siya dahil umiyak siya

"Okay lang, alam ko namang di mo talaga ako magugustuhan" sabi niya na nakayuko

"Pasensya kana" sabi ko kaya pinunasan niya yong luha niya at tumingin sakin

"Kwentuhan nalang tayo" sabi niya ng bigla kong maalala yong monthsary namin ni Allyssa

"May lakad ako ngayon eh, pasensya kana, next time nalang" sabi ko at lumungkot siya

"Sayang naman, pumunta pa naman ako dito sa Philippines dahil gusto kitang makakwentuhan,uuwi na ako mamaya sa Canada" bigla akong naguilt,ako pala ang dahilan kong bakit umuwi siya dito.

"Sige na nga, sige pasok ka muna sa loob" at pumasok naman siya sa loob ng bahay, sa oras na yon, wala na sa isip ko si Allyssa pati na yong monthsary namin, itinabi ko nalang ako stuff toy niya at nakipagkwentuhan kay Mica hanggang namalayan naming ilang oras na kaming nagkwenkwentuhan tungkol sa mga nangyayari sakanya sa Canada

"Nako! Uuwi pa pala ako sa Canada,kailangan ko ng umuwi" natatarantang sabi niya

"Magmeryenda ka muna"

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon