Chapter 86: Sweet Yes

115 6 0
                                    

(N/A: Yaaa. Naiyak na 'ko habang sinusulat ko 'to. Huhu. Play niyo po yung nasa Multimedia. - PinkDarkPrincess <3)



Allyssa's POV


"Alliza?" tawag ko sa kapatid ko pagkalabas ko ng banyo.

"Alliza?" tawag ko ulit habang sinusuklay ang buhok ko. Ipapatanong ko sana sakanya kay Julian sa baba kung saan kami magdi'dinner.

Sinimulan ko nang siyang hanapin.

"'A-Alliza?" ewan ko pero naiiyak ako. Yung naramdaman ko noong nawala si Alliza, naramdaman ko ulit. Nagsimula na 'kong umiyak.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Andrea, kung nandoon ba si Alliza sa room nila. Idi'dial ko na sana pero nakita kong tumatawag si Julian kaya agad agad kung sinagot iyon.

"H-Hello? J-Julian? S-Si Al-Alliza, nandiyan ba?" nanginginig na ako.

("Hello? Ally? Oo nandito siya. Nasaan ka na ba?") nakahinga ako ng maluwag. Pinunasan ko luha ko at saka umupo sa kama.

"Nasa kwarto pa 'ko. Nasaan na ba kayo?"

("Pumunta ka na dito sa dagat. Ngayon din. Bye") pinatay na niya yung tawag.  Ano naman gagawin namin sa dagat? Maliligo ulit? 'E apat na araw na kaming ligo ng ligo 'e. Bukas na bukas, uuwi na kami sa Manila.

Kinuha ko ang jacket ko at nagtakbo papunta sa dagat. Sobra akong kinakabahan kay Alliza.

Pagkadating ko sa dagat, walang tao. Tanging ilaw lang ng buwan ang ilaw.

"A-Alliza? R-Ryan?" bulong ko sa sarili ko. Ayoko ng ganito. Takot akong mag isa.

"Ate.." napatingin ako sa may likuran ko.

"Alliza!" sigaw ko at niyakap ko siya. Di kakayanin na mawala pa ulit siya.

"Ate, umiiyak ka ba?" nakayakap parin ako sakanya.

"'Ate, huwag kang umiyak kasi tong gabing to, ang pinakamasayang gabi sa buong buhay mo..." ha?

Kumalas ako, pinunasan niya ang luha ko at bigla siyang umalis. Tatanungin ko para siya kung saan siya pupunta ng biglang lumiwanag ang paligid ko. Ang dami lights sa mga puno malapit sa dagat.

May kandila sa inaapakan ko, nasa loob ako ng shape na puso na kandila, nasa gitna ako ng mga heart shaped na kandila na kulay red.  Yung mga kandila, nag'formed na heart. Sa heart na yun. May kadugtong na kulay yellow na parang daanan at dun may red carpet papunta sakin.


You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide


May tumugtog na piano at gitara sa paligid at may kumakanta na familiar ang boses sakin.


So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes


Hinahanap ko yung kumakanta.


Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon