Chapter 60: The past about her family (Part 1)

140 12 0
                                    

Jasmine's POV

"Yaa! Tumahimik ka na nga jan" sabi ko. Kanina pa sunod ng sunod sakin si Alvin at tinatawag akong babe.

"Kausapin mo na kasi ako babe" pinatitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa Mall, pinagkakamalan na yata kami magsyota na nag aaway dito.

"H'wag mo nga akong tawaging babe" sabi ko sabay irap sakanya.  Di tuloy ako makapamili ng maayos.

"Eh ano gusto mo? Baby? Sige. Pansinin mo na kasi ako baby" sambit niya kaya inirapan ko ulit siya.

"Ang kulit mo talaga" sambit ko.

"Kausapin mo kasi ako" tinignanko siya.

"Kapag ba kausapin kita tatantanan mo na ako?" seryosong tanong ko sakanya.

"Hindi din" tumawa siya kaya mas lalo akong nabadtrip. Iniwan ko siya tumatawa doon.

"Babe naman" at hinabol nanaman niya ako. Saan ba nagmana tong lalaking to at sobrang kulit na sunod ng sunod.

Di ko nalang siya pinapansin at nagbayad nalang ako para makauwi na.

"Babe, kausapin mo na ko. Treat kita ng fishball" Fishball? Psh! Cheap guy.

"Ate, pakibilis nalang po" sabi ko sa cashier na kanina pa kami tinitignan.

"Ma'am kausapin mo na kasi si Sir, kawawa 'o" inirapan ko yung cashierat tinignan si Alvin, nakapout pa at nagpu-puppy eyes sakin. Tss. Di bagay.

Kinuha ako na ang pianmili ko at iniwan ko nalang siya don. Pumara nalang ako ng taxi para makauwi na ako. Tss. Stress day.

~

Allyssa's POV

Lumabas na ako sa kwarto ko at nagdiretso sa Park. Sa Park kong saan nawala si Alliza, sa park kong saan di ko na pinuntahan simula ng mawala si Alliza sa pamilya namin.

Ilang minuto rin akong nakaupo sa kotse ko habang nakatitig sa manobela ng kotse ko. Nag aalanganin pa ako ako bababa ba ako at pumunta sa park o uuwi nalang ako.

Napatingin ako sa cellphone ko. 4:30 pm na. Napatingin ako sa Park. Bigla nalang akong lumabas ng kotse ko at dahan dahang lumapit sa Park.

Wala pa'ding nagbabago sa Park na ito. Madami pading naglalarong mga bata sa playground. Bigla akong napatingin sa gawing kanan ko, may nakita akong dalawang babae na magkapatid yata. Hawak hawak ng ate niya ang kamay ng kababatang kapatid na babae. Nagtatawanan sila.

"A-Alliza" di ko namalayang pumatak na pala ang luha ko sa mata na kanina ko pa pinipigilan.

Naaalala ko, naalala ko ang nangyari, naalala ko ang nangyari 12 years ago. Alalang alala ko.


*Flashback*

"Sweetie, bibili lang kami ni Andrew na makakain ha? Dito lang kayo" hinalikan ni daddy sa noo si mommy at umalis na siya kasama si kuya Andrew.

"Okay sweetie" sagot naman ni mommy. Hawak hawak ko ang kamay ni Alliza na kanina pa nagpupumilit na pumunta sa kalsada pero hinawakan ko ang kamay niya para di makapunta sa kalsadang ang daming sasakya. I was 5 years old that time and Alliza was 4 years old.

"Ate, please? Let's go there. I want see the many cars there." kanina pa nagpupumilit si Alliza na magpunta sa kalsada 'e ang daming sasakyan. Kanina pa niya pinipilit tanggalin ang kamay niya sa kamay ko para makapunta don.

"No Alliza, nandon sila dad 'o. Makita nila tayo, papagalitan nila tayo"

Tinuro ko sila daddy na naglalakad papunta sa kotse namin.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon