Jason's POV
"Yung balloon ready na ba?" Alalang tanong ko sa mga designers na inupahan ko.
Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.
"Ready na daw po" sagot ng bakla.
Tinignan ko ang oras. 4:30 pm na. 7:30 ang oras na susunduin ko si Andrea.
"Yung mga kandila sa sahig?" tanong ko ulit. Namimili kasi ako ng mga fireworks, bulalak, chocolate at sky lantern para mamaya. Sinama ko ang isang bakla para siya ang magpili sa mga magandang design at para na din taga bitbit.
"Oo daw po" sagot ng bakla.
"Yung mag aasikaso ng mga fireworks, okay na ba?"
"Opo sir, on the way na din po sila" tumango ako. Tinignan ko ang oras, 5.:00 pm na pala kaya binilisan ko ang lakad ko papunta sa kotse ko.
"Sir, bakit ang dami niyong tanong?" nagulat ako sa tanong ng bakla kaya tinignan ko siya bago ako sumagot.
"Before you asked me that, asked yourself first. Are we close?" titig na titig kong sabi sakanya. Napayuko nalang siya dahil sa hiya.
"S-Sorry sir" sambit niya pero 'di ko pinansin.
Agad akong pumasok sa kotse ko at nang makarating kami sa lugar kong saan gaganapin ang mangyayari mamaya ay nagsalita ako.
"Dapat magbalik namin mamaya, ready na ang lahat. Gandahin niyo ang decoration." sabi ko, tumango naman siya. Nilabas ko ang wallet ko at naglabas ng pera.
"Eto 100 thousand, hati-hati kayong apat na bakla jan. Pati na ang maghahandle ng fireworks" sabi ko at binigay sakanya ang pera.
"Opo sir. Salamat" bumaba na siya sa kotse ko at mabilis kong pinaharurot ang kotse ko.
***
Inaayos ko ang neck tie ng tuxedo ko habang bumababa ako ng hagdan.
Pumasok ako sa kotse ko at nagpunta sa bahay nila Andrea.
Agad naman ako pinagbuksan ng gate ng guard nila.
"Sir, may date po ba kayo ni Ma'am Allyssa?" tanong ng isang katulong nila na pinagbuksan ako ng pintuan. Di ko siya pinansin at nagdiretso lang ako sa loob ng bahay nila.
"Tatawagin ko po si ma'am Andrea, sir" tumango nalang ako at umupo sa sofa nila sa sala.
Kahapon ay nasabi na sakin ni Andrea na wala ang mga magulang niya. Nasa bussiness trip sila kaya katulonglang ang kasama niya dito. Kaya ngayong wala ang mga magulang niya, sasamantalahin ko na ang pagkakataon. Aamin na ako. Oo ina-arrange marriage nila kami pero ayoko ko na. Ayoko ng ituloy. Gusto ko ng totohanin. Yung hindi na kami dinidiktahan ng mga magulang namin sa pagsasama namin kasi I want to be with her forever.
Oo minahal ko si Allyssa pero dahil kay Jane nasira iyon. Oo minahal ko si Allyssa pero iba ang nararamdaman ko ngayon kay Andrea. Kahit sa ilang buwan palang kaming magkasama ni Andrea ay nahulog na ang loob ko sakanya. Nakita ko rin na may pagkakapareho sila ni Allyssa pero madami din silang hindi nagkapareho'an. Harsh man sabihin na ex-girlfriend ko si Allyssa, pero ngayon ay ang kaibigan na naman, wala na akong pakealam dahil ang alam ko lang ay mahal ko si Andrea. At iba ang naramdaman ko kay Andrea, ibang iba kay sa nararamdaman ko kay Allyssa. Kay Andrea, tinuruan niya ako pa'no magmahal ng totoo, paano magmahal kong paano magmahal sa taong alam kong nakatadhana sakin.
"J-Jason? Bakit ka nandito?" tumayo ako sa kinauupuan ko at ngumiti kay Andrea.
"Susunduin sana kita" ngumiti ako. Ang ganda niya kahit nakapantulog na siya, matutulog na rin yata siya 'e. Pero ang ganda niya talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/24870223-288-k107418.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...