Chapter 54: Still

145 16 0
                                    

Julia's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa room ni Andrew. Ilang araw na ang nakakalipas simula ng gabing yun kaya bukas na bukas ay makakauwi na kami. Galing ako sa caffeteria, bumili ng pagkain.

Pagbukas ko ng door knob ay bumungad sakin na may kausap si Andrew sa cellphone niya.

"Ha? Kelan yun?" tanong niya sa kausap niya.

"Nakita mo? Bakit malabo yung mukha niya don?" I think it's Allyssa.

" Sige ikaw bahala. Tawagan mo ako kong may balita na sa paghahanap mo. Okay? Goodluck baby. Iloveyou" Yeah, I'm right. It's Allyssa, si Allyssa lang naman ang tinatawag niyang baby at kung may girlfriend siya.

"Ay nandito ka na pala" natauhan ako ng magsalita siya.

"Ah oo" ngumiti ako

"Si Allyssa napaginipan niya daw si Alliza, kasama niya daw siya sa isang park, then nong bumili siya ng Ice cream pagbalik niya nakita na daw niya yung balat ni Alliza sa tiyan niya. Blur daw yung mukha ni Alliza don pero alam niyang si Alliza yun dahil sa balat niya" kwento niya

"Baka naman sign yun na malapit na niyang mahanap kapatid niyo" ngumiti siya sakin.

"Hahanapin niya nga daw siya 'e. Sabi ko bahala siya basta tawagan niya ako kong may balita" tumango naman ako. Masaya ako dahil don. Alm kong sabik na sabik na siyang mahanp ang kapatid niya.

"Ay kumain na tayo" sabi ko at nilabas ang mga pagkain mula sa paper bag.

"Kinausap ko pala ang assistant mo. Sinabi kong siya muna ang bahala sa kompanya" sabi ko habang sinusubuan siya.

"Buti naman kong ganon" sabi niya.

"Nakapagreport na din ako sa mga pulis tungkol sa pagkakabaril mo" sabi ko din. Napatigil siya sa pagnguya.

"Ano palang nangyari at umiiyak ka ng gabing yun? Bakit nabaril ako?" napatigil ako. Nagsisi yata akong sabihin sakanya na nakapagreport na ako sa mga pulis.

"H-Hmm"

"Ano?" mukhang galit na siya.

"Sorry" sambit ko nalang dahil nakaramdam na akong may tumulong luha sa pisngi ko.

"S-Sorry? For what?" tanong niya.

"Dahil sakin nabaril ka. It supposed to be me" umiiyak na ako.

"That night, lumabas ako ng bahay para bumili sana ng bond paper, di ko alam kong saan ako bibili kaya napadpad ako sa isang lilim na lugar at don bumuhos ang malakas na ulan. D-Di ko alam na sinundan pala ako ng mga lalaking komid-nap sakin no--"

"Shims! J-Julia" natulala ako daw may pumatak na luha sa mata niya.

"A-Andrew sorry" paghihingi ko ng tawad.

"No. Sorry" hinawakan niya ang kamay ko.

"Sinabi kong pro-protekhan kita pero wala akong nagawa. Nasundan ka padin nila. Kong alam ko lang na lumabas ka ng bahay mag isa, sana di kita pinayagan" sambit niya. Naiyak nalang ako dahil don.

"Tatawagin sana kita sa kwarto upang tanungin kong natapos na ba pero wala ka don sa kwarto mo. I tried to call you pero di mo sinasagot. So lumabas ako ng bahay para hanapin ka, nang di kita mahanap kinabahan ako kaya ginamit ko ang kotse para hanapin ka hanggang sa makita kitang tumatakbo. Ang lakas ng ulan kaya mas lalo akong kinabahan. Huminto ako sa harap mo noon pero mas binilisan mo ang pagtakbo kaya lumabas ako ng kotse at niyakap ka." kwento niya.

"Masama ang kutob ko sa oras na yun kaya naiyak nalang ako ng di mo alam. Nang marinig ko ang hikbi mo, parang gusto kong suntukin ang sarili ko. Hanggang sa may narinig akong putok ay mas hinipitan ko ang yakap ko sayo pero natumba nalang ako sa sahig" pagpapatuloy niya. Niyakap ko nalang siya.

"Kasalanan ko naman 'e, sana di na ako lumabas pa ng bahay" sabi ko.

"Julia, sa gabing iyon. Nakita ko muli sa mga mata mo ang pag aalala kaya pinakalas ko ang loob ko. Di ako sumuko. Ayoko kasing iwanan ka, ayokong walang aalaga sa taong mahal ko" napakalas ako sa pagkakayakap sakanya.

Now playing: Pusong ligaw by Jericho Rosales

Di kita malimutan sa mga gabing nagdaan ikaw ang pangarap nais kong makamtam sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan pag-Ibig ko'y walang kamatayan ako'y umaasang muli kang mahagkan

"Julia, naaalala mo yung sinabi ko sayo sa kotse noong gabing yun?" tumango ako ng bahagya.

"Totoo yun" ewan ko pero tumalon yata ang puso ko dahil sa tuwa.

"Nakipaghiwalay ako noon sayo dahil sa pagpunta ko dito sa New York, hiniwalayan kita kasi baka di natin kayanin ay Long distance relationship pero noong nandito na ako, nagsisi ako. Sana di nalang kita hiniwalayan. Ilang taon kong kinimkim ang pagsisisi, mahal padin kita. Umuwi ako sa Pilipinas, naramdaman ko ulit ang bilis ng tibok ng puso ako. Nakita ko ulit yung saya sa mata mo kaya akala noon, meron ng pumalit sa pwesto ko pero wala pala. Di ka pa'din nagbabago" kanina pa ako punas ng punas ng luha ko.

Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw ikaw ang patutunguhan at pupuntahan pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw mula noon, bukas at kailanman

"Noong araw na nakipag break ka sakin. Oo aaminin ko, nagalit ako pero sa nawala rin ang galit ko. Hinayaan ko ang sarili ko sa pagmove on pero wala 'e, mahal na mahal kita kaya sa huli, hinayaan ko nalang ang sarili kong mahalin ka ng palihim." pag aamin ko. Alam kong gulat din siya.

Ikaw at ako'y sinulat sa mga bituin at ang langit sa gabi ang sumasalamin mayroong lungkot at pananabik kung wala ka'y kulang ang mga bituin aasa ako, babalik ang ligaya, aking mithi hanggang sa muling pagkikita sasabihin mahal kita

Tumayo siya sa kama, pinigilan ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya.

Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw ikaw ang patutunguhan at pupuntahan pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw mula noon, bukas at kailanman

"Sa mabilis na tibok ngayon ng puso ko. Dahil ito sayo" pumatak nanaman ang luha niya.

"Julia, I still loved you. C-Can you give me another chance?" tanong niya. Ngumiti ako sakanya.

"No" maikling sambit ko.

Nakita ko ang lungkot sa mukha niya kaya nagsalita na ako.

"No because I'll give you more chances, not only one but it's forever." malambing ko sabi. Niyakap niya agad ako kaya niyakap ko rin siya.

" Pangako hindi hindi ko sasayangin ang chance na 'to para iparamdam ko sayo na mahal talaga kita" ngumiti ako.

"Alam ko naman na mahal mo 'ko 'e. Sa yakap mo palang ay sa salita mo, alam ko." Kumalas siya.

"T-Tayo na ulit? Magsimula ulit tayo at don,di na tayo maghihiwalang pa" kinikilig na ako 'a.

Tumango ako.

"Oo, tayo na. Magsimula ulit tayo" sagot ko.

"I love you Julia" tinignan ko siya sa mata niya.

"I love you too Andrew"

Nilapit niya ang mukha niya sakin. Alam kong hahalikan niya ako kaya pumikit ako.


Then he kissed me. Ang halik na ngayon ko nanaman naramdaman.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon