Julian's POV
S-Si Rica? S-Si Rica Arevallo na classmate ko na enemy namin? M-May anak?! Sabagay, ngayon lang namin siya naging kaklase pero may anak na siya.
"Bakit natahimik ka?" tanong ni Manong.
"Wala po, sige po aakyat na po ako" ngumiti ako, kinuha yung mga pagkain at yung damit at saka umakyat na.
"Hi Mike, sorry kong natagalan ako ha?" kakabukas ko palang ay nakita ko na si Mike na nakatulog. Ang himbing ng tulog niya.
Nilapag ko yung pagkain sa table ko at nilapitan siya. Ang himbing ng tulog niya, parang di siya nasasaktan sa pinag-gagawa ng yaya niya sakanya.
And dami pa niyang pasa sa katawag, sugat sugat ang kanyang mga kamay at yung mga mata niya na ang pungay pungay pero ang cute. Siguro kong ako ang yaya niya, baka ginawa ko siyang stuff toy ko. Ang cute niya kasi 'e kahit madaming pasa.
Tumayo ako at siya.
Papakainin ko pa sana siya at papaliguan pero nakatulog naman na siya.
Maliligo na sana ako ng tumunog cellphone ko.
Tinignan ko kong sino pero unregistered number.
Fr: 09*********
Meet me at the park tommorow at 9:30 am. -ChristopherSi Christopher? Saan naman niya nakuha number ko? Yieee! Kinikilig ako, stalker ko ba siya? Teka, bakit niya ako pinapapunta sa park? May sasabihin ba siya? Aamin na ba siya? Ay takte! Teka nga lang, tutulungan pa namin si Mike. Pero may pasok pa kami bulas. Hmm, bahala na basta matulungan namin si Mike.
Binaba ko muna yung mga pagkaing dinala ko at nagdirestso na akong banyo at naligo.
~~~~
Papunta na akong park kasama ko si Mike. Di na ako pumasok dahil pupunta rin naman kami ni Mike sa mall para bumili ng damit niya. Ngayon ay pinasuot ko sakanya yung damit ni Manong. Ang laki ng damit kaya hanggang tuhod niya na, at nagmumukha sa siyang spongebob sa damit niya. Paano na kaya 'pag nakita siya ni Allyssa? Edi gera na?
"Oh bakit mo kami pinapapunta dito?" tumayo siya at may binigay na box samin.
"The call number!" sigaw ni Mike at inagaw ang box.
"Thank you!" niyakap kami ni Mike at binuksan yung box. Nasa loob non ang call number ng mommy niya.
"Paano mo nakuha?" tinignan ko si Christopher
"Makinig ka, ikukwento ko nalang"
Flashback
Christopher's POV
Nang maihatid ko sina Julian at Mike sa bahay nila ay di na ako nagdalawang isip na bumalik don, kukunin ko ang susi.
K'pag kasama ko sina Julian, baka lalo pa silang mapahamak kaya hinatid ko nalang sila at di sinabing babalik pa ako don.
Ngayon ang papasok na ako ng bahay, nakita ko ang yaya niya na nakaupo sa isang upuan na nakahawak sa balakang niya, nasaktan pa siya sa pag higit ko sakanya, pero wala akong pakealam kasi mismo musmos na bata ang minamaltrato niya.
"Bumalik ka" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko
"Bakit mo sinasaktan ang bata?" matapang kong tanong
"Para maakin ang kayamanan nila" nakangiting sabi niya.
"Wala ka bang konsensya? Bata yun. Wala ka bang anak?" matigas kong sabi.
"Meron, pero patay na siya, namatay siya dahil sa sakit na Leukemia, Walong taong gulang siya nong namatay siya dahil sa di pagtulong samin ng mga magulang ni Mike" sa sinabi niyang yun ay napaisip ako, namatay ang anak niya dahil sa di pagtulong ng mga magulang ni Mike sa anak niya.
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...