Chapter 16:My kuya is back!

211 28 1
                                    

"Peste! Sana di nalang ako sumali sa pageant" sabi ko kay Julian,nandito kasi kami ngayon sa mall kasama ko si Julian,mamimili kasi kami ngayon ng mga gown and heels for pageant namin.

"Ano kaba,wag kang KJ,ito isuot mo uli ito" sabi ni Julian sabay sakin yung kulay red na gown kaya pumasok ulit ako sa fitting room para isukat yun.Tapos na kasi pumili si Julian ng kanya eh,ako nalang ang hindi dahil maarte daw ako sa mga gown sabi ni Julian :3

"Kyaa! Bagay sayo, kunin mo na rin yan para kumpleto na" sabi ulit niya at pumunta na kaming counter at nagbayad tapos pumunta kami sa salon ni ate Julia.

"Hi ate" bati ko sakanya

"Hello,Ano kailangan niyo?" nakangiting tanong niya

"Ate kailangan kasi namin ng make up artist for pageant" sagot ni Julia

"Kelan ba? Sino ang sasali?" tanong ni ate Julia na nakataas pa ang dalawa niyang kilay

"Kami po" sagot uli ni Julia

"Kayoo??!!" wow? Nagulat talaga?

"Oo ate" sagot ko

"Kelan ba?"

"Next week po ate sa wednesday" sagot ko uli

"Sige sina Sugar,Pepper,Salt ar Grain nalang yung kunin niyo,sasabihin ko nalang sakanila"

"Sige ate salamat" sabi naming dalawa at umuwi na,malapit na kasing gumabi eh kaya nagpasundo na ako kay manong Roly.

Nang nasa gate na kami,napansin kong bakit ang daming maid na nasa sala? Kadalasan pag malapit ng gumabi,nagsilulutuan na ang mga yun eh at tsaka nag sisilinisan pare ngayon bakit nasa sala silang lahat at bakit ang daming ilaw na nakabukas sa loob ng bahay, may bisita ba? may patay ba? Hala? Si yaya!! Bigla akong bumaba sa kotse at napatigil  ako ng may nakita akong kulay red na kotse,teka? Kotse ba to ni kuya? Weh? Bakit naman yun uuwi dito? Tinignan ko yung plate number ng kotse.

O______O

"Surprise ma'am" biglang sabi ni manong Roly kaya kumaripas na ako ng takbo papasok sa loob,oo meron si kuya Andrew ko.

"Surprise baby!" mas nagulat ako ng makita ko si kuya ko na nasa harap ko at niyakap ako.

"Kuya bakit ka nandito?" tanong ko,kasi biglaan siyang napauwi eh.

"Namiss ko baby ko eh" oo baby tawag niya sakin kasi sabi niya siya na daw kasi ang tumayong tatay ko nong ayaw na sakin ni daddy kaya baby na daw niya ako.

"Nambola pa, bakit? Ano gagawin mo dito kuya?" tanong ko at kumalas ako sa pagkakayap sakanya.

"Manonood ako sa pageant mo?" O__O

"Alam mo kuya?"

"Pwede bang hindi ko iyon malalaman?" sagot niya na nakangisi at may pumasok na idea sa utak ko.

"Yaya naman eh,bakit mo sinabi kay kuya na sasali ako?" tanong ko kay yaya na parang may halong childish voice yung boses ko.

"Aba anak,dapat malaman ni kuya mo yun ano" sagot naman niya

"So ano baby,may mga isusuot kana sa pageant?" tanong ni kuya ka pinakita ko sakanya yung mga paper bags na nasa tabi ko

"Eh make up artist?" tanong niya ulit

"Meron na kuya,yung mga bakla sa salon ni ate Julia" sagot ko

"Si Julia,kamusta na pala siya?" bigla niyang tanong,diba nga kasi ex niya si Ate Julia.

"Okay lang siya kuya,teka,hanggang ngayon di mo parin sinasabi sakin yung rason kong bakit kayo nagbreak ni ate Julia kuya ah" pagiiba ko sa usapan

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon