Chapter 59: 4-A

135 12 0
                                    

Julian's POV


"Sure ka ba anak?" tanong ni mommy sakin ng magkwento ako about kay ate at kay kuya Andrew. Oo alam ko na, tumawag kasi si ate Julia sakin kanina na sila na daw ulit ni kuya Andrew. Nakwento na rin niya about yung mga bad guy kaya syempre kinabahan din ako pero nangako ako kay sakanya na h'wag ipagsasabi kay mom and dad baout sa mga bad guy kaya etong relasyon nalang ni ate at kuya Andrew ang kinuwento ko.

"Oo mommy" sagot ko naman saka ngumiti.

Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog cellphone ko kasi may tawag. Tinignan ko.


*Pards Calling*

Ay oo nga pala! May date pala kami ngayon, nakalimutan ko. Kaya sinagot ko ang tawag niya.

"Hello Pards?"

("On the way na ako papunta jan sa bahay niyo. Ready ka na ba?") Omo!

"Ah eh di pa ako nakaligo at kumain 'e hehe" sagot ko.

("Sige. Hintayin nalang kita jan") buti at sumang ayon siya. Baka mahampas ko yun 'pag nagreact. Tss.

"Sige. Byee" sabi ko nalang at pinatay ang tawag.

"Sige yun?" ngumiti ako kay mommy.

"Si Pards po" inirapan ako ni mommy.

"Pards? Bakit ganyan tawagan niyi ng boyfriend mo? Pwede namang baby, sweetie, babe, hon--" di ko na pinatapos pa si mama at umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos kong naligo, lumabas na ako ng banyo sa kwarto ko.

"Waaaaaaaa!" nagulat ako kasi paglabas ko nakita ko si Christopher na nakaupo sa kama ko 'e nakatwalya lang ako.

"Hi Pards!" bati niya pero tinanggal ko ang tsinelas ko at hinampas hampas siya.

"Bakit ka nandito?! Lumabas ka nga muna!" galit kong sabi habang hinahampas hampas siya.

"Aray! Ouch! Pards naman 'e. Pinapasok ako ni mommy mo dito para daw di--- ouch! Para dito mag antay sayo-- ouch!" sagot niya.

"Ginusto mo naman?!" galit kong sabi.

"Ouch! Pards nama-- oo na lalabas na ako!" sabi niya kaya tinigil ko na ang paghampas sakanya.

"Bilis! Alis!" sigaw ko kaya tumayo siya.

"Pero Pards, ang hot mo!" nag init ako bigla sa sinabi niya kaya binato ko ang tsinelas ko.

*Blag!*

Pero bago siya matamaan ay nasara na niya yung pinto. Nag init nanaman ako.

"Yaaaaaaaa!!" sigaw ko at umupo sa kama ko. Dinig ko naman ang malakas na tawa niya sa labas.

"Ano tinatawa tawa mo jan?" sigaw ko kaya di ko na narinig pa tawa niya.


Tumayo ako at nagbihis. Sinuot ko na ang pantalon ko. Nagtshirt at nag rubber shoes. Saka lumabas ng kwarto.

"Oy! Hi Pards!" nakita ko nanaman si Christopher na nakaupo sa sala at nanonood ng power puff girls. Bakla yata. Tss. Inirapan ko lang siya.

"Pards naman.  Ang ganda ganda ng suot ko 'o tapos ikaw nakapantalon? Mas lalaki ka pa tignan kaysa saki--" binato ko agad sakanya ang sapatos ko kaya tumahimik na siya.

"Tumahimik ka! Tara na nga! Akin na yang sapatos ko!" sigaw ko at inagaw sakanya ang sapatos ko at sinuot.

"Pards, ganyan ka na ba talaga?" tinignan ko siya at inirapan kaya napakamot nalang siya ng ulo niya. May kuto ata. Tss.

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon