Andrew's P.O.V
Pagkatapos kong mabasa ang nilalaman ng maliit na note ni Allyssa binalak kong tuparin ang iba dun kaya kinabukasan binalak kong bumalik sa New York para magtrabaho ulit sa mga kompanya ko,.
Nasa labas ako ng kwarto ni Allyssa,kinatok ko iyon para magpaalam ako sakanya pero hindi niya ito binubuksan kaya ako na mismo ang nagbukas at di naman ito nalock,nadatnan ko siyang natutulog,ang himbing mg tulog niya,parang wala siyang problema na dinadala,alam ko kong gaano kasakit sakanya ang itakwil siya ng sarili naming ama,naawa ako sakanya.
Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok at parang naiiyak na ako dahil parang ayaw ko ng bumalik sa new york at manatili nalang dito kasama niya pero kailangan kong nagtrabaho para sa kinabukasan niya.
"Baby,kailangan ko ng bumalik sa New York ngayon,magtatrabaho na ulit si kuya,magpapakabait ka kay yaya mila baby ha? Wag kang magpapakapasaway" paalam ko sakanya at hinalikan ko yunh noo niya at tumayo na ako sa kama niya,lalabas na ako ng makita ko si yaya Mila na nakatayo sa pintuan na nakangiti
"Simula ng naitakwil siya ng daddy niyo,kahapon ko lang ulit siya nakita
yung mata niya halatang masaya,at masaya ako dahil nakita ko ulit yun sakanya" sabi ni niya kaya napangiti ako
"Oo nga yaya eh" yun nalang ang tangi kong nasambit dahil medyo nahihiya ako sakanya dhil hindi ako ang nag alaga kay Allyssa kondi siya.
Sinabayan naman niya ako sa paglalakad pababa sa hagdan hanggang sa pumasok na ako sa kotse ko
"Magiingat nga" sambit ni yaya
"Osige po,pakisabi nalang po kay Allyssa na umalis na po ako,at babalik po ako dito sa pasko" sabi ko kay yaya,tumango naman siya at umalis na ako.Habang nagdridrive ako,hindi ko maiaawasang maisip si Julia,di pa ako nagpaalam sa kanya,
tapos wala pa akong load kaya,huminto ako sa may store at nagpalod ng isang daan,papasok na sana ulit ako sa kotse ko ng biglang nagsalita yung katabi kong babae sa store na parang kaage lang ni Alliza,yung nawawala naming kapatid.
"Kuya,saan mo po binili yang spongebob na keychain sa cellphone mo? Ang cute po,akin nalang po" sabi ng babae at tinuro yung spongebob na keychain sa cellphone ko,binigay to ni Allyssa sakin nung first time kong pumunta sa New York para nagtrabaho para daw pag nakita ko tung spongebob na keychain maalala ko daw siya.
"Hindi,binigay kasi ito ng kapatid ko at bawal kong ipamigay" sagot ko sakanya at nakita ko na halatang nadismaya yung siya
"Kung gusto mo bilhan nalang kita ng spongebob na stuff toy" sabi ko parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya
"Talaga po? Sige po" sabi naman niya at nalakad nakami papunta sa mall.
"Kuya di mo po ako kikidnapin?" nagulat at sa tanong niya kaya papatawa ako ng malakas,parang siya lang si Allyssa,ganyan din siya kong umasta
"Hahahahahaha"
"Ano pong nakakatawa?" tanong niya
"Wala naisip ko lang yung kapatid ko,kaugali mo kasi" sabi ko
"Ano pong pangalan niya? Baka po pwede kaming maging friends" sabi niya kaya mapasmile ako,di ko alam kong bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya
"Oo naman pwedeng pwede,Allyssa ang pangalan niya" sagot ko
"Ilang taon na po siya?"
"16 palang siya,oh nandito na pala tayo" sabi ko ng nakarating kami sa harap ng mall,malapit lang kasi sa store na nagpalodan ko dito sa mall na ito,pumasok kami sa isang department at binilhan ko siya ng malaking stuff toy ng spongebob,pareho sila ni Allyssa at Alliza na mahilig sa spongebob parang siya lang si Alliza. Oo meron akong kompanya ng mga teddy bears pero wala akong dinala dito sa Pilipinas ni isa.
Pumunta na ako sa counter para bayaran yung spongebob
"Sir,kapatid mo po?" biglang tanong ng babaeng cashier na ikinagulat ko
"Ahh hindi,hindi ko siya kilala eh" pagmamatuwid ko
"Weh? Eh magkamukha po kayo eh,at saka pareho po kayo ng mata" sabi naman niya kaya napalingon ako sa babaeng kasama ko na busy sa pagpupunas ng natanggal na salamin niya sa mata gamit yung laylayang ng damit niya,kaya nakita ko ng mas mainam yung mata niya,ang ganda,pamilyar yung mata niya sakin,parang nakita ko na pero di ko alam kong saan
"Ano sir? Totoo po diba?" napatingin ulit ako sa cashier at di ko siya sinagot,daming tanong eh
"Sir,1700 po lahat"kaya binigay ko yung 2000 ko at kinuha yung sulkli ko kaya binigay ko yunf spongebob sa babae
"Salamat po" sabi niya at halatang sobrang saya niya kaya napangiti naman ako
"Walang anuman,ang gaan gaan ang pakiramdam ko sayo" sabi ko at nakita ko naman niya ngumiti at tumingin siya sa relo niyang halatang tig 150 sa tabi tabi.
"Nako" bigla niyang sabi
"Bakit?" tanong ko na nakakunot yung noo ko
"K-kasi 10 oclock na,mapapagalitan ako ng tatay ko,nagpabili lang siya ng itlog sakin para sa ulam ng nanay ko pero di pa ako nakabili" nag aalalang tono ng boses niya
"Kailangan ko ng umalis,salamat dito kuya" sabi niya ulit at akmang aalis na siya pero hinawakan ko yung braso niya na dahilan kaya napahinto siya
"Bakit po?" tanong niya
"Taga saan ka? Ihahatid na kita " sabi ko na nag aalanganin pa kong tanungin at irequest iyun dahil baka di niya tanggapin yun dahil kakakilala lang namin,teka wala akong gusto sakanya ha? Utak niyo.
"H-hindi na, ayos lang ako,taga jan lang ako sa tabi tabi malapit dito" sabi niya at nagmamadali siyang may kinuha sa bulsa niya,isang butones ang kinuha niya mula sa bulsa niya,butones na spongebob
"Sayo na ito,pasasalamat ko sayo kuya,salamat dito" sabi niya at tunuro yung spongebob na yakap yakapo niya at nagmamadali siyang tumakbo,dahil sa pagmamadali niya,may nahulog mula sa bulsa niya,isang kwintas na pamilyar sakin,pinulot ko iyon at hinabol ko siya para isuli tung kwintas pero di ko na siya naabutan,ang bilis niyang tumakbo kaya huminto na ako para tignan yung kwintas niya,lumaki yung mata ko sa gulat.
"A-Alliza?"
****
(N/A: Dahil po 1st month ng storya kong to ay nag update na ako,kahapon po ako nag update na last kaya nag update na ulit ako ngayon:) "
Sino kaya yung babaeng inaakala ni Andrew na siya si Alliza? Abangan!
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...