Allyssa's POV
Naglalakad ako ngayon dito sa corridor, pinagtitinginan ako ng mga studyante dito. Alam kong nagkalat na dito sa campus about kay Iza at yung kapatid ko DAW siya.
Pumasok ako ng classroom. Lahat ng mata nila, nasaakin. Tinaasan ko nalang sila ng kilay kaya inalis na nila ang tingin nila saakin.
Alam na din pala ni kuya yung about kay Iza, baka uuwi siya dito next week. Nasabi pala ni yaya sakanya. Kahit busy siya sa campany, mas pinili niyang umuwi dito. Tss.
"Hey" umupo ako sa upuan ko. Tinignan ko si Kaye na nakatingin skin, tinaasan ko lang ng kilay.
"Alam ko na, nakwento na sakin ni Julian about kay Iza" di ko na siya pinansin. Nagheadset nalang ako para di ko marinig ang mga tao at pinikit ang mata ko.
Ilang minuto na din akong nakapikit kaya nagpasya na ako na dumilat at tanggalin ang headset ko.
Pagdilat na pagdilat ko lang ang mga mata ko, saktong si Iza pa na papasok ng classroom ang unang nakita ko. Ngumiti siya sakin, inirapan ko nalang ako at nakita kong nakatingin pala lahat sila saakin. I told you, alam na nila.
"Allyssa, bakit kong bigyan mo naman ng pagkakataon si Iza napatunayan na siya nga si Alliza?" inis akong tumingin kay Jasmine.
"Why would I?" mataray kong sambit. Oo nagpatulong ako sakanila na hanapin si Alliza pero nong si Iza ang sinabi nila? Gosh?! Sana di nalang ako nagpatulong nagpahanap pa.
"W-wala naman mawawala kong subukan mong pakinggan siya diba?" sambit naman ni Jassey. Ano bang pakealam nila?
"A-Ate?" mas lalo akong nainis ng makita si Iza sa harap ko na nakatingin sakin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di kita kapatid ha?" sa inis ko, naitulak ko siya. Napaupo siya sa sahig.
"Iza!" sigaw ni Julian at nilapitan ito at tinulungan. Naiyak nanaman si Iza. Inirapan ko siya bago lumabas ng classroom, pinagtitinginan pa din ako ng mga studyante.
Bakit ba kasi lalapit lapit siya sakin at tatawagin akong ate? Tapos kapag nainis ako at masaktan ko siya, iiyak siya? How OA she is? Duh?! As I've said, she is not my sister! At never mangyayari yun.
Umupo ako sa isang bench na konti lang ang mga studyante, time na kasi kaya nasakanya kanya na silang mga klase.
"I hate her!" sigaw ko.
Bakit kailangan pa niyang ipagsiksikan ang sarili niya sakin na maging kapatid ko?
"Hey girl" napatingtin ako sa nagsalita sa harap ko. Tss. It's Jane and RicaTinaasan ko sila ng isang kilay.
"Do you need something?" mataray kong sambit sakanila.
"Balita ko, kapatid mo daw yung nerd sa classroom natin. Hahaha" tawa sila ng tawa, uminit naman dugo ko sa sinabi ni Jane.
"Tss, are you sure? Do you have any evidence to say that she's my sister?"
"Evidence? Haha, we don't need that kasi sa mukha palang, halatang magkapatid na kayo! Parehong freak" tawa sila ng tawa.
"Oh really? Alam mo bang nakilala ko kahapon ang kapatid mo?" yes, I know na may kapatid siya. Kumunot naman noo niya.
"Oo nameet ko siya, namamalimos kasi siya saakin kahapon, sabi niya di pa daw siya pinapakain ng kapatid niyang unggoy. Tinanong ko siya kong sino ang kapatid niya, sabi niya Jane Madrigal daw. Natawa ako, may kapatid ka na palang namamalimos. Hhmm, naniwala naman ako kasi kamukhang kamukha mo siya" natawa ako, pero di naman talaga ako natatawa dahil sa kwento ko 'e. Natatawa ako dahil sa reaction niya, halatang galit na galit.
"How dare you!" akmang sasampalin na sana niya ako pero inunahan ko na.
"Are you going to slap me? Sorry, nauna na ako" nagsmirk ako bago umalis sa harap niya. Baka maistress pa beauty ko dahil sakanila hayys.
"Palaban ka parin pala hanggang ngayon" napataas kilay ko ng may humarang sa dinadaanan ko.
Tinignan ko siya. It's Ryan.
"Oo naman" nagfake laugh ako.
"Huwag ka ng tumawa kong di ka naman talaga masaya" napabuntong hininga nalang ako.
"Bakit ka nandito?" walang gana kong tanong.
"Acctually, sa classroom na dapat ako pupunta pero nakita kita na kausap ko sina Jane, what I mean, nakikipagtarayan ka pala kaya huminto ako at pinanood kayo pero ngayong magkausap na tayo, I-I just want to say s-sorry for what I have done before" Yun bang sinabihan niya ako na nakakasawa na akong tulungan magmoved on?
"Yun ba? Wala na yu--"
"Hindi, hmm, I want to explain about that?"
Explain? No need.
"No need" akmang aalis na sana ako ng bigla niya akong hablutin pabalik.
"No. Hmm, basta mag eexplain ako" bakit ba kailangan pa niyang iexplain?
"Okay?" naguguluhang sambit ko.
Hinila niya kamay ko at tumakbo siya habang hawak hawak niya kamay ko.
"Hey! Saan ba tayo pupunta?! Can you please stop running!" sigaw ko. Naiinis na ako, bakit kailangan pa niya akong itakbo?
"Sorry" huminto naman kami pero naglalakad padin. Hingal na hingal na ako.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Di niya sinagot kaya sinundan ko nalang siya.
Huminto siya nang makarating kami sa parking lot. Pinabuksan niya ako ng pinto kaya pumasok nalang ako at tahimik na umupo.
Pumasok din siya at nagdrive. Hinayaan ko nalang siyang magdrive, pero ilang minuto na kaming nagbyabyahe kaya nainis na ako.
"Saan ba tayo pupunta?" inis kong tanong. Akala ko ba mag uusap lang kami kasi mageexplain siya pero bakit ganito? Saan kami puppunta? Bakit kailangan pang lumayo kami sa school?
Ilang segundo na ay di pa siya sumasagot. Hinayaan ko nalang siya hanggang sa nahinto kami sa Amusement Park? Ano naman gagawin namin dito?
Nakakunot noon ako tumingin sakanya.
"Matagal na kasi tayong di nagpupunta dito kaya gusto ko, dito ako mag eexplain dito" napatss nalang ako at inirapan siya.Pumasok kami sa loob ng Amusement park. Kunti palang ang tao, hello? 7:49 am palang ng umaga.
"Allyssa, alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko pero sana maniwala ka" tinignan ko siya na nakakunot uli ang noo ko. Ano trip niya?
"I-I love you"
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...