Chapter 43: Rica & Stephen relationship

170 15 0
                                    

Julian's POV

"Waahhh!!!!" Sigaw ko kasi naman gustong gusto ko ng matulog pero di ako makatulog kakaisip kay Christopher. Bakit kasi ako natamaan sakanya dahil lang sa halik niya? Ganito ba talaga mainlove?

Ilang gabi na akong puyat dahil sa kakaisip sakanya, may eyebags na yata ako eh.

"Julian, matulog kana" sabi ko sa sarili ko at pinikit ko ang mata ko.

Pero ilang minuto na akong nakapikit ay di pa din ako nakakatulog, yung utak ko kasi iniisip siya.

Nagpamusic ako ng soft music pero wala padin.

Hinayaan ko nalang ang mata ko na mamulat, binuksan ko nalang ang facebook ko, wala padin nagbabago, madami pading friend request pero naagaw ng pansin ko yung isang friend request

Christopher Mendoza send you a request.

Napangiti ako, inaccept ko agad at clinick ko yung name niya. Pagtingin ko sa timeline niya ay puro status ng mga fangirl niya na tinag siya. Nakakainis ang dami nila, nabadtrip ako kaya pinatay ko nalang ang laptop ko

***

"Kyaaaa!!" agad akong tumayo mula sa kama ko ng nagising na napatingin sa relo sa table ko, alas 7:02 am na, 7:30 ang pasok ko. Paano ba naman ay 4:30 am na ako nakatulog, hayss! Christopher nakakainis ka! Ang lakas ng tama ko sayo! Bwisit ka!

Agad akong tumungo sa banyo, di na nga ako nakaligo ng maayos dahil malalate na ako. Magbihis na ako at nag ayos. 7:26 ng matapos ako kaya bumaba na ako.

"Di na ako kakain yaya" sigaw ko kay yaya na naghahain ng mga pagkain sa mesa

"Ha? Bakit?" tanong niya pero di ko na siya sinagot, pumasok agad ako sa kotse ko pero nakakainis, ayaw umandar, samantalang kaga- gas ko lang naman kahapos.

"Bwisit!" sigaw ko at sinuntok yung manebela ng mahina bago lumabas ng kotse ko at tumungo sa kusina

"Nasaan si manong yaya?" tinutukoy ko ay yung driver namin, magpapahatid nalang ako sakanya ngayon

"Nagcr siya eh" NagCR? Ang tagal non magcr kaya ginulo ko na ang buhok ko

"Bwisit talaga" sabi ko, wala na akong choice kundi lakarin nalang ang school, malapit lang naman eh.

Pero di pa ako nakakalahati ng lakad ay napagod ako kaya umupo na muna ako sa gilid ng kalsada, inaantok pa ako, kaya pinikit ko lang ang mata ko ng biglang may bumusina sakin, pagtingin ko, black car, akala ko yung kotse namin pero pagtingin ko sa plate number ay iba, di samin to, bumusina siya ulit, di ko pinansin dahil di naman yata ako anh binubusinaan niya, pero wala namang ibang tao dito bukod sakin, so that means ako? Ako ang binubusinaan nito? Baka naman isa tong kidnapper? Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at naglakad ng mabilis pero napansin kong lumabas ang tao sa loob ng kotse kaya tumakbo na ako pero hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko, natakot ako pero di ako kumibo, nakatingin lang ako kalsada.

"Julian" nagulat ako dahil bakit niya alam ang pangalan ko? Di ko padin siya tinitignan pero alam kong lalaki siya

"Sumabay kana sakin?" sabi niya kaya tinignan ko na siya.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

"C-Christopher?" garalgal kong sambit kaya tumango siya

"Bakit ka naglalakad?" natauhan ako kaya agad kong inagaw ang kamay ko na hawak niya, nakukuryente kasi ako kaya inagaw ko na

"Di kasi nagstart yung kotse ko" sabi ko na nakatingin sa I.D. ko

"Yung driver niyo?"

"Wala siya eh, di ko alam kong saan nagpunta" sabi ko nalang, di ko sinabi na nagcr siya, nakakahiya kaya

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon