Chapter 13:Why him?!!!

214 30 1
                                    

"Hoy! Allyssa!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Julian

"Bakit ba!?" irita kong tanong

"Kanina pa kita tinatawag,nakatunganga ka jan! Alas 9:30 na! Punta na tayon gym!" siguro malalim lang yung iniisip ko, yung kagabi.

Di ko na siya sinagot at tumayo na ako sa upuan ko at sumabay na kay Julian papunta sa gym.

"Ano ba kasi magaganap ngayon sa gym!?" inis na tanong ko sakanya

"Di ko rin alam,pero kailangan nating pumunta,nandun na sina Rica"

"Tss,natural! Baka alas otso palang nandun na yung mga yun sa sobrang excited" walang gana kong sambit

"Malandi kasi" sabi naman niya

"Oh! Speaking of the devil" sabi nita ulit ng makarating kami sa gym, nakita kasi namin siya sa loob, kasama si Jane na bwiset!

Shempre, dun kami umupo sa harap, alangan naman sa likod? Tss asa! So yun na nga,tapos sa likod naman namin sina Jane yung mga boys nakaseperate sila, nasa kabilang row sila.

"Okay students, keep quite now" sabi ni ms. Maniego yung assistant ng Daddy ni Andrea na nakamic pa

"So ang gagawin natin dito, lahat ng pangalan ng girls year & section nandito" sabay pakita ni Ms. Maniego yung hawak hawak niyang box

"Nakatupi mga iyon, so ang mga lalake,bubunot, at kong sino ang mabubunot nila,sila ang magpartner for the pageant" Huwattt!? Tss dapat kami nalang yung pipili eh, bakit kong pangit yung makabunot sa pangalan ko!? Ohmy!

"Tapos yung mga girls,bubunot ng number dito sa isang box,kong anong number yung mabubunot niyo,yun yung number niyo sa pageant" sabay pakita niya ulit yung isa pang box.

"May isang babae na walang partner dito, 9 kasi yung girls at 8 yung boys, kong sino ang hindi nabunot yung pangalan niya na babae, siya yung rarampa mag isa, walang partner pero yung babaeng yun bubunot siya ng number niya.Inaanounce namin mamaya kong sino ang magpartner" sabi niya ulit, sana ako nalang yung walang partner, mas maganda. Lorrrddd!! Sana walang makabunot sakin!!! Ang papangit ng mga boys na sumali eh, ayoko naman si Ryan,hoy wag niyong isipin na gwapo si Ryan ha? Pangit din siya,.Si Vince? Kay Julian yun. Mas gusto ko nalang wala akong partner.

"So ibibigay ko na tung box kay Mr. Ramos (apilyedo ng sir kalbo namin) at boys ipalista niyo sa kin yung mga nabunot niyong pangalan boys para alam natin kong sino ang mga partner niyo during pageant pati kayo girls,ipalista niyo sakin" at binigay na ni Ms. Maniego yung box kay sir kalbo

"Okay, boys come here in stage now,kayo yubg unang bubunot" sabi naman ni Sir at pumunta na yung mga boys sa stage at bumunot na.

"Kinakabahan ako Ally, baka iba ang makabunot sa pangalan ko,sana naman si Vince" nag aalalang sabi ni Julian

"Hala! Si Vince na yung bubunot!" sabi niya ulit

Sumunod na bumunot si Ryan,sino kaya nabunot niya?

Hanggang makabunot na ang boys,pinalista naman ng mga boys yung mga nabunot nila kay Ms. Maniego.

Masayang nagpalista si Ryan kay Ms. Maniego, sino kaya nabunot niya? Teka lang ha, bakit si Ryan yung iniisip ko? Dapat ang isipin ko,sino ang nakabunot sa maganda kong pangalan.

Tinignan ko din si Vince, nakabusangot na nagpalista

"Hala Ally,baka ako yung nabunot niya kaya siya nakabusangot, baka ayaw niya akong kapartner" napansin din pala yun ni Julian

"Tss,baka iba yung nabunot niya tapos ikaw yung gusto niya? Kaya siya nakabusangot?" sabi ko naman para matanggal yung lungkot niya

"Sana nga, hayyss" pabuntong hininga niya

"Okay, tapos yung mga boys, girls come on" sabi naman ni sir kalbo

Nagline na kaming lahat, shempre wag ako sa huli, nasa pangalawang harap ako, si Julian yung nasa harap ko.

Ako na yung bubunot,.

Number 7? So contestant number 7 ako?

"Ano nabunot mo?" tanong ni Julian

"Number 7,ikaw?" walang gana kong sagot

"Number 2"

Nang matapos na lahat ng babae na bumunot, pinalista na namin kay Ms. Maniego iyun at umupo na at after 10 minutes iaanounce na daw kong sino yung magpartner, wala sana akong balak dinggin kong sino ang magpapartner pero tong si Julian naman excited, baka daw si Vince yung nakabunot sa kanya, pero kinakabahan siya baka daw hindi

"Tara na Julian" aya ko sakanya

"Teka lang,nandiyan na oh, inaanounce na"

"Tsk, madidisapoint ka lang kong malaman mong hindi ikaw yung partner ni Vince eh" sabi ko naman

"Tss,wag mong sabihin yan,ako yung partner niya,kaya dito pa tayo" pagmimilipit naman niya kaya no choice na ako kundi makinig

*After 10 min.*

"Okay,alam kong excited na kayong malaman kong sino ang mga partners niyo kaya ito na" sabi ni Ms. Maniego, tsk! Sila lang tung excited,wag mo akong idamay tss.

"Ayan naa!!!" sabi ni Julian sabay yugyug sa braso ko

Di ko nalang siya pinansin dahil oo aaminin ko kinakabahan rin akong nalaman kong sino ang magiging partner ko.

"Okay contestant number 1 are blah blah blah blah blah blah blah blah"

"Contestant number 2 is Julian Lim and Jerico Mariones" H-hindi si V-vince?

"Whatt!?? Bakit siya? Bakit yang pangit na yan ang partner ko!?" sigaw ni Julian na tumayo pa

"Calm down Julian, pwedeng yang pangit na yan ang partner mo pero pwedeng si Vince ang magiging partner mo pag kapanalo" sabi kong mahinahon sa kanya kaya nag evil smile siya at umupo

At ipinagpatuloy niya yung pag aanounce, naannounce na tung number 3,4,.

"Contestant number 5 are Rica Arevallo and Vince Zou"

"Kyaaaa!!!!! kyaaaa!!!! Kyaaaaa!!!" mga sigaw na narinig ko mula kay Rica ba nasa likod ko,malandi talaga.

Sasampalin ko sana siya para matigil siya sa kakatili pero biglang tumayo si Julian at lumabas,susundan ko pa sana siya pero.

"Bakit? Natatakot ka din na malaman na baka ako rin ang partner ni Ryan? Ha?" sabi na ni Jane

"Hindi,wala akong pakialam kong ikaw man ang maging partner niya" sabi ko naman at nag evil smile at lumabas ako para sundan si Julian.

Nadatnan ko siyang nakatayo sa labas na nakatalikod

"So nasasaktan ka?" tanong ko sakanya habang papalapit ako,lumingon naman siya sakin

"Hindi,naiinis lang ako dahil sa dinadaming babae na maging partner niya,bakit si Rica pa na karibal ko sakanya?" sabi niya na halatang inis

Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas si Jane mula sa loob ng gym na halarang naiinis rin,bakit kaya?

"Anyare dun?" tanong ni Julian

Sinagot ko naman siya ng ewan look.

Tahimik kaming dalawa ng narinig kong tinawag na yung number ko.


"Contestant number 7 are Allyssa Dimple Klein Cortez and Ryan James Fortalejo"

O___O

She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon