Chapter 77: Cortez siblings

126 8 0
                                    

Allyssa's POV


"A-Alliza? K-Kapatid k-ko?" nang mabasa ko ang sulat, di ko alam ang nararamdaman ko, basta galit ako sa sarili ko. Ang selfish selfish ko! Ang tanga ko!

Agad agad kong pinunsan mga luha ko sa mga mata at tuayo lumabas ng kwarto ko at nagpunta sa kwarto ni kuya pero wala siya kaya hinanap ko si yaya.

"Ya? Si kuya po?" kinagat ko lower lips ko para di maiyak. Naiiyak ako 'e. Ang selfish ko.

"Si kuya mo? Hinatid si Alliza" nagulat ako sagot ni yaya.

"H-Hinatid? S-Saan po?"

"Sa bahay ng mga umampon sakanya, dun nalang daw muna siya" di ko na napigilan ay umiyak na ako. Pinunasan ko nalang at ngumiti.

"S-Sige po" sabi ko at ngumiti, nagpunta ako sa kotse ko. Di-nial ang number ni Julian at agad naman niya itong sinagot.

("Hello? Ally? Bakit") sabi niya ng masagot niya ang tawag ko.

"Pupunta ako ngayon jan sa bahay niyo" at binaba ko na ang tawag. Pinaandar ko na ang kotse ko at nagpunta sa bahay nila Julian.

Pinapasok naman ko ng mga guard nila dahil kilala nila ako. Pumasok ako sa bahay nila at nakita ko namang naghihintay sakin si Julian sa may sala.

"Why?" mataray na tanong ni Julian sakin kaya hinila nalang siya papsok sa kotse ko.

"Saan ba tayo pupunta?" inis niyang sabi ng nakaupo na siya sa passenger seat.

"Kina Alliza" maikli kong sagot.

"Kina Alliza? Diba nasa bahay niyo siya?" naguguluhan niyang sabi.

"Basta, ituro mo nalang sakin ang bahay ng mga umampon sakanya" sabi ko at pinaandar ko na. Di na siya sumagot pero kita ko na ngumiti siya.

**

Nakarating naman kami ni Julian sa skwater area. Ewan ko pero naiiyak nanaman ko. Hawak hawak ni Julian ang right hand ko habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Alliza.

Huminto kami sa tapat ng napakaliit na bahay, hindi nga yata bahay 'to 'e. Parang ewan ko.

Kumatok si Julian dun at pinagbuksan naman kami ni... Alliza.

"M-Ma'am Allyssa? J-Julian?" Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat ng makita niya kami... ako.

"Baby? What are you doing here?" tinago ni kuya si Alliza sa likod niya ng makita ako. Di na ako nakapagsalita dahil pumatak na ang mga luha ko sa mata na kanina ko pa pinipigilan.

"S-Sorry" yun nalang ang nasabi ko at napaupo na lang ako sa sahig.

"S-Sorry Alliza dahil sa pagtataboy ko sayo. Sorry" lumapit sakin si Alliza, umupo siya sa harap ko para magkapantay kami, nakayuko ako. Nahihiya ako.

"Ma'am Allys---"

"Ate" pinutol ko ang sinabi niya dahil sa pagtawag niya sakin. Natigilan naman siya kaya tinignan ko siya. Umiiyak siya, nakatingin sakin. Niyakap ko nalang siya.

"I want you to call me Ate, you're my sister. Right?" niyakap niya rin ako.

"A-Ate" umiiyak din siya.

"S-Sorry Alliza. S-Sorry dahil naging selfish si ate. Sorry dahil sa pakikitungo ako." kumalas ako ng yakap at tinignan ko siya sa mata.

"Naiintindihan ko ate. Naiintindihan ko kung bakit ka galit sakin kasi ako naman ang dahilan kong bakit kayo iniwan ni dad---"

"Shhhhh. Don't say that. You're not. Don't blame yourself Alliza" pinunasan ko ang luha niya.

"Wala kang kasalanan dahil walang may gusto yun." sabi ko at ngumiti.

"Ate, sorry din kasi di ko naaalala noon. Sorry ate kasi di ko kayo nakasama noon."

"Ang swerte mo nga 'e kasi di ka namin nakalimutan. araw araw umaasa kami na mahahanap ka namin, pero eto na 'o. Nahanap ka nanamin"

"At masayang masaya na kami dahil nandito ka na ulit nakikita namin, nahahawakan at nayayakap. We missed you so much Alliza" pagpapatuloy ni kuya sa sinabi ko. Pinatayo niya kami at niyakap kaming dalawa.

I miss this. I miss my bestfriend slash sister. I miss Alliza.

Kumalas na kami.

"Pwede bang sa bahay ka na ulit?" tinignan ko siya, tinignan niya mga magulang niya na nasa loob ng bahay at tumango naman sila at ngumiti.

"Oo naman ate. Basta di mo na ako susungitan" natawa ako kaya niyakap ko siya.

"Hinding hindi ka na susungitan ni ate kasi mamahalin ka na niya. Mas mamahalin ka na niya tulad ng dati. Hinding hindi na kita sasaktan dahil iingatan na kita. Di na ako papayag na mawala ka ulit. Di papayag si ate. Alliza, I'm sorry. Patawarin mo si Ate. Mahal na mahal kita" pinunasan ko muna luha ko bago ako kumalas.

"Salamat ate. Mahal na mahal din kita" at hinalikan niya ako sa pisngi. Naalala ko noong mga bata pa kami, palagi niya akong hinahalikan sa pisngi. Namiss ko siya.

Ngumiti ako sakanya.

"Dun ka na ulit sa kwarto ko matulog ha? Tabi tayo" ngumiti ako. Natawa naman siya.

"Oo naman ate. Gusto mo sa kwarto pa ni kuta tayo matulog 'e para makasama natin siya" Oo nga 'no?

"Sige! Ano kuya gusto mo?" kunwari namang nag isip si kuya.


"Hmm. Ayoko.. kasi gusto ko sa rooftop tayo matulog" ngumiti siya. Bigla naman akong na'excite.

"Sigeeee! Gusto ko Ate, kuya, para makita natin ang mga stars" excited niyang sabi. Tumawa naman kami ni kuya dahil sa kakulitan ni Alliza.

"Pero sa ngayon, pupunta muna tayong sementeryo" seryosong sabi ni kuya.

"Sementeryo?" nagtataka kong tanong.

"Bisitahin si Mommy" ngumiti siya kaya tumango na kaming dalawa.

"Hey! Haha. Ang saya ko dahil kumpleto na kayong magkakapatid. Sige uwi na ako Ally" Oo nga pala no? Nandito pala si Julian.

"Sige." sabi ko. Aalis na sana siya pero may bigla akong naalala kaya hinawakan ko braso niya kaya mapatigil niya.

"Bakit?"

"Thank you. Thank you for everything. Kung di dahil sayo, di kami mabubuo ulit. Thank you" ngumiti ako at ngumiti din siya. Niyakap ko siya.

"Sige. Alis na ako. See you nalang sa graduation" Sa next next day na pala yun.

"Sige. Bye. Salamat" umalis na siya.

"Graduation niyo na. Di pa tayo nakabili ng mga dress niyo kaya tara na! Punta pa tayong sementeryo at mamamasyal!" sigaw ni kuya kaya sumigaw niya kami dahil sa saya.

Pero bago kami umalis, pumunta muna sa loob si Alliza at niyakap ang mga magulang. Umiiyak na din sila.

"Thank you Mama. Papa" niyakap niya ulit at lumapit naman kami sakanila.

"Salamat po" sabi ko at niyakap rin.

"Salamat po sa pag aalaga kay Alliza" sabi ko ulit.

"Bibisita nalang po ako" sabi ni Alliza.

"Sige. Mag iingat kayo ha? Lalo na ikaw Iza-- Alliza" ngumiti si Alliza at niyakap ang Papa niya.

"Bye po!" Sigaw ni Alliza at tumakbo na palabas ng bahay nila.

"Salamat po" sabi ko ulit at ngumiti.

Lumabas na kami ni kuya at nagpunta kaming sementeryo kasama si Alliza.



She's a Half Mataray, half MahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon